Naging maayos ang pagtulog ko sa hindi malamang dahilan. Nawala na din ang pagkahina ko. Monday na naman. Grabe ang bilis ng araw pero pakiramdam ko ay isang taon na ako sa lugar na ito.
"Apo. Mabuti naman at maayos ka na. Halika kain na." Aya ni lola. Pero hindi ko alam bakit wala akong gana. Siguro ay busog lamang ako.
"Lola. Busog pa po ako eh. Magkakape nalang po ako." Ngayon pala kami tutugtog nina Helena. Excited na ako. Hahaha.
"Lola. Mauuna na po kami!" Paalam ni Lucas. Nakalimutan ko nga palang isauli ang jacket niya. Siguro ay mamayang gabi ko nalang ibabalik.
Habang naglakad ay napaisip ako sa mga nangyayari sa akin. Para kasing nagbago ako. Kung dati ay puro ako away ngayon ay ang tahimik na ng buhay ko. Eto siguro ang gusto ni mommy.
"Mabuti naman at ayos ka na." Mahinang sambit ni Lucas. Nahihiya kasi akong kausapin siya hihi.
"Lucas. Hindi pala ako makakasabay sayo mamaya ha? Susunduin ako eh."
Pagpapalusot ko. Kahit ang totoo ay tatakasan ko lang siya. Gusto ko kasing bumalik sa pamilihan eh. Bibili ako ng bracelet para kay lola. Last time kasi hindi ako nakabili eh.
"Oh sige. Tara na?" Aya niya saka ako hinawakan sa kamay. Pakiramdam ko tuloy ang pula pula ko na. Pumasok kami sa gate ng magkahawak ang kamay. Dahilan upang pagtinginan at pag usapan nila kami.
"Sila na ba? Sabi sa inyo eh malandi talaga si Reign."
"Ano ka ba! Apo siya ng may ari ng school gusto mo bang maalis?"
"Mas bagay sila ni Helena eh!"
"Oo nga. Helena pa din."
Gustong gusto ko silang sugurin dahil sa pinag sasasabi nila. Naiinis ako pero bakit nangingibabaw yung sakit?
"Huwag mo silang pansinin. Pfft. Inggit lang ang mga yan." Bulong ni Lucas na ikinagulat ko. Damn.
"Bitawan mo na kasi ako! Gustong gusto mong hinahawakan ang kamay ko eh."
"Eh ano ngayon? Just shut up and walk." At hindi ko na nga napigilan ang pagngiti ko ng palihim. Bakit ka ganito Lucas? Anong ibig sabihin ng lahat ng ito?
Habang bored na nakikinig sa klase ay hindi pa din mawala sa isip ko yung nangyari kanina. Hihi. Ewan ko kinikilig ata ako? Pero alam kong mali.
"Class Dismiss. See you tomorrow!"
Ayown. Yes naman. Dali dali akong umalis sa classroom at lumabas sa gate. Pahirapan pala ngayong humanap ng sasakyan.
"Manong para po! Keep the change po!" Agad din akong nakarating sa pamilihan. Woah. Bakit mas gumanda naman ngayon? Malapit na pala ang Fiesta dito! Na eexcite tuloy ako.
Habang naglakakad lakad ay napukaw ng pansin ko ang isang cute na teddy bear. Iregalo ko kaya ito kay lola?
"Manang. Magkano po ito?"
"100 lang ineng. Bibilhin mo ba?"
"Opo. Eto po keep the change.!"
"Salamat."
Pakiramdam ko ang sarap sa feeling ng ganito. Unlike sa malls sa Manila. Habang nagtitingin pa ng pwedeng bilihin ay naisipan kong maupo na muna sa may upuan sa tabi. Grabe nakakapagod. Halos hindi na nga ako makahinga dahil sa pagod eh. At the same time nahihilo ako. Bakit ngayon pa.
"Hi Miss. Mag isa kalang ba?" Tanong ng isang lalaki sa harapan ko. Ako ba ang kinakausap niya?
"Ako ba?"
"Oo. Nag iisa ka? Masama sa babae ang nag iisa." Gusto kong matawa sa sinabi niya. Sanay na kasi ako sa ganito magpapakilala ang mga ito at magyayayang lumabas.
"I'm Alex. And you are?"
"I'm-----."
"I'm her boyfriend." Gulat akong napalingon kay Lucas ng sabihin niya iyon. Ano bang ginagawa niya!
"M-may kasama ka pala miss eh. Sige mauuna na kami."
Inis kong nilingon si Lucas. Ano bang trip nito? Ginagamit niya na naman ba ako para magselos si Helena?
"Ano bang sinasabi mo. Epal ka di eh no." Pagsusungit ko. Kahit na ang totoo ay kinikilig ako. Pero alam kong mali. Palabas lang naman eto eh.
"Manyakis ang mga yun. Nilalayo lang kita." Kitang kita ko naman ang asar na asar niyang mukha. Kaya naman ay hindi ko na napigilang matawa. Ang cute niya eh
"Dahil sabi mong boyfriend kita ililibre mo ako!" Masiglang sabi ko saka hinila siya sa mga nagtitinda ng pagkain.
"Magpapaliwanag ka pa sa akin baby. Susunduin huh?" Mapaglarong sabi niya saka ako inakbayan. Damnit. Mamaya himatayin ako sayo Lucas! Dahil sa hiya ay pinipilit kong itago ang mukha ko. Pakoramdam ko ay pulang pula na kasi ako .
"Mamaya na! Ilibre mo muna ako." Pagiiba ko ng topic. Buti nalang at hindi ako nautal.
"Kumakain ka ba nito? Sa tingin ko hindi ang arte mo eh." Pang aasar niya.
"Edi susubukan ko! Ate tatlo nga po dito!"
Turo ko sa isaw daw. Bawat pagkain ay nakapaskil ang pangalan eh. Masarap kaya itong isaw na to? First time kong kakain eh.
"Baby. Pinagtitinginan ka nila oh?" Bulong ni Lucas mula sa likod ko. Damnit! Gustong gusto niya talaga akong nagugulat sa mga ginagawa niya.
"Lumayo ka nga! Baby mo mukha mo no!" Pagsusungit ko. Pakiramdam ko tuloy totoo ko siyang boyfriend. Kahit alam kong malabong mangyari.
"Boyfriend mo ako hindi ba? Tsk." Ang kapal ng mukha niya talaga.
"Kumain na nga tayo Lucas. Para kang baliw no!" Natatawa kong sabi saka kumain na. Hmm. Masarap pala ito eh.
"Tara Lucas. Hahanap ako ng damit para kay lola eh. Dalian mo naman!"
Habang nag iikot ikot ay isang kamay ang humawak sa akin. Gulat akong napalingon kay Lucas na ngayon naman ay namimili na din ng damit. Damn. Seryoso ba siya sa boyfriend act niya? Hahaha.
"Stop staring baby. Just take a picture of mine at yun ang titigan mo." Sambit niya saka kumindat. Damn this guy!
"Asa ka no!" Ramdam ko pa din ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Magtatanong ako kay lola! Tama.
"Ate magkano po ito?" Turo ko sa isang cute na damit. Magagandang damit ang mga ibinebenta nila dito at mura pa.
"150 lang ineng. Bibilhin mo ba? Para ba ito sa boyfriend mo?"
Tanong niya habang nakatingin kay Lucas. Damnit. Super pula na ata ang pisnge ko at halos dumugo na ang labi ko dahil sa pagpipigil ng ngiti.
"P-para po sa lola ko."
"Ah ganon ba. Oh eto."
"Salamat po. Keep the change po."
Nakakapagod ang araw na ito. Buti nalang talaga at may nasakyan kami. Hahaha.
"Thanks for today Lucas. Nag enjoy ako." Nakangiti kong sabi.
"Ako din. Hmm. Mauuna na ako?"
"Sandali lang! *tsup* Sige. Babye!" Pamamaalam ko saka pumasok na. Hihi nakalibreng halik na naman ako!
YOU ARE READING
Waves Of Love (Island Of Love Series 1)
Teen Fiction"I'm the daughter of Rony Mercado! I can do whatever I want so leave me alone!" Reign Mercado. The spoiled brat among the Mercado Family. For her. Money can buy anything. Not until he met Lucas. The man of her life. Welcome to Island of Love.