Kanina pa kaming umaga na naglalaro. At masasabi kong grabe ang pagod ko.
"Gusto mo ng tubig?" Tanong ni Lucas na ngayon ay katabi kong nakaupo. Syempre nagpapahinga.
"Hindi na. Ikaw nalang uminom nyan." Nakangiti kong sagot. Laking gulat ko nalang ng bigla niya akong akbayan.
"I love your smile. Just keep smiling." Bulong niya dahilan para magtaasan ang mga balahibo. Jeez. Ang lakas talaga ng epekto ni Lucas sa akin. Damn it.
"Ah eh. Laro niyo na oh! Goodluck." Pag iiba ko ng usapan. Pakiramdam ko ay pulang pula na ako dahil sa pinag gagagawa niya. Grabe. Pero mamaya na pala ako aamin sa kanya. Sana maging maganda ang result.
Sa laro ngayon ay by pair na naman. Paper dance daw.
"Reign! Tara na. Partner mo ako diba?" Gustuhin ko mang maging partner ni Lucas ay hindi na ako pumayag. Nahihilo ako eh.
Mula dito ay kitang kita ko kung paano halpusin ni Helena si Lucas. Grrr. Pwede namang iba nalang ang partner ni Lucas ay bakit kailangang si Helena pa? At bakit parang hindi naman napapansin ni Lucas ang ginagawa niya? Aish.
"Ok! Ang nanalo ay ang pair HeleCas.!" Gusto kong matawa sa name nila. Damn! Hahaha. Ang corny grabe. HeleCas. Sino naman kayang gumawa ng pangalan na yun? Ang dugyot. Hahaha.
"Lucas. Pagod na pagod ka ah. Eto oh tubig." Bungad ko saka inabot sa kanya ang isang bote ng tubig. Kasabay ng pag punas ko sa pawis niya. Bakit ba kasi sumama pa siya sa larong yun?
"Ok. Magpahinga na kayo. Dahil mamaya ay bonfire time!!" Sigaw ni ma'am. Dahilan para mag hiyawan ang mga classmates ko. Pfft. They all look excited huh?
Ng sumapit ang gabi ay nakabilog na kami sa apoy. Wews. Maglalaro daw kami ng truth or dare eh. Ang sabi para daw hindi boring ang last night namin dito.
Natapat ang bote kay Lucas. At ang pinili naman niya ay Truth. Damn.
"Ok Lucas. Sino sa tingin mo ang pinakamaganda ngayong gabi na to? Pwede bang ituro mo siya?" Tanong ni ma'am. Oh shit. Bakit ganyan naman ang tanong.
"Sus. Syempre si Helena na yan."
"Hoy! Si Reign yan. Pustahan."
"Mas maganda si Helena no!"
"Hindi ah. Si Reign kaya."
Hanggang dito ba naman pag uusapan nila yan. Aish. Mas pabor sila kay Helena. Ano bang meron sa kanya na wala ako?
"Lahat naman maganda. Its just that Reign is the most beautiful." Nakangiting sagot ni Lucas dahilan para mapangiti ako. He's telling the truth. Napuno naman ng hiyawan ang grupo. Sumunod naman na napili ay si Helena.
"Dare ako." Nakangisi niyang sambit. Ano naman kayang i dedare sa kanya?
"Ok. Pwede bang yakapin mo ang taong gusto mo?"
"Oo naman napakadali!" Isang mapang asar na ngiti ang ibinigay niya sa akin bago yakapin si Lucas. Sinasabi ko na nga ba eh! Argh. Damn her! I hate her.
"Wuhooo Helena lang malakas."
"Kambak na ba yan? Sanaol!"
"Yieeee sanaol. Nakakakilig sila."
"Oo nga no. HeleCas lang!"
Nakakapikon ang mga comments nila. Sana ay hindi nalang ganon ang sinabi nila. Natapos ang laro ng hindi man lang ako napili. Hindi man lang ako nakabawi.
This is it. My time to shine.
"Lucas sandali! Pwede ba tayong mag usap?" Aaminin ko na ang lahat. Na hindi ko lang siya gusto. Mahal ko siya.
"Sure. Dito ba? Sige upo ka." Argh. Kinakabahan ako. Nanginginig ang buo kong katawan dahil sa kaba.
"Lucas. Mahal kita." Nakayuko kong sagot. Inaasahan kong magsasalita siya pero isang tawa lang ang narinig ko.
"Lucas. Mahal kita." Pag uulit ko.
"Hindi mo ako gusto Reign. Tandaan mo yan. Yang nararamdaman mo mali yan." Malamig niyang tugon dahilan para matigilan ako.
"No! I love you!I really do Don't you trust me?" Namamaos kong sigaw sa kanya.
"Hindi mo ako mahal. Mali yan Reign" malakas na buntong hininga ang pinakawalan niya matapos magsalita.
"Diba gusto mo ako? Diba Lucas?" Nangungusap kong sagot habang nakikipag titigan sa kanya.
"Hindi kita gusto. Reign. Mali ang iniisip mo." Seryoso niyang tugon dahilan para magbagsakan ang mga luha ko. No. Hindi to totoo!
"Please... I'm begging you to like me too.." pangungusap ko saka dahan dahan kong hinawakan ang mga kamay niya.
"Never Reign. Matulog ka na maaga pa tayo bukas." Bago pa siya makatayo ay isang malakas na sampal ang ibinigay ko sa kanya. Ang kapal ng mukha niya! I hate him!
"Bakit ganon! Kung hindi mo ako gusto bakit mo ako hinalikan huh? Bakit ang sweet mo ha? Bakit....bakit umaakto kang gusto mo ako!? Tama ba ako? Huh? Na ginagamit mo lang ako para magselos si Helena huh?..." nannghihina kong tanong sa kanya.
"Hindi porke mabait ako sayo. Hindi porke hinalikan kita ay gusto na kita. Wag kang umasa." Wika niya saka tuluyan ng umalis.
"A-ano ba ako sayo?" Namamaos kong tanong. Please. Just say it.
"Ano ka sa akin? Wala. Matulog ka na."at tuluyan na nga akong napahagulgol sa sagot niya
Damn it! Dapat pala ay hindi na ako umamin sa kanya. Pero bakit Lucas? Bakit mo ako pinapaasa?
Bakit sa lahat ng papaasahin mo ay ako pa? Lucas I hate you! Bakit ba ikaw ang nagustuhan ko? Ang tanga tanga ko talaga!
Ang paraan niya na paghawak sa akin! Ang paraan niyang paghalik sa akin! Lahat yun wala! Wala lang para sa kanya? Anong klaseng lalaki siya?
Haha. How pathetic! Ang ganda ganda ng lugar na pinag aminan ko tapos ganon ang makukuhang sagot ko? Aw shit. Damn it!
Dapat pala ay nung una palang ay hindi ko na siya nagustuhan! Dapat palang una palang ay pinigilan ko na ang nararamdaman ko! Dahil sa oras na tinuloy ko masasaktan ako.
Ngayon alam ko na. Ibang Lucas ang kaharap ko sa tuwing kikiligin ako. Sana pala nung una napigilan ko na. Dito din pala babagsak ang sarili ko.
"Kawawa ka naman. Na reject. Ano kayang pakiramdam?" Ano bang ginagawa ni Helena dito? Ang ibig sabihin ay narinig niya ang pag uusap namin. Shit!
"Umalis ka na dito! Alam kong ikaw pa di ang gusto ni Lucas. So please leave?" Mahinang usal ko dahilan para matawa siya habang papaalis. Damn her. Damn that guy! Parehas sila!
YOU ARE READING
Waves Of Love (Island Of Love Series 1)
Dla nastolatków"I'm the daughter of Rony Mercado! I can do whatever I want so leave me alone!" Reign Mercado. The spoiled brat among the Mercado Family. For her. Money can buy anything. Not until he met Lucas. The man of her life. Welcome to Island of Love.