Ilang araw ang makalipas ay naging maayos naman ang palikitungo sa akin ni Lucas. Minsan ay sweet siya. Hindi ko alam. Palagi niya na din akong hinahalikan sa noo sa tuwing magpapaalam siyang aalis na. Kaya naman ay napag pasyahan kong umamin na. And the perfect spot para umamin ay sa LaLuna Island.
Kagabi kasi ay nag search ako tungkol sa lugar na yun. Isa daw yun sa pinaka romantic na lugar sa Province na ito. Ang balita ko ay doon din daw nag propose si Lolo lay Lola. Hihi wala lang kinikilig lang ako.
"Goodmorning Reign. Tara na?" Aya ni Lucas. Kahit na nakakaramdam ako ng panghihina ay sinigurado kong masigla akong haharap sa kanila.
"Goodmorning! Tara na?" Netong mga araw ay para daw kaming mag jowa. Dahil daw ang sweet sweet namin sa isa't isa.
"Reign? Bakit nga pala may pasa ka na naman?" Seryosong tanong niya habang hawak ang mga kamay ko.
"Naiuntog ko lang siguro." Pagpapalusot ko. Dahil ang totoo ay hindi ko din alam kung saan ko nakukuha yan.
"Class. Ready na ba kayo sa trip? Dala na ba ninyo lahat ang mga gagamitin?" Tanong ni ma'am. At ang mga kaklase ko naman ay may kanya kanyang sagot. Ang ingay nila.
"Tandaan. Pupunta tayo doon para sa school activities ok? Hahayaan naman namin kayong magsaya basta makipag participate ok?" Paalala ni sir.
Pagkasakay namin ng bangka ay halo halong emosyon ang nararamdaman ko. Excited na ako. Saan ba? Para sa pagbisita ko sa isla na yun o sa pag amin ko?
Mula dito ay kitang kita ko na kung gaano kaganda ang LaLuna Island. Ang mga tubig. Masyadong clear ang tubig. Di na ako nagtaka bakit ang ganda ganda dito.
Pagkababa ko ay agad na hinapit ni Lucas ang baywang ko.
"Just stay beside me. Baka mawala ka." Natatawa akong napalingon dahil sa sinabi niya. Ang totoo ay gusto niya lang talagang humawak sa baywang ko.
Dahil sa likot ng mata ko ay napatingin ako kay Helena. Na ngayon ay nakakuyom na ang mga palad habang nakatingin sa amin. Eh? Ano na naman bang ginawa namin.
"Class. Be ready. Ang first game natin ngayon ay By pair!" Sigaw ni Ma'am. Kung by pair pala ay pwedeng maging si Lucas ang partner ko.
"Uh. Lucas may partner ka na ba?" Tanong ko.
"Oo." Bagsak ang balikat ko dahil sa sinabi niya. Akala ko pa man din ay wala pa. Nakanguso akong humarap at naghanap ng pwedeng maging partner. Ngunit agad agad din ako hinapit sa baywang ni Lucas. Eh?
"Syempre ikaw. Tsk. Tara na makinig na tayo sa instruction." Halos magwala na ang mga kabayo sa puso ko dahil sa ginawa at sinabi niya. Ano ba yan. Hindi ko alam talaga kung kailan aatake ang ganitong side ni Lucas.
"Ok. So sa bawat sulok ay may nakatagong heart shape na papel. Padamihan lang ng makukuha. Ok ba? Sige ready start!"
Matapos ng pito ay agad kaming naglakad ni Lucas sa may kabilang banda. Woah. Ang ganda dito.
Puro lang kami lakad ni Lucas pero wala pa din kaming nahahanap. Aish. Mukhang wala naman ata dito eh. Dahil na rin sa nararamdaman kong pagod at kapos ng hininga ay napaupo na lang ako sa may bato. Damnit.
"Reign! Are you ok? Ang putla mo na naman." Nag aalalang sigaw ni Lucas. Tsk. Hahaha. Natatawa ako sa istura niya lara tuloy siyang pusang hindi mapaanak.
"Ok lang ako. Napagod lang siguro ako." Paliwanag ko. Paano na yan. Mukhang hindi kami mananalo ah. Nakakainis naman kasi eh.
"Tara na. Sumakay ka nalang sa likod ko." Utos niya. Wala naman akong nagawa dahil sa pagod na din naman ako. Why not diba?
Habang naglalakad lakad ay nakahanap kami ng isa. Kahit isa lang ang nahanap namin ay dumiretso na kami sa lugar nila ma'am. Bawat heart shape daw kasi makukuha namin ay may kapalit na pagkain. Kaya nakakuha kami ng isang set ng pagkain. Oh yeah.
"Next game! Ay Volleyball. So girls. Ready? Start!"
Magkalaban kami ngayon ni Helena. Nung una kasi ay magkakampi kami ngunit nag pa lipat siya sa kabilang team hindi ko tuloy alam kung anong binabalak niya. Pakiramdam ko tuloy ay may mangyayari. Aish.
Paulit ulit lang ang nangyayari sa bola. Lilipat sa amin at ililipat naman namin sa kabila. Lamang kami ng score.
Ng last 5 seconds na ay dali dali itong ini spike ni Helena ng sobrang lakas. Dahilan para tumama sa akin ang bola.
"Ouch! Damnit!" Sigaw ko. Damn! Ang sakit non ah. Sa mukha pa talaga tatama. Huhu ang maganda kong mukha.
Masamang titig ang ibinigay ko kay Helena ngunit isang ngisi naman ang iginanti niya. Sinasabi ko na nga ba at may gagawin siyang masama. Ugh! Damn that girl!
"Reign! Are you ok? Tara doon." Aya ni Lucas saka pinaupo ako sa upuan. Dahan dahan niyang hinawakan ang mukha ko saka tiningnan kung may pasa ba. Aish.
"Masakit pa ba? Sasabihin ko muna kay sir na magpahinga ka na muna." Nag aalala niyang tugon. Pfft.
"Maayos naman ako. Tara na sa laro!" Aya ko saka hinawakan ang kamay niya. Ahihi. Eto ang unang beses na hinawakan ko ang kamay niya. Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko at parang bakukuryente ako. Same feeling nung unang beses niyang hinawakan ang kamay ko.
"Ok. So bukas ulit okay? Anong oras na din naman. Goodnight students!" Sigaw ni ma'am. Matapos ng ilang laro buti naman at naisipan na nilang pagpahingain kami. Bukas daw ay mag bobonfire kami. Nakaka excite. Dahil last day na namin bukas ay bukas nalang ako aamin. This is it! Fighting!
Habang pinipilit kong matulog ay sakto namang nakita ko si Helena at Lucas na lumabas sa kanilang tent. Ano kayang gagawin nila? Nang hawakan ni Helena ang kamay ni Lucas ay para akong pinana sa puso. Lucas. Bakit hindi mo siya pigilan.
![](https://img.wattpad.com/cover/241271494-288-k271647.jpg)
YOU ARE READING
Waves Of Love (Island Of Love Series 1)
Teen Fiction"I'm the daughter of Rony Mercado! I can do whatever I want so leave me alone!" Reign Mercado. The spoiled brat among the Mercado Family. For her. Money can buy anything. Not until he met Lucas. The man of her life. Welcome to Island of Love.