Chapter 6

19 0 0
                                    

Pagkarating ko sa school ay busangot ang mukha ko. Badtrip kahapon. Nilaglag ako ni Lucas. Humanda talaga sa akin ang lalaking yun.

Flashback,

"Lolaa! Look binili ko to for you!"

"Reign Mercado. Sino ang nagsabi sayong maari kang gumala?"

Isang lunok ang nagawa ko dahil sa seryosong si Lola. Akala ko ba ay matutuwa siya dahil binilihan ko siya ng dress.

"Lola. Nagpaalam naman po ako kay Lucas eh."

"Nagpaalam ka bakit hindi ko alam?"

Singit ni Lucas. Andito pala ang impaktong ito. Humanda ka sa akin Lucas Adrada.

"Hindi mo ata ako narinig busy ka eh." Kumagat ka Lucas. Ayaw kong mapagalitan kaya mabuti pa ay sakyan mo na ang palusot ko.

"Ah kaya pala wala ka sa classroom niyo. At sumakay ka sa Tricycle."

Fuck! Kung pwede lang na sampalin ko siya ay hindi ko magawa. Syempre andito si Lola mamaya pagalitan pa ako.

"Totoo ba yan Reign?"

"Lola naman. Bored na bored na ako sa bahay na to! Gusto ko lang naman mamili eh."

Pagmamaktol ko. Maniwala ka lola. Huhu.

"Huwag mo ng uulitin. Sa susunod magpapasama ka na kay Lucas."

Hell no! Magsasalita pa sana ako ngunit umalis na si lola. My time to shine!

"You! Napagalitan na naman ako dahil sayo! Damn you!"

Sigaw ko saka dinuro duro siya. Nakakaasar siya. Ang mas lalong kina asar ko sa kanya ay ang pag ngisi niya. Argh!

"Kasalanan mo. Tumakas ka. Tsk idiot."

Bulong niya saka unti unting nilalapit ang mukha niya sa akin. Damnit! Amoy na amoy ko ang hininga niya and ugh at ang bango niya. Kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko.

"Galingan mo kasing tumakas." Ang husky ng boses niya. Habang palapit siya ng palapit ay paatras ako ng paatras.

"Ano bang ginagawa mo!"

"How I wonder kung ilang lalaki na ang nakahalik sa labi mo."

What the! Damnit! Anong ibig niyang sabihin? Manyakis talaga siya!

"U-umayos k-ka nga!"

"Sa simpleng paglapit ko nauutal ka na. Paano kung nahalikan na kita? Baka mahimatay ka."

Bulong niya saka umayos na ng tayo habang tumatawa. Damn! Pakiramdam ko ay pulang pula na ang pisnge ko. Isa pa tong tibok ng puso ko. Ano bang nangyayari.

"Lola aalis na po ako."

Paalam niya saka umalis na. Damn.

End of Flashback.

Ang mga ginawa niyang yun bakit parang may nararamdaman akong ewan? Parang may paru parung makukulit sa tyan ko. Ang weird lang.

Mag pa check up nalang kaya ako. Matapos ang second subject ay dumiretso na ako sa canteen. Buti nalang talaga ay hindi pa breaktime nina Lucas. Pero bakit gusto ko siyang makita?

"Reign. Sasama ka ba sa banda?"

"Huh? Anong banda ba?"

Ano namang gagawin ko doon. Gitara lang ang alam ko eh.

"Para sana sa charity. Kung ok lang naman? Gitarista ka daw eh."

"Ah eh. S-sige."

Hindi ko alam kung dala ba namin ni Mang Anton ang gitara ko.

"Class dismiss!"

Uwian naa. Excited na akong umuwi bukod sa makakapag pahinga ako ng maaga ngayon wala si lola kaya malaya ako sa loob ng bahay.

"Hindi ka ba pupunta sa pamilihan ngayon?"

"Tara na. Wag ka ng magsalita dyan."

Kahit gusto ko siyang makausap eh wala ako sa mood. Kanina kasi ay magkasama sila ni Helena. Ang sweet nila. Ano yun mag ex na nga eh sweet pa din sa isa't isa. Tsk. At saka ano bang pakialam ko sa kanila.

"Bakit ba ang bilis mong maglakad?"

Halos mag tayuan ang balahibo ko dahil sa pagkakahawak niya sa kamay ko.

"A-ano ba. Nagmamadali ako!"

Sigaw ko sabay hablot sa kamay ko. Grabe ang bilis ng tibok ng puso ko ah. Aish.

"Manang! May dala ba akong gitara nung pumunta ako dito?"

Tanong ko sabay kain ng apple. Kailangan kong mag practice. Ang sabi ni Helena para daw sa charity. Sounds good.

"Oo. Kailangan mo ba?"

"Opo eh. May pag gagamitan lang ako."

"Oh sige. Ihahatid ko nalang sa kwarto mo. Magbihis ka na."

Naalala ko tuloy kung paano ako tinuruan ni mommy na mag gitara. Kung paano niya tinuruan si daddy. Sana pwedeng bumalik sa dati.

"Ito na. Sa mommy mo pala iyan. Mabuti at nakatago pa."

"Kay mommy po eh. Kailangang maayos lagi."

Ngiting sagot ko at saka magsimulang tumugtog. At kumanta.

"You're just too good to be true

Can't take my eyes off of you

You'd be like heaven to touch

I wanna hold you so much

At long last, love has arrived

And I thank God I'm alive

You're just too good to be true

Can't take my eyes off of you

Pardon the way that I stare

There's nothin' else to compare The sight
of you leaves me weak

Please let me know that it's real

You're just too good to be true

Can't take my eyes off of you"

Natigil ako sa pagkanta dahil sa pagkabog ng pintuan. Sino naman kaya yun? Agad akong tumayo at sumilip. Si lucas lang ang malapit sa pinto. Posible kayang pinapanood niya ako? Hindi.

"Apo. Samahan mo naman si Lucas na ihatid ito sa kabilang barangay."

Utos ni lola. Halos gusto kong magmaktol dahil sa dadalhin namin. Mga school suplies lang naman na nasa walong supot. Aish. May sasakyan naman kami pero bakit maglalakad pa.

Habang naglalakad ay walang naglakas loob na sumira sa katahimikan. Mas mabuti na siguro ito. Pakiramdam ko naiilang ulit ako eh.

"Ang ganda pala ng boses mo."

Mahina niyang tugon na dahilan upang matigilan ako. Ibig sabihin? Siya yung dahilan bakit kumalabog ang pintuan? Pero bakit?

"Bakit ka ba nakikinig?"

Pagpapatuloy ko. Ang layo naman ng pupuntahan namin.

"May narinig kasi ako. Kaya hinanap ko. Ikaw pala yun."

Nakangiting sagot niya. Totoo ba itong nakikita ko? Si Lucas nakangiti? Bakit ang gwapo niya. Bakit kaya nag break sila ni Helena? Mahal pa nila isa't isa ah? Weird. Sinayang nila ang isa't isa. Pero bakit ganon? Parang tinutusok yung bahagi ng puso ko.

"Ah. Haha. Tara na? Baka gabihin pa tayo."

Pag iiba ko ng usapan. Parang kinukurot ang puso ko sa mga naiisip ko. Ano bang problema ko?

Waves Of Love (Island Of Love Series 1)Where stories live. Discover now