Nagising ako dahil sa mahihinang hikbi ng nasa tabi ko. Teka? Bakit nagkaroon ako ng katabi sa kwarto na ito? At saka anong nangyari? Kanina lang ay tinataboy ko si Lucas. Paano ako nakarating dito?
"Reign! Gising ka na. Maayos ka na ba?" Tanong ni Lucas. Teka anong ginagawa mo dito?
"Lucas! Anong ginagawa mo dito? Hindi ba ay tapos na tayo!?" Sigaw ko. Damn it!
"May sakit ka pero hindi mo sinabi! Reign! Boyfriend mo ba talaga ako!?" Namamaos niyang sigaw. Saka pilit hinahagilap ang kamay ko. Paano niya nalaman?
"Lucas.... p-please.. wag mo namang ikulong ang sarili mo sa akin.." nanghihina kong bulong. Hindi na kaya ng katawan ko...
"Reign..bakit hindi mo sinabi? B-bakit kailangang saktan mo ako sa paraang gusto mo?.." tanong niya saka dahan dahan akong niyakap. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Isa isang nagpatakan ang mga luha ko dahil sa ginagawa ni Lucas dito.
"Lucas..ayaw kong maiwan ka..pero.." hindi ko na natuloy ang sasabihin ko sapagkat hindi ko na mapigilang mapa hagulgol. I really am sorry Lucas.
"Hush..baby..Sasamahan kita..lalaban ka okay? I'm with you." Nakangiti niyang saad saka hinalikan ako sa may noo. Bakit Lucas? Bakit mas gusto niyang makasama ako kahit na hindi ko na siya masasamahan?
"Lucas....I'm dying...gusto mo pa din..bang mana..tili?" Tanong ko saka marahan siyang hinaplos sa may pisnge.
"Mahal kita Reign...i'm willing to stay." Ramdam na ramdam ko kung gaano kabilis ang tibok ng puso niya. Ganoon pa din. Kapag kasama niya ako ay para ding may mga kabayong nag uunahan sa puso niya.
"Lu..cas..ilang araw nalang..ako...gusto..ko sanang mag stay tayo sa...LaLuna.." pag aaya ko sa kanya. Gusto kong sa huling hininga ko ay sa lugar na iyon ako mananatili.
"Oo sige Reign. Bukas na bukas ay aalis tayo. Magpahinga ka na muna." Utos niya saka ngumiti. Gusto ko sanang sabihin na ayaw ko pang matulog baka hindi na ako magising sa susunod. Natatakot ako na baka ito na pala ang huli..katulad ng kay mommy
Flashback.
Masaya ako ngayong naglalaro sa garden dahil gagawa daw ng juice si mommy.
"Reign! Tawag ka ng mommy mo! Dalian mo." Sigaw ni manang. Dali dali naman akong tumakbo papunta sa kusina. At nakita ko naman si mommy na nag pupunas ng luha. Bakit siya umiiyak?
"Mommy! What's wrong? Bakit ikaw iyak?" Tanong ko saka nilapitan siya. Agad niya akong niyakap kasabay ng pag iyak niya. Pati ako ay naiiyak na sa inaasal ni Mommy.
"Anak..mag iingat ka palagi ha?" Bulong niya. She always say that.
"Opo mommy! You always sabi that eh." Nakangiti kong sabi.
"Be kind to others okay? And.. and...pigilan mo ang luha mo ha?" Kahit na hindi ko na maintindihan si mommy ay puro tango nalang ang nagagawa ko. Bakit ba sinasabi ni mommy? Para tuloy siyang namamalaam.
Makalipas ang isang gabi ay agad kong hinanap si Mommy. Tuwing umaga kasi ay nagluluto na siya ng pagkain namin ni daddy. Tapos ay ihahatid niya na ako sa school.
Habang hinahanap siya ay taka kong sinilip sina manang na ngayon ay umiiyak. Kahapon si mommy. Ngayon naman sina Manang at Mang Anton na ang umiiyak. Bakit naman kaya sila nag iiyakan?
"Daddy! Bakit wala pang food? Tulog pa po ba si mommy?" Tanong ko kay daddy na ngayon ay malungkot ang mukha. Bakit naman kaya siya ganyan? May problema ba sila?
"Mommy! Mommy! Na saan na ang food ko!" Sigaw ko. Saka pilit na hinahanap si mommy mula sa kwarto niya.
"Reign wala na ang mommy mo!" Sigaw ni daddy saka niyakap ako. Ano bang sinasabi ni daddy?
"Umalis na po ba siya? Nasa office na po ba siya?" Ang aga naman atang umalis ni mommy. Hindi niya ako hinandaan ng food.
"Patay na si mommy anak...patay naa.." hindi ko na namalayan ang pagpatak ng mga luha ko dahil sa sinabi ni daddy. Bakit ang aga aga ganito ang joke nila? Hindi namam nakakatuwa eh.
"Daddy naman eh. Wag ka ngang mag joke....." lumuluha kong sabi. Bakit ganon? Ang unfair? Kinuha nila ang mommy ko.
"Anak..pagod na si mommy...masaya na siya ngayon....hindi ka ba masaya? Hindi na siya nasasaktan..wala ng sakit..." mahinang bulong ni daddy sa akin. Gusto kong magsalita pero hindi ko magawa. Gusto ko siyang sigawa at sabihin na buhay pa si mommy pero hindi ko magawa.
"Manang. Paki asikaso si Reign.." ilang araw na din ng mawala si mommy. Hanggang ngayon ay hindi pa din ako naniniwala. Nung isang araw lang ay kinakausap niya ako sa kusina eh. Ang daya talaga. Sobrang daya!
End of Flashback."
"Reign? Gusto mo bang kantahan kita?" Tanong ni Lucas na ngayon ay may hawak ng gitara.
"Lucas..gusto ko mag karoon ka ng pamilya ha?" Pag iiba ko ng usapan. I want him to promise me na gagawin niya ang mga promise namin sa isa't isa.
"Reign..wag ka namang magsalita ng ganyan.." ang hirap mong pakawalan.
"Lucas..inaantok ako.."
![](https://img.wattpad.com/cover/241271494-288-k271647.jpg)
YOU ARE READING
Waves Of Love (Island Of Love Series 1)
Teen Fiction"I'm the daughter of Rony Mercado! I can do whatever I want so leave me alone!" Reign Mercado. The spoiled brat among the Mercado Family. For her. Money can buy anything. Not until he met Lucas. The man of her life. Welcome to Island of Love.