Katulad ng dati ay umaakto akong masigla. Katulad ngayon. Kaharap ko si Lucas na ngayon ay kumakain ng ice cream niya.
"Lucas. Ang takaw mo baka hindi na tayo makaabot sa LaLuna ha!" Pagbibiro ko sa kanya saka tumitig. Habang maaga pa ay gusto ko ng ma memorize lalo ang mukha niya.
Ang singkit niyang mga mata. At ang medyo makakapal niyang kilay. Ang matangos niyang ilong at ang maninipis niyang labi.
"Alam kong gwapo ako. Wag mo na ipahalata." Bulong niya saka kumain ng ice cream.
Mabuti naman at hindi niya napapansin ang pagkaitim ng ilalim ng mata ko at pamumuti ng labi ko. Higit sa lahat ay ang pagkaputla ko. Syempre dinaan ko sa make up. At balot na balot naman ako ng damit. Hahaha.
"Sinasaulo ko lang. Bilisan mo na nga." Nakangiti kong sagot saka hinila na siya papunta sa bangka. Dahil sa taning ko ay naisipan ko na siyang dalhin sa LaLuna. Kung dati ay pangit ang memory ko doon. Ngayon naman ay pagagandahin ko na.
I have my plan for him. Tatlong araw kami dito. For sure ay hinding hindi niya malilimutan ang tatlong araw na iyon.
"Lucas. Sa tingin mo sa agos na iyan saan ka sasabay?" Turo ko sa mga agos ng makarating na kami dito.
"Ako? Mag iiba ako ng direksyon. Para maiba naman." Nakangiti niyang sagot saka ako inakbayan. Sana naman ay wag akong makaramdam ng pagod sa tatlong araw na ito. Gusto kong masulit kasama siya.
"Lucas. Picture kaya tayo? Dali na wag Kj ha?" Aya ko. Sa tuwing mag pipicture kasi kami ay lagi siyang nakasimangot. Ang sabi ay ayaw niya daw mag picture. Hmpk eh ang gwapo gwapo niya nga eh. Hihi.
"Sige na nga. Ok sige 1 2 3 *click*" ang picture na ito ay parte din ng plano ko. Ahh basta. Tama na muna sa pag iisip ko sa ganyang bagay. Andito ako para magsaya. Enough na muna sa negative vibes.
Matapos naming magpalit ng damit ay naisipan na muna naming maligo. Mabuti nalang talaga at napapayag ko si Lucas. Masyado daw malamig. Ang KJ talaga ng lalaking ito eh.
"Oy Lucas habulin mo akooo!" Sigaw ko saka nagsimulang tumakbo. Pakiramdam ko ay ang sigla sigla ko ngayon. Mabuti na siguro eto. Kesa naman na manghina ako habang nag eenjoy na kasama siya. Aish.
Patuloy lang ako aa pagtili at pagtakbo. Hanggang sa nahuli niya na din ako .
"Huli ka! Ang bilis mo tumakbo ha." Natatawang sabi niya habang yakap yakap ako sa likod. Sus. Mabilis daw. Sadyang mabagal lang talaga siya. Hahaha.
"Nagugutom na ako Reign. Tara na muna." Isa pa to. Palagi din siyang nagugutom. Sa tingin ko ay may dragon siya sa tyan. Grabe kasi siya kung kumain eh. Ilan kaya ang alaga niyang dragon sa tyan? Hahaha.
"Oh eto! Ako nag ihaw niyan kainin mo ha?" Parang batang sabi niya saka iniabot sa akin ang hotdog. Pfft. Napakadali na nga lang eh nasunog pa niya? Ang kailangan siguro nito sa future ay yung babaeng magaling magluto. Bigla naman akong nalungkot dahil sa iniisip ko.
Dahil alam ko sa sarili ko na hindi ako makakabot kapag dumating ang panahon na iyan. Mapait akong napatawa sa isip.
"Hoy. Bakit naman nalungkot ka dyan? Sunog ba ang hotdog?" Tanong niya saka tinikman ang hotdog. Agad akong napatawa dahil sa ginawa niya. Kina career niya ata ang pag iihaw eh. Hahaha.
"Masarap no! Nalungkot ako kasi hindi ako nakapag dala ng isaw! Hahaha." Pag papalusot ko. Kahit na ang totoo ay nasasaktan ako sa mga naiisip ko. Enough Reign. Mag focus ka nalang sa reason bakit ka pumunta dito.
"Lucas. Pic ulit! Ok 1 2 3 *click." Lihim akong napangiti dahil sa picture namin. Nakahalik lang naman siya sa pisnge ko habang ako naman ay naka wacky. Amp sabi ko ay wacky eh. Gustong gusto niya talagang humahalik sa pisnge ko eh.
Tinanong ko siya kung bakit. Ang sabi niya lang ay sadyang malambot lang daw ang pisnge ko paano daw kaya kapag labi na? Aish iba talaga mag isip ang lalaking to. Sa unang tingin maamo pero ang totoo may pagka manyakis din pala. Hahaha.
"Reign. Tara hanap tayo ng shells?" Aya niya. Mukhang maganda ang sinasabi niya. Kaya why not?
Halos paikot ikot lang ang ginagawa namin pero wala pa din kaming nahahanap. Nantitrip na naman ata tong Lucas na to eh.
"Lucas. Wala naman eh. Nakakapagod." Pag rereklamo ko saka naupo sa may buhangin. Nakaka relax talaga kapag andito ka eh. Para kang nasa paraiso. For me LaLuna is the best.
"Sus. Wala ka lang mahanap eh. Kaya mo yan baby!" Natatawang sabi niya saka pinakita sa akin ang mga nahuli niya. Bakit madami naman ata ang nahuli niya? Ang daya daya talaga ng lalaking ito.
"Syempre kinuha mo ang lahat eh. Madaya ka. Pahingi akoo!" Sigaw ko saka lumapit sa kanya. Dahan dahan kong nilipat ang mga shells sa lalagyan ko. Hmm ano kayang pwedeng gawin ko dito?
"Madaya ka Reign. Nako pasalamat ka at malakas ka sa akin ha?" Sabi niya saka niyakap ako.
"Mag gagabi na Lucas. Tara maghahanda na ako ng pagkain natin. Ihanda mo na kaya ang apoy?" Gusto ko sanang mag usap kami habang kumakain. Syempre share ng mga secrets diba?
"Oo sige. Bilisan mo ha? Gutom na ako eh." Tawa lang ako ng tawa dahil gutom na naman siya. Nako Lucas iba na yan ha?
"Handa na ang pagkain!" Sigaw ko saka naghain na sa harapan namin. Hmmm mukhang masarap ang niluto ko ngayon ah?
"Masarap ka pala mag luto. Pwede na." Bulong niya habang kumakain. Kahit na puno ng pagkain ang bunganga niya ay nagsasalita pa din siya nako.
Napuno ang unang araw namin ng puro laro at saka kwentuhan. Save the date. One of the most memorable in my life. The first day i spent with him.
![](https://img.wattpad.com/cover/241271494-288-k271647.jpg)
YOU ARE READING
Waves Of Love (Island Of Love Series 1)
Novela Juvenil"I'm the daughter of Rony Mercado! I can do whatever I want so leave me alone!" Reign Mercado. The spoiled brat among the Mercado Family. For her. Money can buy anything. Not until he met Lucas. The man of her life. Welcome to Island of Love.