Chapter 13: Prom 2

9 1 0
                                    

"Boys! Go grab the girl you want to dance with!" Sigaw ni lola matapos niyang bumaba sa stage.

Napansin ko namang lumapit si Buboy sa isang mukhang nerd sa tabi. Pft. Is she the one? Siya ba yung tinutukoy niyang gusto niya? Unti unti ng dumadami ang sumasayaw sa gitna. Pero bakit wala si Helena at Lucas? Hindi ba at gusto nilang isayaw ang isa't isa? Nakapagtataka.

Habang masaya akong nanonood sa kanila ay isang kamay ang nakalahad sa harapan ko. Laking gulat ko ng si Lucas ang may ari ng kamay.

"A-anong ginagawa mo?"takang tanong ko sa kanya.

"Narinig mo naman ang sinabi ni lola. Just grab it." Nakangiting sambit niya saka kinuha ang kamay ko. Ngunit ako ay nagtataka pa din bakit ako ang nilapitan niya. Damnit.

"A-anong ginagawa mo?" Tanong ko na nakakunot ang noo.

"Narinig mo ang sinabi ni lola. Just grab my hand." Nakangiting sabi niya saka inalalayan akong tumayo. Ang ibig sabihin ako ang gusto niyang makasayaw?



I found a love for me

Darling, just dive right in

And follow my lead

Well, I found a girl, beautiful and sweet

I never knew you were the someone waiting for me

Kasabay ng kanta ay ang dahan dahan naming pag sayaw. Tanging ang nakikita ko lang ay kaming dalawa na nagsasayaw sa gitna. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Bakit Lucas? Ang lakas ng epekto mo.

"You're so beautiful Reign." Bulong niya. Dahilan upang mapangiti ako.

"Ikaw din Lucas. Bagay sayo ang suit mo." Bulong ko saka nagsayaw muli.



'Cause we were just kids when we fell in love

Not knowing what it was

I will not give you up this time

Darling, just kiss me slow, your heart is all I own

And in your eyes, you're holding mine

Pakiramdam ko ay pulang pula na ako. Nakakahiya. Matapos ang mga linyang iyon ay ang siyang pagtama ng mga mata namin.

Sandaling tumigil ang nasa paligid ko para bang kami lang dalawa ang nagsasayaw.

"Reign.."mahinang usal niya saka ako dahan dahang hinalikan. Kasabay ng pagtapat ng ilaw sa amin. Sa amin lang.

Baby, I'm dancing in the dark with you between my arms

Barefoot on the grass, we're listenin' to our favorite song

When you said you looked a mess,

I whispered underneath my breath

But you heard it, darling, you look perfect tonight

"You look perfect tonight." Nakangiting tugon niya kasabay ng pagpalakpak ng mga tao sa paligid ko. Anong nangyayari!

"Everyone. Nahanap na natin ang King and Queen of the night." Sigaw ng emcee dahilan para matauhan ako. Sa amin nakatutok ang spot light!

"What a wonderful scene. Reign and Lucas kissing while the music is on." Kinikilig na sigaw ng emcee. Damnit nakakahiya. Agad akong napatingin sa pwesto ni Helena na ngayon ay ano mang oras ay maiiyak na. Inagaw ko lang naman ang posisyon niya.

"I'm the king. And for tonight you're my queen." Bulong ni Lucas saka ako sinandal sa dibdib niya. Dahil doon ay napuno ng bulungan ang venue. Ang iba ay magaganda ang iba naman ay masasamang salita.

"Grabe bagay pala sila eh."

"Oo nga. Kinikilig ako sa kanila."

"Nako. Helena at Lucas pa din ako. Malandi lang yang Reign na yan!"

"Oo nga."

Kahit na gusto ko silang sugurin ay hindi ko magawa. Masyado ata akong nag eenjoy sa gabing ito. Gabing sinasayaw ako ng taong gusto ko.

"Ok. Balik na muna kayo sa inyong mga pwesto." Doon lamang kami natigil sa pagsasayaw dahil sa sinabi ng emcee. Panira naman eh. Kinililig na ako dito oh!

"Lucas. Pwede ka bang makausap?" Singit ni Helena ng hahawakan na sana ako ni Lucas. Isa pa ito.

"Hindi pwede. Sasamahan----" agad ko ding pinutol ang sasabihin niya.

"Ok na. Mag usap na kayo." Nakangiting sagot ko. Kahit na nasasaktan ako sa kadahilanang mag uusap sila ay mas pinili ko nalang na mg usap sila. Hindi akin si Lucas. Wala din akong karapatan na ipagdamot siya sa iba.

Habang nanonood sa ibang nagsasayaw ay nagbabasa ang emcee ng mga letters. Ganito kasi bago mag start ang prom ay nagpasulat sila ng letters na gusto mong ibigay sa taong gusto mo. Iba din ito.

"For Lucas Adrada! I want you back." Agad akong napalingon sa emcee dahil sa narinig ko.

"Oh my gosh! Panigurado mula kay Helena yan!"

"Oo nga. Sila lang naman mag ex dito eh hihi."

"Comeback na yan."

Walang kwenta. Nakakainis na sila. Panay nalang sila Helena at Lucas.

Bakit kaya hindi pa bumabalik sina Helena at Lucas? Ano naman kayang pinag uusapan nila?tungkol na ba yun sa comeback nila. Imbes na iyon ang isipin ay nasagi sa aking isipan anv imahe naming dalawa habang naghahalikan. Pakiramdam ko ay nasa isa akong fantasy. Ako yung prinsesa. Siya naman ang prinsipe. Pero ang corny.

Sa halik ni Lucas. Pakiramdam ko ay gusto niya din ako.  Hindi niya gagawin yun kung hindi niya ako gusto. Kahit papaano ay may natitira akong pag asa sa kanya. Hihi

"Apo nag enjoy ka ba?" Lumipas ang ilang oras ay uuwi na kami. Wala pa din si Lucas at Helena. Ano na kayang ginagawa nila ngayon? Hindi ko maiwasang mag isip ng kung ano. Aish.

"Opo naman. Kayo po ba?" Balik tanong ko. Sana naman ay hindi i topic ni lola yung nangyari kanina. Nahihiya ako.

"Apo. Nakita ko ang paghalik ni Lucas sa iyo."

"Lola!" Nahihiyang saway ko sa kanya. Ngunit tumawa lang siya. Aish. Sinasabi ko na nga ba eh.

"Matulog ka na apo. Tiyak ay pagod ka." Paalam ni lola bago ako malatulog. Para sa akin. Isa ang araw na ito sa pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Today. I danced with the man that I like the most.

Waves Of Love (Island Of Love Series 1)Where stories live. Discover now