Chapter 18

15 0 0
                                    


Matapos ang ilang araw ay mas naging maayos ang relasyon naming dalawa. Everything was smooth. At tuwing gumagawa siya ng kakaiba ay mas lalo akong kinikilig. Kagaya na lamang ng ginawa niyang pagkanta sa mismong harapan ng mga kaklase namin. Aish.

Flashback.

"I love you baby..

And if it's quiet alright..

I need you baby...

To warm the lonely night..

Gulat akong napatingin kay Lucas dahil sa ginagawa niya. Kumakanta lang naman siya sa labas ng classroom namin. Aish. Ano bang ginagawa niya dito?

"Uyy hinaharana niya si Reign."

"Sanaol nalang."

"Wuhooo. Sanaol may jowa!"

Sari saring komento nila. Halos lahat ata ng mga kaklase ko ay alam na ang tungkol sa amin ni Lucas.

"Lucas! Anong ginagawa mo?" Nahihiya kong tanong saka nilapitan siya. Agad niya naman niya akong inakbayan.

"Don't you like it? Kinantahan lang naman kita ah?" Nakangisi niyang sabi. Kaya naman ay agad akong napangiti. Pfft.

"Gusto ko. Pero mamaya dumating sa dean ito eh. Alam mo namang bawal ang ginagawa mo." Pagpapaliwanag ko habang nakasabay sa kanyang maglakad.

"Malakas naman ako sa lola mo. Tsk. Tara na sa second subject."

End of Flashback.

Grabe. Halos ilang ulit niyang ginawa iyon. At  tuwing umaga naman ay maaga siyang pumupunta dito saka may dalang rosas. Minsan naman ay tuwing gabi ay dumadalaw siya dito upang mang harana. Ayun tuloy nabato siya ng kaldero ng kapit bahay namin. Pffft.

"Apo. Ang ganda ganda mo naman. Handa ka na ba?" Tanong ni lola. Today is my day. Kung sana ay narito si mommy. Makikita niya kung gaano ako kasayang mag celebrate ng aking debut.

"Salamat lola. Handa na po ako. Tara na po?" Aya ko saka sumunod sa kanyang maglakad.

Dahang dahan akong naglakad palabas. At halos maluha ako sa nakita ko. Ang mga taong importante sa buhay ko ay nandito.

"Everyone! The debutant. Miss Reign Aliah Mercado." Announce ni lola saka nag palakpakan naman ang mga bisita namin. Ngunit ang taong hinahanap ko ay wala dito. Wala pa si Lucas na saan naman kaya siya?

Nagsimula na ang 18 candles. Halos lahat ata ng pinsan kong babae at mga tita ang nagbigay noon. Huling nagbigay ay si Tita Selena. Andito din pala siya.

"Pumapayat ka Reign. On diet ka ba?"

"Ah opo." Kahit ako ay hindi ko malaman bakit ako biglang pumayat. Andami ng nakakapansin kaya ang lagi ko nalang dahilan ay ang on diet ako. Buti nalang at naniniwala naman sila.

"Now! The 18 roses." Unti unting tumugtog ang violin. Unang lumabas ay ang pinsan kong si Justin. Agad kong tinanggap ay ang kay Kuya Third. 16 na pinsan ko ang narito. Sa pakikipag sayaw ko sa kanila ay nakakaramdam na ako ng pagod at pagkahilo.

Sumunod na lumabas ay si Daddy.

"Darling. You're so beautiful. Just like your mom." Nakangiting sambit ni daddy habang dahan dahang akong isinasayaw. Sa oras na ito ay parang nawala ang galit ko sa kanya.

"Salamat dad. Buti at nandito ka." Naluluha kong sabi. Sanay kasi akong si lola na lang ang kasama ko tuwing mag cecelebrate ako. Simula kasi ng nawala si mommy ay naging busy na si daddy..

"Of course. Today is my daughter's day. Hush darling. Enjoy your night." Ngiti niya saka ikinubli ang tangay kong buhok. I want to say sorry to him. I dont know why. Pakiramdam ko ay kailangan kong sulitin ang araw na ito.


Natapos ang sayaw namin ni daddy. Pero wala pa din ang taong hinahanap at hinihintay ko. Ano bang nagyayari? Bakit kaya ay wala pa si Lucas?

Ilang saglit pa ay muling tumugtog ang violin. Kasabay ng pagpatay ng mga ilaw. Anong nangyayari?

Halos mapatalon ako dahil sa isang kamay na humapit sa baywang ko. Kasabay ng palakpakan ng mga tao ay ang pag sindi ng ilaw at ang pagbungad ni Lucas na may hawak na rosas. Agad nanubig ang mata ko dahil sa nangyayari.

"Happy birthday baby. Shhh don't cry. Its your day." Pagpupunas niya sa luhang pumatak sa akin. Kahit kailan talaga ay iba ang pakulo ng Lucas na ito. Aish.

"Akala ko hindi ka na dadating." Bulong ko saka sumabay sa kanya sa pagsayaw. Pakiramdam ko ay nauulit na naman ang nangyari noong Prom. Pero iba ngayon parang mas nakakakilig eh.

"Dadating ako syempre. Just enjoy your day with us ok?" Nakangiting tugon niya saka ako hinalikan sa may noo. Masasabi kong itong birthday na ito ang isa sa magiging memorable nangyari sa buhay ko.

Natapos ang kanta kaya ay dumiretso na kami sa may upuan. Grabe ang pagod ko. Sobrang bigat ng pakiramdam ko at the same time ay parang hindi ako makahinga. Habang nagsasalita si Daddy ay muli akong napatingin sa mga pasa ko. Ilang pasa na kaya ang natamo ko sa buwan na ito?


"Again. Happy birthday my Daughter." Sa baha ng sinabi ni daddy ay iyon lang ang naintindihan ko. Ganoon din sa sinabi ng iba pang naririto. Parang inaantok na ako. Gusto ko ng pumikit.


"Lucas. Pwedeng samahan mo ako sa garden?" Aya ko sa kanya kasi baka doon ako makahinga ng maayos.

"Sure. I have a surprise for you. Tara doon?" Sabi niya saka ako hinawakan sa kamay saka nagsimula ng maglakad patungo sa garden.


"Lucas. Ang ganda ng stars no? Para sayo ano ang gawain ng mga stars?" Nakangiting tanong ko habang nakahiga sa lap niya.

"Kuminang para sa mga tao. Para bang nagbibigay sila ng pag asa?" Sagot niya saka hinaplos ng marahan ang buhok ko.

"Sabi mo may regalo ka. Asan na?" Nakangusong tanong ko saka umupo. Pero ang loko ay tumawa lang. Nanti trip na naman ba ang lalaking eto?

Laking gulat ko na lamang ng ilabas niya ang isang kahon at saka dahan dahang binuksan. At bumungad naman ang isang napakagandang kwintas na may hugis buwan.

"Here. Wear it. Ikaw ang naalala ko sa kwintas na iyan." Mahina niyang bulong habang sinusuot ang kwintas sa akin.

"Salamat Lucas. Napasaya mo ako!" Masigla kong sabi habang pinagmamasdan ang hugis buwan.

"You remind me of moon. Kahit na nasa madilim ka ay maliwanag ka pa din." Sagot niya saka niyakap ako. Niyakap ko din siya pabalik at paulit ulit na nagpasalamat. Ngayong araw na ito ay isa na sa masasayang naging araw ko.

Waves Of Love (Island Of Love Series 1)Where stories live. Discover now