Ang sakit ng paa ko huhu. Lintek dumagdag pa yung pwet ko. Nakakainis ang lalaking yun! Sasaluhin niya ako tapos bibitawan sa dulo? Argh!"Apo. Mahuhuli kana sa klase. Bumangon ka na dyan."
"Lola. 5 minutes pa. Sa inyo naman yung school kaya pwede akong ma late."
"Apo. Huwag kang ganyan. Hindi patas ang ginagawa mo."
Dahil sa masunurin nga akong apo ni lola ay bumangon na ako at naligo. Aish. Bakit ba ang bait bait ni lola?
"Apo. Sasabay ka pala kay Lucas papasok."
"What! Pero lola may driver ako! Andyan si Mang Anton!"
"Nanganak na ang asawa ni Anton. Kaya maglalakad ka na muna."
Gusto kong mag protesta pero baka atakihin si lola kapag nagalit siya. Ayaw ko pa naman siyang nagagalit para siyang dragon na mangangain. Nakakainis talaga.
"Mag iingat kayo Lucas."
Ano to? Maglakakad ako kasama si Lucas? Matapos ng ginawa niya sa akin kagabi ay gustong gusto ko siyang bigwasan.
"Ang bagal mo maglakad. Hindi ka ba sanay?"
"Ano bang pake mo? Mauna ka na kung gusto mo."
Bakit ba ang bait ng tono niya ngayon? Ano ba siya? Depende ba sa araw ang pagiging mabait niya? Tsk
"Bahala ka dyan."
Grabe. Ang sabi ni Mang Anton ay malapit lang itong school na to. Halos isang oras na ata kaming naglalakad eh. Ang sakit pa ng paa ko. Huhu. Ayaw ko na talaga dito.
"Tsk. Sumakay ka na nga. Nakakaawa ka."
Marunong din pala siyang maawa pero what? Mukha ba akong ka awa awa?
"Kaya ko pa. Mauna ka na nga."
"Ang arte mo. Bahala ka."
"Lucas! Ibaba mo ako! Ano ba!"
Pagpupumiglas ko matapos niya akong buhatin na para bang isa akong sako ng bigas. Ugh! Baka makita ang undies ko!
"Manahimik ka na. Malapit na tayo."
Patuloy pa din ako sa pagpupumiglas pero parang wala lang sa kanya. Wow ang strong ha? Habang tumatagal ay pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko. Mag papa check up na talaga ako.
Pagkarating namin sa gate ay sari saring bulungan na naman ang bumungad sa amin. Damn!
"Sila ba ni Lucas?"
"Speed din palang humarot yung baguhan natin eh."
"Hoy baka marinig niya tayo!"
"Oh bakit may magagawa ba siya? Halata naman na nilalandi niya si Lucas eh."
"Ano ka ba! Apo siya nung may ari ng school!"
"Talaga? Paktay ako nito."
Gustong gusto ko silang sugurin pero buhat buhat pa din ako ni Lucas. Argh. Hindi ba siya naiilang sa bulungan ng mga tao.
"Ibaba mo na---- ARAY!!!!"
My butt. Binagsak niya ako! Damn it! Pang ilang beses niya ng ginawa ito. Hindi ba niya alam magbaba ng maayos! Binuhat niya na nga ako ng sapilitan ibabagsak niya naman ako ng biglaan. Ugh!
"Tsk. Sasabay ka sa akin mamayang uwian. Tumayo ka na dyan. Lampa."
"Damn you Lucas!"
Sigaw ko habang papalayo siya. Sasabihin ko kay lola na wag na wag niya ng papapasukin sa bahay si Lucas. Ang sama sama niya sa babae!
"Reign! Ok kalang ba? Halika na start na ng classes."
"Ah. Helena? Patulong naman oh. Ang hirap tumayo eh."
Ika ika akong naglakad kasama si Helena papuntang classroom. Ang sakit pa din. Habang paakyat kami ay may pupuntahan daw muna si Helena. Hmm? Saan naman kaya. Pumunta kasi siya sa direksyon kung saan pumunta si Lucas.
Dahil sa curiousity ko ay agad agad ko siyang sinundan.
"Lucas. Wala na ba talaga? Hindi mo na ako mahal?"
"Mahal kita."
Bago pa man niya itutuloy ang sasabihin niya ay umalis na agad ako. Hindi ko alam kung bakit pero ang alam ko masasaktan ako sa susunod niyang sasabihin. Ang weird. Pati love life ng iba nasasaktan ako.
Breaktime na kaya naisipan kong ayain si Buboy na sabay kaming kumain.
"Buboy! Heree!"
"Reign. Tara dito!"
Habang kumakain ay hindi pa din maalis sa isip ko ang pinag usapan nila ni Helena. May past pala sila eh. Hahaha.
Daddy Calling....
"Reign Aliah! Ano tong nababalitaan kong binastos mo si Kristin!"
"Umabot na pala sayo dad. Busy ako. I need to hang up."
Call ended.
Hindi man lang niya ako kinamusta. Pinagalitan lang ako dahil lang sa kabit niya sumbungera talaga ang babaeng yun.
"Buboy! Una na ako ha?"
Magdamag kong inisip ang plano ko kung paano mauunang umuwi ng hindi napapansin ni Lucas. Gusto kong maunang umuwi basta ayaw ko siyang makasama.
Vacant time namin. At last subject na mamaya. Tuloy ang plano.
Seah Calling....
"Hello? Seah? Napatawag ka?"
"Cuz! Nasa province ka pala. Sayang may pa party ako huhu."
"Punishment ko to eh. Osige. Sa bahay nalang kita tatawagan. Ingat."
Call ended.
Kahit hindi ko sabihin halatang namimiss ko ang mag party. Mag paparty kaya ako sa bahay ni lola? Pero wag na baka mamaya magalit lang siya. Ayaw niya pa naman sa maingay at makalat.
"Reign! Gusto mong sumama? Mag pipicnic kami."
Bungad ni Helena habang nagliligpit ako ng gamit. Para sa akin boring ang picnic. At saka ayaw ko din namang sumama naiilang pa ako sa kanila eh.
"Pass muna. Bawal kasi akong lumabas eh."
Sambit ko saka ngumiti. Habang nagliligpit ng gamit ay hinahagilap naman ng mata ko si Lucas. Wala pa siya. Ibig sabihin ay hindi pa tapos ang klase niya. Sa tatlong subject ko lang naman siya kasama. Buti nalang at hindi ko siya kaklase sa last subject.
Ang alam ko ay may pamilihan daw dito. Try ko kayang pumunta? Saktong maaga pa may ilang oras pa ako para bumili. Magaganda kaya mga tinda nila dito?
Dali dali akong pumara ng tricycle para hindi ako mahalata ni Lucas. Mauna na sana siyang umuwi at saka sabihin kay lola na may project akong tinatapos.
"Manong para! Magkano po?"
"Bente pesos nalang miss."
"Heto po."
"Salamat."
Habang nag iikot ikot ay napapansin kong may mga poster na. May festival sila dito? Medyo malapit na ah. Kung sakaling aayai ako ni lolang manood ng festival dito ay first time ko.
Habang naglalakad lakad ay napadpad ako sa bilihan ng mga dress. Woah. Ang gaganda. I mean ang simple pero ang ganda ng mga dress nila.
"Ineng. Bili ka na mura lamang ito."
Isang ngiti ang iginawad ko sa tindera saka namili na ng dress. Pwede ko itong magamit pambahay or di kaya pang lakad.
"Iyan ineng. Bagay sa iyo ang kulay."
"Bibilhin ko po."
"Salamat. Heto ang sukli."
"Hindi na po. Inyo na. Salamat po!"
Dalawang dress ang binili ko syempre isa para kay lola at para sa akin. Hihi
![](https://img.wattpad.com/cover/241271494-288-k271647.jpg)
YOU ARE READING
Waves Of Love (Island Of Love Series 1)
Jugendliteratur"I'm the daughter of Rony Mercado! I can do whatever I want so leave me alone!" Reign Mercado. The spoiled brat among the Mercado Family. For her. Money can buy anything. Not until he met Lucas. The man of her life. Welcome to Island of Love.