"Reign. Sure ka bang gusto mo sa LaLuna Island na mag stay?" Tanong ni daddy habang tinutulak ang wheel chair ko. Hirap na kasi ako sa paglalakad. Hinang hina na ang katawan ko.
"Opo daddy. Tara na po?" Pasakay na kami ngayon sa bangka. Si Lucas kasi ay naghahanda ng mga gagamitin namin sa islang iyon. Hindi ko alam kung anong binabalak niya. Basta ang alam ko ay gusto ko silang makasama sa LaLuna. Ewan ba parang nararamdaman kong may mangyayari. Aish.
"Kung ganoon. Nandito na tayo." Nakangiti niyang sabi saka dahan dahan akong inalalayan para makababa ng maayos. Pakiramdam ko ay marerelax ako sa lugar na ito. Ang laki din ng naging parte nito sa buhay ko.
Habang naghahanda sila sa may tabi ay narito ako ngayon nakamasid sa dagat. Ang malilinaw nitong tubig ay nagbibigay sa akin ng ginhawa. Habang nag mumuni muni ay nagulat nalang ako ng lapitan ako ng pinakabata kong pinsan. Ngayon ay may dala siyang rosas.
"Ate Reign. Roses for you! Keep fighting!" Sabi niya saka binigay sa akin ang rosas at hinalikan sa pisnge.
"Salamat Chris." Nakangiti kong sabi saka nag patuloy na sa pagmamasid. Sumunod na dumating naman ay si Kuya Jimmy. Ano naman kaya ang gagawin niya? Meron din kasi siyang dala na rosas.
"Roses for you young lady. Keep fighting." Agad akong nagpasalamat matapos kong matanggap ang rosas mula sa kanya. Ano naman kayang nangyayari?
Sumunod na dumating ay si Kuya Sean. Na sinundan naman ni Kuya Sage. Parehas silang may dalang rosas at katulad ng nauna ay binibigay din nila sa akin at sasabihing "Keep Fighting!" Sa mga ginagawa nila ay kusa akong napapangiti. Ang special ko talaga sa kanila.
Sumunod na dumating ay si Kuya Andy. Agad agad itong tumabi sa akin at saka humalik sa pisnge ko.
"For you baby. Keep Fighting!" Bulong niya saka niyakap ako ng mahigpit. Ano naman kayang pakulo ang ginagawa nila?
Matapos niya ay sunod sunod na silang dumadating sa akin na may hawak na bulaklak. Maging ang mga babae kong pinsan ay may dala ding bulaklak. Ang mga tita at tito ko naman ay may dala naman silang ibang klase ng bulaklak. Pero bakit sila lang? Wala ba sina Dad at lola? maging si tita Kristin? At saka si Lucas?
Nagulat na lamang ako ng biglang dumating si Tita Kristin dala ang favorite kong bagay. Yung teddy bear na bigay sa akin ni mommy. Akala ko ay pinatapon na nila iyan.
"Itatapon na sana to ng daddy mo..pero pinigilan ko alam ko kasing mahalaga sayo to." Batid kong naiisip niya din ang tanong ko. Kung ganoon?
"Kahit na galit ka sa akin ay hindi ko nagawang magalit sayo anak." Bulong niya saka niyakap ako. Hindi ko na din mapigilang hindi maiyak. Pakiramdam ko tuloy ay ang sama sama ko sa kanya.
"I'm sorry tita.." humihikbi kong sabi at siya naman at marahan akong hinahaplos sa likod. Sana naging mabait nalang ako sa kanya simula pa noong una.
"Mauuna na ako Reign. Keep Fighting!" Masigla niyang sabi saka ako hinalikan sa pisnge.
Sumunod na dumating ay si Lola. Dala ang isang box na hindi ko alam kung ano ang laman.
"Apo. Etong kwintas na ito.." agad nanlaki ang mata ko ng makita ko ang kwintas ni mommy. Akala ko ba lahat ng gamit ni mommy ay pinatapon na ni daddy? Ang gusto niya kasi ay makalimot ako ka agad. Kahit na ang hirap hirap.
"Lola.." kahit anong pigil ko ay naiiyak pa din ako. Damn it. Napaka emosyonal ko.
"Shh apo. Keep Fighting!" Sabi niya saka niyakap ako at saka umalis na.
Sumunod na dumating ay si Daddy. Wala siyang dala. Hindi tulad ng iba. Ano kaya ang gagawin niya?
"Anak. Ang ganda ng dagat ano?" Tanong niya saka tumabi sa akin. Marahan akong tumango bilang sagot sa kanya.
"Hindi ko dala ang regalo ko. Naka abang na sayo yun eh." Sabi ni dad saka tumawa. Ano naman kaya ang regalo niya? Kung kalokohan ang regalo niya ay talagang sisirain ko iyon. Hahahaha.
"Alam mo? Nung nawala ang mommy mo gusto ko na ding mawala..but then naisip kita.." bulong niya saka pilit iniiwas ang mga mata niya sa akin.
"Ngayon..aish. anak mahal na mahal ka ni daddy ha? Keep fighting." Sabi niya saka ako hinalikan sa noo. Sa sandaling iyon ay pakiramdam ko ay ligtas ako sa piling ni Daddy.
"Ehem." Nagulat ako dahil sa biglang pag sulpot ni Lucas sa may tabi ko. Suot yung bracelet na ginawa ko sa kanya? Bakit niya naman suot iyon? Ang sabi niya ay mukha daw pambabae.
"Alam kong gwapo ako Reign. Wag mo na ipahalata. Hahaha." Halos sabay kaming natawa dahil sa sinabi niya. Sa tuwing nakatitig kasi ako sa kanya ay iyan ang sinasabi niya. Loko talaga.
"B-bakit mo?.." halos hindi ko matuloy ang sinasabi ko dahil sa ginawa niya. Itinapat niya lang naman ang index finger niya sa labi ko.
"Shh. Basta. Wag ka ng magsalita. Baka mapagod ka.." nakangiti niyang sabi saka niyakap ako.
"I love you Reign.. 'til the end."
![](https://img.wattpad.com/cover/241271494-288-k271647.jpg)
YOU ARE READING
Waves Of Love (Island Of Love Series 1)
Genç Kurgu"I'm the daughter of Rony Mercado! I can do whatever I want so leave me alone!" Reign Mercado. The spoiled brat among the Mercado Family. For her. Money can buy anything. Not until he met Lucas. The man of her life. Welcome to Island of Love.