Pagod akong nakahiga ngayon sa higaan ko.
"Apo. Bakit hindi sa hospital ka nalang mamalagi? Doon ay magagamot ka!"
"Lola. May taning na nga ang buhay ko. Malay niyo...lola. Tanggap ko na." Nakangiti kong sabi saka niyakap si Lola.
"Pero apo.." humihikbi niyang sabi. Ayaw na ayaw ko pa namang marinig si Lolang umiiyak. Pakiramdam ko ay maiiyak din ako.
"Lola. Ayos lang po ako. Healthy pa po ako oh? Malay niyo may miracle si God." Pangungumbinsi ko sa kanya. Sana naman ay magtigil na siya. Hindi ko ata kayang makita siyang nasasaktan ng ganito eh.
"Apo. Ang payat payat mo na. Namumuti na ang labi mo at...at nanghihina ka na.." patuloy pa din si Lola sa paghikbi. Hay. Paano ko ba mapapakalma si Lola?
"Lola. Ayaw kong nakikitang ganyan kayo. Kaya tama na ok? Smile na." Pagpupumilit ko sa kanya.
"Narito ang daddy at Tita Kristin mo. Kausapin mo na muna sila?" Paalam ni lola. For sure sa kwarto niya iyon pupunta para umiyak ulit. Hay nako si Lola talaga eh.
Unang pumasok ay si daddy. Hay ang pogi pa din ni Daddy. Wala pa din siyang kupas.
"Anak. Kamusta ka na? May gusto ka bang kainin?" Tanong niya saka niyakap ako. Ako naman ay hindi na napigilan ang pag iyak. Sa buong buhay ko naging masamang anak din pala ako.
"Anak. Shhhh.. don't cry darling.." pagpapatahan ni daddy. Kung sana mabilis kong nalaman na may taning na ang buhay ko. Edi sana naging mabuting anak na ako kay daddy. Sa buong buhay ko pala ay puro problema nalang ang ibinigay ko sa kanya.
"D-dad I'm sorry..." paghingi ko ng tawad. Pakiramdam ko kasi anytime ay mawawala na ako. Kaya dapat ay makahingi na ako ng tawad at magawa ko na ang gagawin ko kay Lucas.
"Anak..wag ka namang ganyan..Shhhh magiging ok ang lahat.." pagpapatuloy niya. Kahit na gusto ko pa siyang makasama ng matagal ay parang hindi na kinakaya ng katawan ko. Inaantok na ako eh.
"Daddy. Sorry po..." bulong ko saka dahan dahang ngumiti kasabay ng pagpatak muli ng mga luha ko. Damnit. Kapag pamilya na talaga ang usapan ay hindi mo na mappigilang maging emosyonal. Lalo na kung madami kang nagawang mali sa pamilya mo.
Sumunod na pumasok ay si Tita Kristin buhat buhat ang kapatid ko na si Aliah. Sinunod daw nila sa akin ang pangalan.
Agad namang nagpaalam si daddy na lalabas na muna para makapag usap kami ng maayos."Tita...i'm sorry po...sa lahat.." nanghihina kong tugon saka umiyak. Ngayon lang ako nagsisi sa mga ginawa ko. Totoo nga palang nasa huli ang pagsisisi. Ngunit ang ipinagtataka ko ay ang pag ngiti ni Tita.
"Lalaban ka Reign ha? We'll wait for you." Mahina niyang sabi saka ako niyakap ng mahigpit. Pakiramdam ko ay nagkaroon ulit ako ng mama na aalalay sa akin.
"Tita..nahihirapan na po ako eh.." bulong ko. Kung pwede lang na lumaban ay ginawa ko na..
"Reign. Alam mo bang nung una mo akong sinungitan ay minahal na kita bilang isang anak?" Nakangiting kwento ni Tita. Pero bakit? "Kasi simula pa lang alam kong lalambot ka din sa akin..and nangyari nga..." naiiyak niyang sabi. Nangyari nga kung kailan mawawala na ako.
"Tita..y-yung plano ko kay Lucas..pakiayos po ah?" Pagpapa alala ko sa plano namin.
"Oo naman. Sigurado ka bang hihiwalayan mo na siya?" Nag aalalang tanong niya. Ilang beses niya na akong tinanong kung sigurado ba ako sa desisyong gagawin ko. Pero alam kong tama ako. Papakawalan ko si Lucas dahil mahal ko siya. Ayaw ko namang ikulong siya sa akin.
"Pero anak..mahal ka ni Lucas. Pwede mo namang sabihin sa kanya ang totoo." Suwestyon niya.
"Tita mas mabuting hindi niya nalang malaman..mas madali siyang makakalimot." Paninigurado ko. Ilang oras nalang ay darating na si Lucas.
"Anak. Sundin mo naman ang puso mo..." sambit niya. Ang puso ko? Pero alam kong mali ang sinasabi ng puso ko. Mabuti ng sundin ko ang gusto ng isip ko. Mas makakabuti para sa kanya ang gagawin ko..
"Lagi mong tatandaan andito lang kami para sayo." Nakangiting sabi niya saka lumabas na ng kwarto.
Kung pipiliin ko ang gusto ng isip ko ay magiging maayos ang buhay ni Lucas. Madali siyang makakalimot dahil sa gagawin ko. Kung susundin ko naman ang puso ko ay baka forever na mukulong si Lucas sa akin. Ayaw ko naman ng ganon. Tutal ay mawawala naman na ako..
"Anak ready ka na ba?"
"Mommy wait lang! May gagawin pa ako eh.saglit lang."
"Sige anak. Bilisan mo ng magpaalam. Para may kasama na si mommy."
"Sige po mommy."
Agad akong napabangon dahil sa panaginip ko. Ilang beses na ba akong nanaginip na sinusundo na ako ni mommy? Ilang beses na din akong tumanggi. Bakit ang tagal naman ata ni Lucas?
Habang masuyong naghihintay ay isang katok ang narinig ko. Siguro ay siya na. Ngunit bigo ako dahil sina Buboy ay mga pinsan ko ang narito. Ano namang ginagawa nila dito?
"Hi Reign! Namiss ka namin!"
"Reign! Mag pagaling ka na. Sama ka sa amin sa hiking minsan."
"Oo nga. Bilisan mo magpagaling ha?"
Sari saring kwentuhan ang naganap sa amin. Masyado ata nila akong namiss para daldalin nila ako ng ganon katagal. Pero masaya ako dahil dumalaw sila sa akin kahit papaano
![](https://img.wattpad.com/cover/241271494-288-k271647.jpg)
YOU ARE READING
Waves Of Love (Island Of Love Series 1)
Teen Fiction"I'm the daughter of Rony Mercado! I can do whatever I want so leave me alone!" Reign Mercado. The spoiled brat among the Mercado Family. For her. Money can buy anything. Not until he met Lucas. The man of her life. Welcome to Island of Love.