Chapter 17

16 0 0
                                    

Last day na daw ng Fiesta ngayon. At ang sabi ni Lola. Mas maganda daw manood lalo na kapag last day na. Kaya naman ay naisipan kong sumama sa kanya mamaya.

"Reign. Pinaaabot sayo ni Lucas. Hindi mo pa din ba siya kakausapin?" Tanong ni lola saka iniabot sa akin ang bulaklak. Ilang araw na din niya itong ginagawa. I can"t help but to smile. Alam kong nag momove on na ako pero hindi ko talagang mapigilang ngumiti sa mga ginagawa niya. Lalo na kagabi.

Flashback.

Busy ako sa panood ko ng K- drama ng biglang may nag simulang kumanta mula sa labas. Dahil sa ang ingay at ang ganda ng boses ng kumakanta ay agad ko itong nilingon mula sa bintana. Laking gulat ko ng si Lucas pala ang kumakanta. Ano bang ginagawa niya?

"May pag asa pa ba?

Kung susuko ka na

Larawan mo ba'y

Lulukutin ko na?

Pagkanta niya. Ano bang ginagawa niya. Agad akong nagtago dahil hindi ko na talaga mapigilang mapangiti. Damn it Lucas. Sa pagkakaalam ko ay harana ang ginagawa niya. Old but gold.

"Reign Aliah Mercado! Goodnight! Mahal kita!" Sigaw niya matapos ang kanta. Gusto kong tumili pero agad ko itong pinipigilan. Gusto ko siyang puntahan at yakapin pero nangingibabaw sa akin ang salitang suyo. I'll watch you Lucas. Kung hanggang saan ang kaya mo.

End of Flashback.

"Lola. Hanggang saan ba ang kaya niya? Lola kakausapin ko din siya. Not now but soon. Tara na po?" Nakangiting tugon ko saka nauna ng maglakad. Medyo maayos naman ang naging kalagayan ko ngayon. Buti nalang at hindi ako nahihilo.

Pagkarating namin sa plaza ay sari saring mga tao ang nakikita ko. Ang mga ilan ay nagsasayaw. Kumakanta at ang iba ay masayang nanonood. Ganito pala kasaya dito kapag fiesta nila. Dahil hindi naman ako kj ay nakisali ako sa mga babaeng nag sasayaw.

"Alam mo apo ang mga babaeng sumasayaw dito ay ang mga nasasawi sa pag ibig. Nakaugalian na nila ito." Natatawang tugon ni Lola habang sumasayaw ako. Ang ibig sabihin ay isa ako sa mga sawi sa pag ibig?

Nagpatuloy lang ako sa pagsayaw. Wala na akong pakialam kung anong ibig sabihin kapag sumayaw ako. Ang mahalaga nag eenjoy ako ngayong gabing ito. Kahit ngayong gabi lang ay maging masaya ako sa fiesta.

"Tara apo! Tikman natin ang puto nila." Dahil nagugutom na din naman ako ay agad akong sumunod kay lola.

Habang kumakain ay halos makailang puto na ako. Grabe parang ngayon lang ako nakakain sa loob ng isang taon. Hahaha.

"Lola! Tara doon oh! Sumali tayo sa singing contest!" Aya ko kay lola saka nauna na sa may karaoke.

Ilang kanta na ata ang nakanta ko pero hindi pa din ako nakakakuha ng 100. Ahh. Badtrip talaga. Ngayon na nga lang akong kakanta eh.

"Lola. Wag na tayo dito. Doon nalang manood tayo ng palaro!" Aya ko ulit kay lola saka tinangay siya. Grabe para tuloy akong bumalik sa pagkabata dahil sa pagiging hyper ko. Kung sana ay nandito din si mommy for sure mas masaya ang fiesta na ito.

Habang nanonood ng laro ay puro lang kami tawa ni lola. Ang makauna daw kasing makahuli sa makulit na manok ay makakakuha ng cash. Eh yung mga naglalaro ay hindi nila mahuli huli ang manok. Pfft.

Hanggang sa tumigil ang lahat dahil sa nagsalita.

"Ngayon handa na ba kayo? Sa gitna ng mga apoy na ito ay ang mga lalaki kukunin ang mga mahal nilang babae at saka sasayaw!" Sigaw nung matandang lalaki.

Dahilan para magsi puntahan ang mga couples sa may gilid. Ang ilan ay mga matatanda na. Pero ang sweet sweet pa din nila.

"Alam mo apo. Ang gawain nilang yan ay nagpapakita kung gaano mo kamahal ang isang babae." Nakangiting sambit ni lola habang nanonod ng mga nagsasayaw. Kung sana ay nandito si Lolo for sure isasayaw niya din si Lola dyan.

"Pwede ba kitang maisayaw?" Gulat akong napalingon kay Lucas. Anong ginagawa niya dito? At ano? Isasayaw niya ako sa apoy na iyan?

"L-lucas.."

"I don't accept rejection Reign. Just let me show you how much I love you." Nakangiti niyanh tugon saka inaya akong magsayaw sa gitna ng apoy. Totoo ba itong nangyayari? Mahal ako ni Lucas?

Habang nagsasayaw ay puro ngiti sa akin si Lucas. Tanging ngiti lang din ang naigaganti ko sa kanya. Ang mga matatanda ay masayang masaya sa pagtatambol nila at ang iba ay sa pagsasayaw nila.

"Reign....I like you." Bulong niya saka ako ikinulong sa mga bising niya. Sa loob ng apoy na ito ay umamin ang lalaking mahal ko.

"Lucas..I can't breath!" Nahihiya kong sabi dahil na din sa higpit ng pagkakayakap niya sa akin.

"Haha. Sorry. I just want to hug you." Ngiti niya saka dahan dahan ulit akong isinayaw.

"Reign Mercado. The spoiled brat among the Mercado's. Tataob lang pala sa akin haha." Naasar ko siyang hinampas dahil sa sinabi niya. Tsk. Mukha niya.

"Mga apo. Ang tugtuging ito ay para lamang sa inyo. Magsaya lang kayo." Sigaw ng leader ng mga tumutugtog. Isang malawak na ngiti ang iginanti ko sa kanila saka nagsimulang makipag sayaw kay Lucas.

Matapos naming sumayaw ay nakaramdam na ako ng pagod. At pakiramdam ko ay tagatak ang pawis ko. Hay grabe talaga.

"Reign! Tara samahan mo ako!" Aya ni Lucas saka hinila ako.

Matapos ang mahabang lakad ay nakarating kami sa Taas ng bundok. Mula dito ay kitang kita ko ang mga sindi ng kandila. At...ang lugar ay nakaayos. Parang pang date!

"Halika maupo ka. Nagustuhan mo ba?" Tanong niya kasabay ng pagtugtog ng violin. Naiiyak ako.

"This is our first date right? I hope na mag eenjoy ka " nakangiti niya pang sabi habang nakatitig sa akin.

"Natatakot ako na baka isang araw ay hindi mo din ako gusto. Nagulat nalang ako aamin ka sa LaLuna Island. I was just shocked that time. At nakatingin sa atin si Helena. I'm sorry kung nasira ko ang alaala  mo sa Laluna." Ngiting dagdag niya pa saka hinawakan ang kamay ko.

"Tonight. Just let me show you how much I love you. At alam kong ramdam mo na ngayon palang. I love you Reign Mercado." Abot tengang ngiti niya saka dahan dahan akong hinalikan.

"I love you too. Lucas." Bulong ko saka dahan dahang gumanti sa mga halik niya

Waves Of Love (Island Of Love Series 1)Where stories live. Discover now