Chapter 16

11 1 0
                                    

Lumipas ang araw at nakakulong pa din ako sa kwarto ko. Ayaw kong lumabas. Pakiramdam ko ay makakasalubong ko sila na mag kasama at masaya.

"Apo. Narito si Lucas may sasabihin ata sayo." Ilang araw na din siyang pumupunta dito. Kung ipapamukha niya ulit sa akin na mali ang nararamdaman ko ay sana umalis na siya. Ayaw ko siyang makita.

"Apo. Ayaw mo pa din ba siyang kausapin?" Tanong ni lola saka naupo sa tabi ko.

"Ayaw po lola. Pupunta po ba kayo sa Fiesta? Mag iingat po kayo." Nakangiting sagot ko saka nahiga na ulit. Argh. Nahihilo na naman ako. At ang mga buto ko sumasakit na naman. Ano bang nangyayari sa akin?

"Sige apo. Mag iingat ka dito sa loob huh?" Paalam ni lola saka lumabas na. Nakalimutan kong sabihin na dalhan niya ako ng pasalubong. Aish naman.

Nagising ako sa patuloy na pagkatok sa pintuan ko. Sino naman ba ang papasok sa bahay. Akala ko ba ay lahat ng tao nasa Fiesta.

"Pasok. Tita? Ano pong ginagawa ninyo dito?" What is she doing here? Akala ko ba ay nakalipad na siya.

"Hi sweetie. Pumapayat ka ata? At ano to? May pasa ka ah. Anong nangyayari sayo?" Lahat ba sila ay napapansin ang pagkapayat ko? Maski ako ay nagtataka bakit pumayat ako. Dala siguro to ng pagkawala ko ng gana sa pagkain.

"Diet ako tita. Etong pasa ko naman ay naiuntog ko lang kung saan." Pagpapalusot ko. Kahit na hindi ko talaga alam kung saan ko ito nakuha. Siguro nga ay naiuntog ko lang to sa tabi tabi.


"Sweetie? Pwede bang samahan mo ako sa may labas?" Tanong ni tita. Eh? Bakit ako naman ang aayain niya.

"Pero tita----."

"Sige na sweetie. Namiss kita eh." Dahil makulit si tita ay pumayag na din ako. Namiss ko din kasi ang itsura ng labas eh.

Naglakakad lakad kami ngayon ni tita papunta sa hindi ko alam na lugar. Saan naman kaya ako dadalhin ni tita? Kanina pa kami naglakakad pero wala pa din kami sa pupuntahan namin. Aish. Nantitrip ata tong si Tita eh.

"Tita saan po ba talaga tayo pupunta? Ang sakit na po ng paa ko." Nakanguso kong tanong.

"You'll know it later sweetie. Here water." Agad kong nilagok ang tubig na inabot niya sa akin. Aish. Malayo pa ata. May kotse naman siya pero bakit hindi niya ginamit? Iba talaga takbo ng isip ni tita eh. Nako.

Andito na din sa wakas. Napanganga nalang ako dahil sa nakikita ko. Woah. Nasa taas pala kami ng bundok. May shortcut pala papunta dito. Ang ganda. Mula dito ay kitang kita mo ang kabahayan at mga lights na nakakalat sa bawat sulok. Pakiramdam ko ay nakaka relax ang lugar na  ito.

"Sweetie. Hihintayin kita doon ha? Go talk to him. Goodluck!" Sino naman ang tinutukoy ni tita? Pinag lakad niya ako ng ganon kalayo para lang kausapin ang isang tao? Sino ba? Si daddy ba?

"Reign..." kahit hindi ko lingunin ay alam kong si Lucas ang taong iyon. Pero anong ginagawa niya dito.

"Mali ata napuntahan namin. Aalis na ako-- ano ba bitawan mo ako!?" Sigaw ko matapos niya akong higitin sa braso ko. Argh. Damnit ang sakit non ah.

"Let's talk. We need to talk *pak*" isang malakas na sampal ang ibinigay ko sa kanya dahil sa mga sinasabi niya.

"Wala tayong pag uusapan. Kaya bitawan mo ako!" Sigaw ko sa kanya. Andito na naman ba siya para ipamukha sa akin ang lahat? Pwes ang kapal ng mukha niya!

"Makinig ka naman sa sasabihin ko! Puro nalang ikaw ang iniintindi mo!" Sigaw niya kaya natahimik ako. Ano bang pinag sasasabi niya!

"Sinabi ko tun dahil andun di Helena! Dahil sa oras na malaman niyang mahal din kita mapapahamak ka!" Sigaw niya saka sunod sunod na bumuntong hininga. Ano daw....Nagloloko na naman ba siya?

"Ano ba Lucas! Hindi ako nakikipag biruan sayo! Kaya tumigil ka na!" Sigaw ko saka nagsimulang maglakad papalayo sa kanya.

"Sige! Lumayo ka! Pero susundan pa din kita!" Sigaw niya. Lucas ano na naman bang ginagawa mo?

"Stop it Lucas! Nasasaktan na ako sa ginagawa mo! So please?" Namamaos kong sigaw saka lumakad ulit. Lucas. Tama na. Ang sakit sakit na.

"Lakayuan mo ako? Dyan ka magaling sa paglayo. Pero remember this! I'm going to chase you Reign Mercado! Until I make you mine!" Sigaw niya ulit saka tuluyan na akong nakalayo. Damn it. Sana totoo lahat ng sinasabi niya!


Pagkarating ko sa bahay ay agad akong dumiretso sa kwarto at nagkulong. Kasabay ng pagbuhos ng ulan ang pagpatak ng mga luha ko. Kung sana ay alam kong ganito kasakit ang magmahal sana ay pinigilan ko na.

Kahit anong pilit kong matulog ay hindi ko magawa. Naririnig ko pa din ang mga huling salita ni Lucas. Aish.

"Lakayuan mo ako? Dyan ka magaling sa paglayo. Pero remember this! I'm going to chase you Reign Mercado! Until I make you mine!"

"Lakayuan mo ako? Dyan ka magaling sa paglayo. Pero remember this! I'm going to chase you Reign Mercado! Until I make you mine!"

"Lakayuan mo ako? Dyan ka magaling sa paglayo. Pero remember this! I'm going to chase you Reign Mercado! Until I make you  mine!"

"Lakayuan mo ako? Dyan ka magaling sa paglayo. Pero remember this! I'm going to chase you Reign Mercado! Until I make you mine!"


Ano bang ginagawa niya. Halata namang pinapaasa niya na naman ako eh. Ganon ba siyang lalaki? Gustong gustong nananakit ng babae? How pathetic self!


Dapat na akong mag move on. Bata pa naman ako eh. Panigurado akong kaya kong mag move on. Ako pa


Waves Of Love (Island Of Love Series 1)Where stories live. Discover now