Chapter 2

31 0 0
                                    


"Diba si Reign yun?"

"Totoo bang lilipat na siya?"

"Sabagay nakakahiya yung issue niya kaya dapat umalis na siya dito!"

"Tama baka mapahiya lang ang school na to dahil sa kanya!"

"Yan kasi! Ang landi landi kaya yan tuloy! Muntik ng ma rape. Kadiri."

"Masamang halimbawa! Dapat lang sa kanya yan!"

Inis kong isinalpak ang earphone ko sa tenga ko. Wala na ba silang pwedeng pag usapan? At saka akala ko ba ay napagtakpan na ni daddy ang issue ko? Bakit pa nila pinag uusapan. Nakakainis!

"Miss Reign tara na po."

Maganda na ba sa probinsyang yun? Sana naman ay pagbabago na. Teka sa bahay daw ni lola? Edi ibig sabihin maganda ang mansyon niya. Tama tama!may mansyon sila magiging maganda ang buhay ko doon.

"Daddy? Na saan si mommy?"

"A-anak wala na si mommy. Iniwan niya na tayo."

Umiiyak na sagot ni daddy. Ano bang sinasabi niya? Kanina lang ay kausap ko si mommy! Nagtatawanan pa nga kami eh!

"Ililibing na ang mommy mo. Anak hindi ka ba sasama?"

"No dad! Hindi siya patay!"

"Anak! Umayos ka! Patay na ang mommy mo! Tanggapin mo na."

Dahil sa pangyayaring yun ay magdamag akong umiiyak at nakakulong sa kwarto ko. Hanggang sa.

"Anak. Meet Tita Kristin. Siya ang bagong mommy mo."

"No dad! I dont like her!"

"Miss Reign. Gising po. Andito na tayo." Nanaginip na naman ako. Argh. Hanggang ngayon isa pa ding masamang panaginip ang nangyari kay mommy at ang pagdating ni Tita Kristin tsk.

Pagkababa ko ay bumungad sa akin ang isang haunted house. Pfft ano to?

"Mang Anton. Mag g-ghost hunting po ba tayo?" Natatawa kong tanong habang pinagmamasdan ang bahay.

"Dito po kayo titira Ms. Reign."

Ano daw? Eto talaga si mang Anton oh ang pangit mag joke.

"Akala ko ba sa mansyon ni Lola!?"

"Eto po ang bago niyang inaalagaang mansyon. Kakabili lang niya kaya dito siya nananatili."

Sana panaginip lang ito! No no no! Hindi ako titira sa creepy na bahay na ito! No way! Kakausapin ko si daddy!

"Ms. Reign akin na ho lahat ng cards niyo. Isa lang ho ang ititira."

Halos malaglag ang panga ko dahil sa sinabi ni Mang Anton. What the hell! Ang mga cards ko! No way no way! Mawawalan akong pera! Maghihirap ako! Ang unfair talaga ni daddy!

"Pero Mang Anton! Ang unfair non! Ayaw ko!"

Sigaw ko saka pumasok na sa bahay. Jeez. Agad na nag sitayua ang mga balahibo ko pagkapasok ko. Sabi na eh! Mamaya may mga ghost talaga dito. Kainis talaga.

"Nariyan ka na pala apo."

"Ay palaka! Lola naman eh! Nang gugulat ka!"

Bakit ba kasi madilim dito? Mayaman naman si lola pero bakit ayaw niya maglagay ng madaming ilaw? Nakakainis naman oh. Papahirapan talaga ako ni dad sa parusa nato. Tsk. Isang taon lang naman eh. Kaya yan!

"Apo. Kumain ka na ba? Halika tikman mo ang niluto ko."

Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad hanggang makarating kami sa kusina. Napabuka ako ng bibig dahil sa nakita ko. Woah. Parang nakatira tuloy ako sa sinaunang panahon. Ang ganda eh. Punong puno ng antigo si lola.

"Apo. Kamusta naman ang byahe?"

"Ok lang po. La kailan niyo po ito binili?"

"Nung nakaraan lang apo. Mabuti naman at naisipan mong samahan ako dito."

Ano daw? Naisipan kong samahan siya? Ang ibig sabihin hindi sinabi ni daddy na parusa niya sa akin ito?

"Ah eh. Namimiss kita lola eh."

Tipid kong sagot saka nagpatuloy sa pag kain. Katulad pa din ng dati. Masarap pa ding magluto si lola ng sinigang. Pero syempre mas masarap ang sinigang na niluluto ni mommy.

"Apo. Gumawa ako ng cookies. Kung ayos lang sayo? Ihatid mo ito kina Pasing."

"Lola? Saan iyon?"

"Dyan lamang sa katabi nating bahay. Sige na apo."

Dahil masunurin ako. Charot. Dahil nga iniisip ni lola na mabait akong apo ay ginawa ko ang sinasabi niya. Napapaisip ako. Paano nakakayanan ni lola na tumira dito ng nag iisa?

Ng makarating ako sa bahay na sinasabi ni lola ay agad akong kumatok. Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ay napanganga ako sa nagbukas. Apo ba ito ni Lola Pasing? Bakit parang ang gwapo? May mga gwapo pala sa probinsya.

"Anong kailangan mo?"

Malamig niyang tugon. Cold pala ito eh. Anak mayaman kaya ito?

"Pinamimigay ni Lola kay Lola Pasing pakiabot nalang."

Sagot ko saka na umalis. Bakit ganon? Ang bilis ng tibok ng puso ko. May sakit ba ako sa puso? Sa pagkakaalam ko normal naman anb health ko. Pero bakit ganon ang bilis naman ata?

"Apo. Matulog ka na muna. Ipapagising nalang kita kapag hapunan na."

Pagkapasok ko sa aking kwarto ay agad akong namangha sa disenyo. Woah. Para talagang nakatira ako sa nakaraan. Pakiramdam ko pinag handaan ni Lola ang pagdating ko.

Daddy calling...

Sasagutin ko ba? Makikiusap ba ako na alisin na ako ni daddy dito? Feeling ko talaga hindi ako magtatagal sa lugar na ito. Hindi ako pwede dito.

"Hello dad?"

"Anak? How's your trip? Nag enjoy ka ba sa new enviromment mo?"

"Dad! Seriously ganyan ang tanong mo! Ang boring dito!"

"Calm down. Para din sayo yan. I'll hang up darling. Take care of yourself and also lola okay? I love you."

Call ended.

Ewan ko kung seryoso si daddy o pinag titripan niya lang ako? Sa dinami dami niya naman kasing pwedeng i parusa niya sa akin bakit kailangang ganito pa? Eh pwede namang kunin niya lahat ng cards ko for a week. Or di kaya gudgets! Aish.


"Ma'am. Kakain na ho kayo."

Bago ako lumabas ng kwarto ay naisipan kong sumilip muna sa bintana. Sakto namang nakita ko na yung lalaki kanina na kausap si lola. Tsk. Ok naman pala si lola dito eh. May nakakausap naman siya.

"Ma'am mauna na ho kayo sabi ni Señora. Kausap niya pa po kasi si Lucas."

Tanginang tango nalang ang naging tugon ko sa katulong namin. Hmm. Lucas pala ha? Sabagay maganda din naman ang pangalang Lucas bagay sa kanyang gwapo.

"Manang. Sa tingin mo may girlfriend na ba si Lucas?"

Tanong ko out of the blue. Tsk. Curios lang. Panigurado kasing malabo yang may girlfriend. Nasa probinsya siya eh.

"Interesado ka ba sa kanya Reign?"

Halos mabilaukan ako sa tanong ni Manang.

"Oh tubig. Ikaw kasi ang takaw mo."

Si manang talaga advance mag isip eh. Parang nagtanong lang naman eh.

"Hindi po ah! Curious lang. Si manang talaga."

Kunwaring natatawang sagot ko. Wrong move ata Reign.

Waves Of Love (Island Of Love Series 1)Where stories live. Discover now