Magdamag ata akong umiyak at nagkulong sa kwarto ko. Hindi na din ako makatayo. Dahil pakiramdam ko ay ang bigat bigat na ng katawan ko. Para bang may nakadagan na kaya naman ay hindi na ako makagalaw.
Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Masaya dahil naging maayos ang takbo ng plano ko malungkot dahil malapit na akong mawala.
Kahit na wala akong ginagawa ay pagod na pagod ang katawan ko. Grabe na akong magpawis at mas lalo atang dumami ang pasa at red spots ko eh. Mas lalo din akong hindi nakahinga ng maayos. Kahit ganoon pa man ay pinipilit kong lumaban. Kahit na nahihirapan na ako.
Habang nakahiga ay muli ko na namang naalala ang mga masasaya naming alaala. Pfft. Bakit Reign? Hindi ba at sinabi ko ng kakalimutan mo na siya?
Flashback.
Malakas ang ulan at wala pala akong dalang payong. Eto na siguro ang araw na pinakamalas. Basang basa na ako. Wala pang masakyan. Ilang beses ko na ding tinawagan si Mang Anton pero walang sumasagot. Aish naman oh. I hate daddy!sasabihin ko talaga na uuwi na ako!
"Tsk. Bakit kasi wala kang dalang payong. Oh sumilong ka na." Kunot noong bungad ni Lucas. Bakit ba nandito ang lalaking ito? As if naman kailangan ko ng payong niya. Aba ako pa sinis kasalanan ko bang wala akong dalang payong?
"Hindi ko yan kailangan no! Bakit ba andito ka?" Sigaw ko dahil palakas ng palakas ang ulan.
"Tsk ang ingay mo. Tara na nga!" Sigaw niya saka hinila na ako patakbo.
End of Flasback.
Iyon ang unang araw na mag iba ang pakiramdam ko sa kanya. Aish. Abnormal na lalaking iyon. Hindi ko alam bakit andun pa siya eh ang sabi ng classmate namin ay nauna na daw siyang umuwi. Tsk.
Flashback.
Dahil maputik pala ang dadaanan ko sa gate ay nagka putik na ang palda ko. Damn it! Dapat pala ay sinabi ni lola na may ganito pala akong dadaanan papasok eh.
"Argh damn it! Kainis talaga!" Sigaw ko saka padabog na naglakad. Ngunit bigla akong napatigil ng may humigit sa kamay ko. At ang weird na naman ng pakiramdam ko. Aish lagi nalang.
"Isuot mo na to. Kesa magdabog ka dyan." Seryoso niyang sabi saka inabot sa akin ang isang pants. Aha! mabait din pala ang masungit na iyon eh. Hahaha. Agad namang nalukot ang masaya kong mukha dahil maluwang pants niya! Ano ba yan!
"Hoy Lucas! Maluwag ito! Iyo na!" Sigaw ko saka binato ang pants. Hmpk.
"Bahala ka dyan. Nakakairita pa naman kapag may putik ang palda " nang aasar niyang sabi kaya no choice ako. Pumasok ako ng maluwang ang pants na suot ko. Ugh damn it.
End of Flashback.
Namimiss ko si Lucas. Alam kong mali pero wala na akong magagawa. Tama na ang ginawa ko. Kaya wala ng bawian. Ang dapat ko lang gawin ay ang pakawalan siya.
Naalala ko tuloy nung nagkasakit siya dahil sa pag papahiram niya sa akin ng payong niya nung umuulan. Aba siraulo sinabi niya kasing may extra payong siya eh!
Flasback.
"Apo. Bisitahin mo naman si Lucas. Balita ko ay may sakit siya pakibigay ito ah? Utos ni lola. Ano ba yan umagang umaga ay may utos si Lola. Pero ano daw? May sakit si Lucas? Ano namang dahilan?
"Bakit daw po may sakit lola?" Posible kayang dahil sa ulan? Pero ang sabi niya ay may dala siyang isang payong.
"Basang basa kasi siya ng ulan kagabi. Sige na iha habang mainit pa yan." Damn it. Ang ibig sabihin ay palusot niya lang yun para ako ang gumamit ng payong niya? Aish. That guy!
"Lola Pasing si Lucas ho?"
"Asa kwarto niya. Katok kalang ineng."
Pagka katok ko ay agad na bumungad sa akin ang parang zombie na si Lucas. Halos mamatay na ako kakatawa dahil sa itsura niya.
"Sabi mo ay may payong ka pa! Nagkasakit ka tuloy!" Panenermon ko habang inaayos ko ang kakainin niyang lugaw na gawa ni lola. Aba ako pa talagang ginawang nurse eh. Tsk.
"Concern ka na pala ngayon. Tsk " aba ang kapal naman ng mukha niya.
"Hoy! Hindi ako concern no? Nakokonsensya lang ako!" Pagsusungit ko pero ang loko at tumawa lang. Ang kapal talaga ng mukha eh. Nakakainis.
Matapos ko siyang punasan ng tubig at painumin ng gamot ay naging maayos naman na ang lagay niya.
"Maayos ka na! Kaya aalis na ako! Dyan ka na nga." Sigaw ko saka naglakad na lalabas
"Reign Mercado salamat!" Sigaw niya. Ewan ko pero natutuwa ako. Ang weird.
End of Flashbck.
Kapag pala nag momove on ka ay hindi mo maiiwasang maisip ang nakaraan no? Grabe ang hirap pala nito eh.
Flashback.
Grabe ang init init dito sa garden. Ano kayang magandang gawin?
"Hoy. Reign gusto mong sumama?" Halos mapasigaw ako dahil sa gulat. Aish. Ano ba naman tong lalaking ito. Nang gugulat. At saka bakit ba ang hilig niya mang gulat. Nakakainis talaga ang lalaking ito! Hindi porke ginamot ko siya ay close na kami no!
"Saan naman? Pass ako dyan!" Pagsusungit ko.
"Sayang manonood sana kami ng sine. Makakalabas ka na sana." Nang aasar niyang sabi. Kapag ba sasama ako totoo bang may mapupuntahan kami ditong mall? Excited na ako eh.
"Reign! Bagay ba sa akin" tanong niya habang suit yung v neck shirt na nakita niya. Ewan ko ba at bakit siya ang kasama ko ngayon. Sana talaga ay hindi ko nalang siya sinamahan.
"Ma'm nagtatanong po ang boyfriend niyo." Sino ba kausap nito?
"Sino po kausap niyo?"
"Ikaw. Sagutin mo na siya. Bagay kayo " pakiramdam ko ay kasing pula na ng kamatis ang mukha ko. Damn it!
"Hindi ko yan boyfriend no! Over my dead body." Pagsusungit ko saka naman tumawa si Lucas.
"Kami po talaga ng babaeng iyan. May pinag tataguan lang eh. Baka daw spy ka." Natatawa niyang sagot sa sales lady. Aish.!
End of flasback.
So? Sorry nalang ang maisasabi ko sa lahat ng memories na nakalimutan ko na. Hahaha
YOU ARE READING
Waves Of Love (Island Of Love Series 1)
Novela Juvenil"I'm the daughter of Rony Mercado! I can do whatever I want so leave me alone!" Reign Mercado. The spoiled brat among the Mercado Family. For her. Money can buy anything. Not until he met Lucas. The man of her life. Welcome to Island of Love.