"Sasama ka ba sa party later?"Maarteng bungad ni Liana. The flirt one. Teka bakit ba ako ang inaaya niya para sa party? Magsasalita na sana ako ng biglang tumunog ang cellphone ko.
From: Daddy
Umuwi ka ng maaga ngayon. We have dinner together with your Tita Kristin.
Bakit ba kailangang isama pa ako ni daddy sa date nila ng kabit niya? Oh I mean new fiance niya? Ipapamukha na naman nila sa akin na wala na si mommy. The hell with them!
"Saan ba? Count me in." Nakangisi kong sagot kay Liana. Matapos kong magligpit ay agad akong dumiretso sa condo ko upang magpalit.
Matapos kong mag ayos para sa party mamaya ay agad akong nagtungo sa parking lot. Habang naglalakad ay impit akong napatili dahil sa pagkaka bangga ko sa isang pulubi.
"What the! Ano ka ba! Tatanga tanga ka!"
"Sorry po. Hindi ko po--."
"Shut up! Oh ayan pera! Wag na wag ka ng babalik dito!"
Sigaw ko matapos ihampas sa kanya ang pera ko. Kadiri. Tsk. Pare parehas talaga silang mahihirap. Palibhasa kulang sila sa pera. While me? Oh. Walang bagay ang hindi nabibili ng pera ko.
Matapos ang byahe ay agad akong nakarating sa party. Mabuti nalang talaga at madami akong bagong bikini. Perfect para sa pool party na pakulo ni Liana.
"She's damn hot bro!"
"Go! Get her number!"
"Look at her body. Damn!"
Bulungan ng mga lalaki habang papalapit ako sa pwesto nina Liana. Oh well sanay na akong pinupuri kapag sa mga ganitong party. Tsk ako pa.
"Oh. The party queen is here na."
"Wow. You look hot Reign."
Papuri nila habang paupo ako. Oh well. Hindi pa din ba sila sanay sa pagiging hot ko?
"Cheers! Wuhoooo!"
"Cheeerrs!!"
"Party party wuhoooo!"
Nagsimula na nga kaming mag inuman at mag sayawan. Nakakailang lagok palang ako ng alak ay agad akong nakaramdam ng pagkahilo. Ano ba ito? Bakit parang ang bilis ko mahilo?
"Isa pa! Cheeeerrs!"
"Inom pa Reign. Here drink this!"
Sigawan nila pero wala na akong maintindihan. Dala na din siguro ng alak na nainom ko.
"Nahihilo na ako. Pass!" Nandidilim na paningin ko. Nakaka dalawang baso palang ako lasing na agad ako? Paano mangyayari yun eh matagal bago ako malasing?
"Wag kang KJ! Inom na!"
"Iinom na yan. Iinom na yan."
"Go Reign sissy! Inom na."
Dahil ayaw ko namang mapahiya sa kanila ay agad kong nilagok ang alak. Wrong move! Damn mas lalong nanlabo ang paningin ko. Magsasalita pa sana ako nang biglang bumagsak ang mga talukap ko.
"Pre! Ako muna tutal ako naman nag isip nito eh."
"Pre. Walang ganyan pre. Ako nagbuhat dyan eh. Ako dapat mauna."
"Ako muna pre. Libog na libog na ako!"
Na saan ako? Pagkamulat ko ng aking mga mata ay bumungad sa akin sina Carlo. Anong nangyayari?
"Good morning Reign. Wanna play?"
Nakangising sambit ni Carlo habang nagtatanggal ng damit. What the hell is going on!?
"Kadiri ka Carlo! Tulong! Tulungan niyo ako!"
Pagpupumiglas ko habang si Carlo naman ay masayang hinahalikan ang bawat parte ng mukha ko. Please. Someone help me..
"Pre ako din!"
"Gago pigilan mo muna libog mo."
Patuloy pa din ako sa pagsigaw at pagpupumiglas samantalang sila ay masayang masaya sa ginagawa nila. Kaya pala inaya ako ni Liana! Plinano niyang lahat ito!
"Itaas ang kamay! Pulis eto! Posasan niyo sila!"
Agad akong nakaramdam ng ginhawa matapos pumasok ang mga pulis.
"Maski ang babaeng iyan! Posasan!"
Ngunit agad din akong natauhan dahil sa narinig ko. Ano bang pinag sasasabi nila!? Ako na nga itong muntik ma rape tapos mapoposas din?
"Pero sir! Wala po akong kasalanan!"
"Miss. Sangkot ka sa illegal drugs. May testigo laban sa iyo."
"Pero sir! No way! I'm the daughter of Rony Mercado!"
"Miss. Sumama ka nalang!"
"No! Hindi ako sasama! I can do whatever I want to! Leave me alone!"
Kahit anong paliwanag ko ay dinala pa din nila ako sa prisinto. Humanda sila kay daddy! Sisiguraduhin kong matatanggal sila sa mga trabaho nila!
"Sir Mercado. Dito po."
Agad na dumiretso si Dad sa pwesto ko. Tsk kasama niya na naman yung fiance niya. Kahit kailan talaga!
"Illegal Drugs huh? Sir. Let me punish my daughter. At ang mga lalaking yun kayo na ang bahala."
Agad kong niyakap sa dad matapos niyang sabihin ang mga iyon.
"That Liana. Pina set up ka niya. Now! Fix yourself. Mag uusap pa tayo."
Ma awtoridad na utos ni dad na agad ko namang sinunod. Sabi na eh! Kayang kaya ni dad na manipulahin ang mga pulis na yun. Pero ano?! Naka take ako ng drugs!? What the hell!
Pagkarating namin sa bahay ay agad dumiretso sa kusina si Tita Kristin para magluto. Tsk.
"Sobra na ito Reign. I need to punish you!"
"Pero dad! Malinaw naman na ni set up lang ako!"
"Hindi yan! Ang ibig kong sabihin ay ang pagiging matigas ng ulo mo!"
Sigaw niya kasabay ng paghampas sa lamesa niya. Ano!?
"Iuuwi kita sa Pangdillo! Sasamahan mo ang lola mo doon!"
"What dad! Hell no!? Hindi ako papayag!"
"Enough! Kung ano ang sinabi ko yun ang susundin mo!"
Bagsak ang balikat ko habang papasok sa kwarto ko. Ang unfair ni daddy! At ano namang gagawin ko sa probinsyang yun! Ang boring boring dun! At saka wala akong friends!
Tahimik lang akong nakahiga sa kwarto ko habang iniisip ang mga nangyari ngayon. Muntik na akong ma rape. Nadawit pa ako sa illegal drugs! Argh ano bang problema nila!
Matiwasay akong nag mumuni muni nang biglang may kumatok.
"Pasok."
Laking gulat ko ng si Tita Kristin ang pumasok. At ano naman ang ginagawa niya dito?
"Leave. I don't need you here." Bulalas ko saka nagtalukbong ng kumot. Wala akong oras para kausapin siya. I don't need her!
"Pagpasensyahan mo na ang papa mo. Maniwala ka lahat ng ginagawa niya ay para sayo."
Mahinang bulong niya. Eh ano bang pake niya? Ano to nagpapalakas siya para matanggap ko siya bilang bagong mommy?! Hello no! Alam kong iisa lang ang mommy ko! At si mommy Aliana yun!
"Umalis ka na. Wala akong pake sa sasabihin mo."
Humanda ka na Reign. Bukas na bukas din ay mag iiba na ang takbo ng buhay mo.

YOU ARE READING
Waves Of Love (Island Of Love Series 1)
Roman pour Adolescents"I'm the daughter of Rony Mercado! I can do whatever I want so leave me alone!" Reign Mercado. The spoiled brat among the Mercado Family. For her. Money can buy anything. Not until he met Lucas. The man of her life. Welcome to Island of Love.