*SeeMeSuffer*
Part2
Nellie*
POVHindi naman nakatiis yung Lalaki.
Nilapitan nya ko saka niyakap at binuhat patayo."Oh!" Hiyaw ko.
Naramdaman ko kase yung Bukol nya.
Tinawanan nya ko."Uhm. Bumitaw kana?" Sabi ko.
"Ayoko nga. Haha." Sabi nito.
"Aba'y Ga---
Hindi ko na natuloy pa itong sasabihin ko ng bigla nya kong Bitiwan.
"Bibitaw ka rin pala e." Sabi ko.
"Ang Sungit mo? Dapat nga nagpapasalamat ka kase tinulungan pa kita." Sabi nito.
"Selemet pow. Happy?" Sabi ko.
Ngumiti ito.
Nagsimula na tong bumalik sa kinauupuan nya kanina.Hindi na sya nagsalita pa.
Nakatalikod sya saken tapos nagsisimula na ulit syang magdasal."Hmm." Huni ko.
Infairness sa Lalaking to.
Gwapo.Naglakad na ko pabalik sa Parkingan.
Sumakay Ako sa Kotse ko saka Ako pumunta sa Office.***
Pagdating dito sa Building ng Company ni Daddy dire-diretso lang Ako sa Opisina ko at nagsagawa na ng mga Paper Works ko.Pagkatapos nag Video Call Ako sa mga Pinsan kong sila Marice at Pauline.
"Grabe. Ramdam na ramdam ko talaga sya. Super nakakatakot. Grr." Sabi ko.
'Oh my! Anong ginawa mo? Kinausap mo sya?' Sabi ni Pauline.
'Hala! Nakakatakot naman yan.' Sabi ni Marice.
"Well. Sabi ko magpakita sya saken mamayang Gabi. Mag-aantay Ako na magparamdam sya saken. Hmm. Nga pala. Pwede ba kong makitulog sa inyo?" Sabi ko.
Pinatayan nila tong Video Call naming Tatlo.
"Grabe. Makikitulog lang e." Sabi ko.
Tinatawagan ko ulit sila pero binlock pa nila ko.
"Ay Langya." Sabi ko.
Nagpatuloy na ko dito sa ginagawa ko.
Makalipas ang ilang Oras
Breaktime na.
Lumabas Ako dito sa Office ko saka Ako naglakad at sumakay sa Elevator.
Nakikinig Ako sa mga pinag-uusapan nitong mga Tauhan namin ni Daddy."Nakakatakot nga. Gumalaw yung mga Laruan ng Anak ko. Tapos nagtititili sabay takbo saken. Syempre nag-aalala Ako. Baka ma-trauma yun." Sabi ni Janet.
"Dapat sasamahan mo lagi Anak mo. Mahirap na. Hmm. Mag ha Halloween pa naman. Araw ng mga Patay e ilang Linggo nalang." Sabi ni Dessa.
Nakikinig Ako sa Usaping Katatakutan ng mga to.
Sumunod pa ko sa kanila dahil sa pagiging Tsismosa ko.Nakikinig Ako.
Mga Signs pag may Multo sa Paligid mo ang Topic nila ngayon.Nakakaramdam tuloy Ako ng pangingilabot dahil sa sinabi ko sa Babaeng nagpaparamdam saken na mamayang Gabi magpakita sya.
"Jusko. Baka nga magpakita sya ah." Sabi ko.
Nagsisisi tuloy Akong sinabi ko yun.
Binilisan ko na tong Lakad ko para makarating na ko sa Kainan dito sa Jollibee.
Pumila agad ako.
Naghintay hanggang sa makarating Ako dito sa Unahang Pila.
BINABASA MO ANG
See Me Suffer (COMPLETE)
Mystery / ThrillerR🔞 May Misteryong bumabalot sa laging Napapanaginipan ng isang Babae. Susubukan nyang alamin kung bakit may nagpaparamdam sa Kanya. May nagpaparamdam nga ba? O Guniguni lang nya yon. (Abusive, Mistery, Romance)