*SeeMeSuffer*
Part6
Hero*
POVNatataranta tuloy Ako.
Dali-dali kong niyakap si Nellie para hindi ito mapahiga dito sa Kalye."Nellie?" Sabi ko.
Wala itong Malay.
Namumutla ang Mukha nito at pinagpapawisan ito ng Malamig.
Binuhat ko ito.
Tumayo na ko dito saka naglakad at sinakay ko ito sa Kotse ko."Oh my. Nellie. Anong nangyayare sayo." Sabi ko.
Umikot na ko saka sumakay dito sa Driver Seat ko.
Pinaandar ko na at pupunta ko sa Malapit lang na Ospital.Mabilis lang Akong nagmaneho hanggang sa may Makita kong Ospital at binuhat ko ulit si Nellie saka Ako sinalubong ng Tatlong Nurse.
Sinakay namin ito sa Stretcher.
Tulak tulak namin ito hanggang sa makarating kame sa Emergency Room.Naiwan na ko dito sa Labas.
Mag-aantay Ako sa sasabihin ng Doctor saken.Makalipas ang ilang Minuto
Lumabas ang Doctor na Babae.
Sinalubong ko ito."Kamusta na po yung Kasama ko?" Sabi ko.
"Kailangan lang po nya ng Pahinga Sir. Anemic po si Ma'am tapos nasabay pa ang pagka Dehydrated nya. Mukhang wala syang ganong Tubig sa Katawan. Kailangan nya po yun." Sabi nito.
"Oh. Okay. Thank you so much." Sabi ko.
Tumango tango ito saka umalis.
Pumasok na ko dito sa Emergency Room at hinanap kung san nakahiga si Nellie.Naka-upo na sya at chinicheck up-an ng Nurse na Babae saka ko lumapit.
"Hey." Sabi ko.
Tumingala ito saken saka ngumiti.
"Kamusta kana. May masakit pa ba Sayo?" Sabi ko.
"Wala naman Masakit pero inaantok Ako." Sabi nito.
"Hmm. Okay. Uhm. Uuwi kana ba sa inyo?" Sabi ko.
"Pwede ba kong makitulog ulit Sayo?" Sabi nito.
Nangiti na ko.
Parang Ayokong mahiwalay sa kanya kaya.."Oo naman. Haha. Pagkatapos nyan. Uwi tayo." Sabi ko.
Tumango na to.
Pakiramdam ko nagkakainteres Ako kay Nellie.
Lalo na nung Unang kita namin sa Simbahan.
Basta Magaan na yung Loob ko sa kanya.
Sakto pa na nagpaparamdam si Aivy sa kanya."Hmm." Huni ko.
Pinagmamasdan ko si Nellie.
Nakangiti ito habang nakikipagusap sa Nurse.(Napaka Friendly.)
Tumayo na sya dito sa higaan.
Nakaalalay naman Ako kase medyo parang nakainom pa ng Alak ang dating nito."Okay ka na ba talaga?" Sabi ko.
"Oo. Okay na ko." Sabi nito.
"Okay. Uhm. Magtubig ka ah." Sabi ko.
Ngumiti ito.
Naglakad pa kame hanggang sa makalabas kame dito sa Ospital.Sumakay kame sa Kotse ko saka ko to pinaandar.
Balak ko dadaan Ako sa 7/11 para makabili ng inumin Tubig ni Nellie.Saktong sakto at malapit lang to.
Hininto ko tong Kotse ko saka ko tumingin kay Nellie."Bibili muna kita ng Tubig ah." Sabi ko.
"Sige. Thank you." Sabi nito.
Bumaba Ako dito sa Kotse saka pumasok sa 7/11.
Dire-diretso Ako sa mga Drinks.
Nagbukas ako ng Ref saka ko kumuha ng Bottled Water para samen ni Nellie.
BINABASA MO ANG
See Me Suffer (COMPLETE)
Mystery / ThrillerR🔞 May Misteryong bumabalot sa laging Napapanaginipan ng isang Babae. Susubukan nyang alamin kung bakit may nagpaparamdam sa Kanya. May nagpaparamdam nga ba? O Guniguni lang nya yon. (Abusive, Mistery, Romance)