Hero

142 4 0
                                    

*SeeMeSuffer*

Part3

Nellie*
POV

Nagngingitian kame nitong Hero pala ang Pangalan.
Bumibitaw na ko pero mahigpit itong nakahawak sa mga Kamay ko.

"A'Uhm. Bitawan mo na." Sabi ko.

"Ang Lambot ng palad mo noh? Kakatuwa." Sabi nito.

"Pwes hindi Ako natutuwa." Sabi ko.

Hinatak ko tong Kamay ko tapos nginingisian nya ko na parang inaasar Ako.

"Kainis to." Sabi ko.

"So, mamaya sasama ka saken sa Condo ko ah. Baka umiikot ka sa Kama. Nako, masisipa mo pa ko." Sabi nito.

"Hindi lang kita sisipain. Sasakalin pa kita." Sabi ko.

"Grabe ka naman? Haha. Hindi na kita isasama. Papatayin mo pala ko." Sabi nito.

"Joke lang yun syempre." Sabi ko.

"Osha. Mamaya maya lang aalis na tayo. Hindi Ako lasinggero e. Pampa Chill lang tong iniinom ko." Sabi nito.

"Okay. Sige. Tatapusin ko na to." Sabi ko.

Nagpatuloy na kame sa pag-inom.

Makalipas ang ilang Minuto

Nagpaalam na kame kay Gabo saka kame nagtayuan dito sa kinauupuan namin.
Kumapit Ako sa Braso ni Hero saka kame lumabas dito sa Bar.

"Sunod mo lang Car mo saken. Kaya mo pa ba magdrive?" Sabi nito.

"Uhm. Kaya ko pa." Sabi ko.

Hinatid nya ko sa Kotse ko.
Sumakay Ako tapos inaantay ko syang makasakay sa Kotse nyang Magara.

"Naka Sports Car si Loko." Sabi ko.

Ang Ganda ng Kotse nya.
Mukhang bagong Labas ng Sasakyan to tapos meron na agad sya.

Sa nakikita ko bigatin tong si Hero.
Pinaandar na nya yun saka Ako sumunod sa kanya.
Dire-diretso lang ang pagmamaneho namen.

****
Pagdating dito sa Parking Lot ng Condo Building.

Bumaba kameng Dalawa tapos kumapit Ako sa Kaliwang Braso nito.

Naglakad.
Sumakay kame sa Elevator.

Ang Tangkad nito tapos Maganda yung Mukha nya.
Matangos ang ilong tapos Mapula ang Labi.
Seryoso ang Reaksyon nito habang hinihintay na makarating kame sa Floor na pupuntahan namen.

"Don't tell me. Naiinlove kana saken Nellie? Haha." Maakit na sabi nito.

"Ang kapal ng Mukha mo." Sabi ko.

"Mmhmm. Bakit nakatitig ka sa Mukha ko." Sabi nito.

Inalis ko kagad ang Tingin ko sa kanya.
Yumuko Ako saka napakagat Labi sa Hiya.

"A'Uhm. Hindi ah? Hindi kita tinititigan noh. Dun Ako sa CCTV nakatingin." Sabi ko.

"Hala? Di nga. Nakikita kita sa Repleksyon nitong Pinto ng Elevator e. Malinaw na malinaw yung nakikita ko kanina. Nakatingin ka sa Mukha ko. Haha. Dinedeny mo pa." Sabi nito.

Hindi ko na sya kinausap.
Tahimik lang Ako hanggang sa magbukas itong pinto at lumabas kaming dalawa dito saka naglakad papunta sa Unit nya.

"C24. Hmm." Bulong ko.

"Firstime kong magdala ng Babae dito na hindi ko kakilala." Sabi nito.

Pagpasok namin dito namangha Ako sa ganda nito.
Maayos, Malinis at magaganda ang mga Kagamitan nya.

See Me Suffer (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon