*SeeMeSuffer*
Part19
(Warning!!)Hero*
POVNagising Ako na umuungol ang Girlfriend kong si Nellie dahil sa pananaginip nito ng Masama.
Alam kong Masama.
Umiiling iling ito tapos nakakunot ang mga Kilay nya.
"Nellie?" Sabi ko.
Tumingin Ako sa Orasan.
5:58 am.
Paumaga na.Hinawakan ko na sa Pisngi tong Girlfriend ko saka ko tinatapik tapik pero patuloy lang ito sa Pag iling.
Hinalikan ko na to sa Noo nya saka niyayakap ng Mahigpit at inaalog alog para magising na sya.
"Oh!" Hiyaw nito.
Tumingin Ako sa Mukha nito saka ko pinunasan tong Luha nya sa mga Pisngi nya.
Umaagos ito."Baby?" Bulong ko.
"Grabe. Ang sama ng Panaginip ko. Pumasok Ako sa CR e. Alam ko Pumasok Ako tapos napunta ko sa isang Lugar. Parang Perya sya. Nandun sila Aivy, Sean tyaka si Lola mo. Tapos may Selina pa." Sabi nito.
Umiiyak na tong Girlfriend ko at pinapakalma.
Humahagulgol na ito sa Iyak kaya hinalikan ko ulit sya.****
Nellie*
POVNagising Ako sa yakap ni Hero.
Hinahalikan nito ang Noo ko habang iniisip kong maigi kung Ano ba yung napanaginipan ko."S'Sino si Selina?" Sabi ko.
"Ex ni Sean." Sabi nito.
Tumingin si Hero sa mga Mata ko.
Pinaliwanag ko lahat-lahat ng nasa Panaginip ko pati yung kung paano pina Plastic ni Selina si Aivy noon.
"Hindi ko maintindihan kung Anong Meron sa Selina na yon. Basta pinaplastic nya si Aivy." Sabi ko.
Base sa Panaginip ko.
Madalas dumikit dikit yung Selina na yun kay Aivy para makalapit din sya kay Sean.Si Sean naman ang pumipigil kay Aivy na iwasan si Selina pero hindi sumusuko yung Babaita na yun.
Sinusundan nya si Aivy kahit saan.
Kahit sa CR.
Nakita ko rin sa Panaginip ko na Minsan na silang mag-inuman ni Aivy at Selina na yon tapos isa din pala ang Babaita na yun sa nagpapagamit kay Aivy ng Drugs hanggang sa Madalas na silang magkasama pero Tago.
Hindi sila nagpapakita na Magkadikit sa maraming Tao.Pinaliwanag ko kay Hero yung Panaginip ko.
Hindi nito alam kung anong sasabihin nya saken.
"Jusko. Ano bang Meron sa pinapakita ni Aivy sayo. Naguguluhan na ko. Tapos si Lola? Grabe. Hindi Ako makapaniwala na nagkita na sila. Pano sya nakilala ni Lola e hindi ko pa sila pinapakilala sa isa't isa. Pano. Ang Hirap naman." Sabi nito.
"Hindi ko alam. Naguguluhan na din Ako. May kakaiba sa Selina na yon." Sabi ko.
Natulog ulit kame ni Hero.
****
Makalipas ang ilang ArawApat na Gabi nang hindi nagpaparamdam si Aivy saken kaya hirap Ako sa pagtulog at pagpo Focus sa Trabaho ko.
Lagi nga kaming magka-tawagan ni Hero pero yung isip ko e dun sa Panaginip kong yun.
Nahihiwagaan Ako sa Selina na yon kaya nag research Ako kahit hindi ko alam ang Apelyido nya.
BINABASA MO ANG
See Me Suffer (COMPLETE)
Mystery / ThrillerR🔞 May Misteryong bumabalot sa laging Napapanaginipan ng isang Babae. Susubukan nyang alamin kung bakit may nagpaparamdam sa Kanya. May nagpaparamdam nga ba? O Guniguni lang nya yon. (Abusive, Mistery, Romance)