*SeeMeSuffer*
Part21
Nellie*
POVNakahawak sa Magbilang Braso ko si Hero tapos hinahalikan nito ang Noo ko.
"Tara na Baby. Wag kang matakot please. Hindi na kita sasaktan ulit. Pangako yan." Mahinahon na sabi ni Hero.
"A'Uhm. Please. Hayaan mo muna ko. Gusto kong umuwi. Pakiusap." Bulong ko.
Matagal bago ito Sumagot.
"Hm. Okay. Sige. Hindi na kita pipilitin. Basta, mag-iingat ka sa Byahe mo ah. Text or Call mo ko pag nandun kana sa inyo. Mahal na mahal kita Nellie. Sorry kung napag-buhatan kita ng Kamay kanina. Nabigla lang talaga ko kase nga kilala ko yung Mommy ko. Sige na. Sumakay kana sa Kotse mo. Anong Oras na. Uumagahin na tayo dito. Sorry ulit Baby. Pati yung sinabi ko na Tapos na tayo hindi ko gusto yun. Nasaktan din Ako sa sinabi ko. Sige na. I love you." Sabi nito.
"I love you Hero. Mag-iingat ka din sa Byahe. Tatawagan kita pag uwi ko." Sabi ko.
Ngumiti ito saka Humalik sa Labi ko.
Inalalayan nya kong maglakad hanggang sa Sumakay Ako sa Kotse ko.Humalik ito ulit sa Labi ko tyaka sa Noo ko saka nya sinara tong Pinto ko at pinaandar ko na to.
Kumakaway sya habang papalayo Ako.
Bumusina ko bilang Sign ko sa Kanya.****
Pagdating dito sa Bahay.Bago ko bumaba dito sa Kotse ko kinalkal ko muna tong Bag ko para makuha tong Cellphone ko.
Nag Dial ako para matawagan si Hero.
'Hi Baby. Sakto nandito na din Ako sa Parking Lot.' Sabi ni Hero.
"Oh, Sabay lang tayo. Eto bababa na ko sa Kotse ko." Sabi ko.
Nag-uusap kame hanggang sa Bumaba Ako dito sa Kotse ganon din sya.
Nawala yung Tawag o Signal ng Sumakay sya sa Elevator tapos nang nasa Kwarto ko na Ako saka sya Tumawag.
Nasa Condo Unit na nya sya.'Pahinga na tayo ah. Ako na bahala kay Mommy. Babalitaan kita pagkatapos naming Mag-usap.' Sabi nito.
"Okay sige. Pasensya kana. Alam kong Masakit sayo tong Nadiskubre naten. Nahihirapan Ako na paniwalaan yun kaso si Aivy. Kung makikita mo yung iyak nya. Masakit yun tapos nanghihinayang sya sa magiging Baby nyo. Namaalam na si Aivy kanina. Dun mismo sa Tulay kung san sya Bumulagta. Sabi nya. Gusto nya ng Hustisya. Gusto kong Pagbigyan si Aivy. Sana maintindihan mo ko." Sabi ko.
Humahagulgol ng iyak si Hero sa kabilang Linya.
Pati tuloy Ako naiiyak na din.
Nahiga na ko dito sa Kama ko habang pinakikinggan ang Boyfriend ko na humahagulgol ng iyak.'Nanghihinayang Ako. Sobra. Masakit kaso Huli na yung Lahat-lahat. Hmm. Sana talaga kinausap ko sya noon tapos siguro hanggang Ngayon kasama ko sila nung Anak namin. Kaso, pano kaya yun. Hindi kita makikilala pero. Ang Gulo. Basta Mahal ko si Aivy pero nawala yung pagmamahal na yun nung Maparamdam ko sayo na Espesyal ka saken. Na Mahal kita Nellie. Medyo nahihirapan Ako sa Part na si Mommy pala ang may kagagawan kaya nawala si Aivy pati yung magiging Anak ko. Masakit pero gagawin ko yung Tama alang-alang sa Pinagsamahan namin ni Aivy at para Hustisya narin sa kanya pati sa magiging Anak ko." Iyak nito.
"Basta, lagi lang Akong nandito para sayo Baby. Tandaan mo yan. Mahal na mahal kita. Magiging masaya tayo pag natapos na to lahat-lahat. Alam kong Mahirap kase Mommy mo yun tapos kilalang kilala mo. Kaya naten to. Okay? I love you." Sabi ko.
'I love you Baby. Sige. Magpahinga na tayo. Bukas paggising ko itetext kita pag alis ko dito. Pag pupunta na ko sa Laguna. Mahal na mahal kita.' Sabi nito.
BINABASA MO ANG
See Me Suffer (COMPLETE)
Misterio / SuspensoR🔞 May Misteryong bumabalot sa laging Napapanaginipan ng isang Babae. Susubukan nyang alamin kung bakit may nagpaparamdam sa Kanya. May nagpaparamdam nga ba? O Guniguni lang nya yon. (Abusive, Mistery, Romance)