Kabute

110 5 0
                                    

*SeeMeSuffer*

Part22

Nellie*
POV

Nakakagulat.
Na Tanga nanaman Ako ni Aivy.
Sabi nya mamamaalam na sya tapos bigla nanaman syang susulpot.

"Aivy? Nandito ka pa." Sabi ko.

"Hindi pa ko makaka-alis. May Selina pa na dapat trabahuhin." Sabi nito.

"Oo nga pala. Sige, gagawan ko ng paraan yun wag ka lang sumulpot basta-basta." Bulong ko.

"Yun nalang Nellie. Matatahimik Ako pag humingi ng Tawad si Selina saken kung bakit nya ko iniwan noon. Bakit wala syang ginawa para tulungan Ako dahil lang gusto nyang masolo si Sean." Sabi nito.

"Sige, gagawan ko yan ng Paraan." Sabi ko.

"Baby? Nandian si Aivy?" Sabi ni Hero.

Lumingon Ako at papalapit si Hero saken dala-dala itong Flashlight.
Itinututok nya to saken saka sa Paligid ko.

Nanla-laki ang mga Mata ni Hero.

"Uhm, Oo. Si Selina pa ang natitira nateng Trabaho." Sabi ko.

"Oh, okay. Nandian pa ba si Aivy? Natatakot Ako. Tangina." Sabi nito.

"Uhm, pag patay lang ang ilaw saka nagpaparamdam si Aivy." Sabi ko.

Pinatay ni Hero yung Flashlight nya.

"Ayan?" Sabi nito.

"Aivy? Nandito ka ba?" Sabi ko.

"Oo," Sabi ni Aivy.

Naghihihiyaw si Hero sa Takot ng Marinig nya ang Boses ni Aivy.

"What the Fuck?! Bakit hindi ka nagpaparamdam saken Aivy?" Sabi ni Hero.

"Wala ka kase ng kagaya nang kay Nellie." Sabi ni Aivy.

"Jusmiyo. Nakakatakot naman tong nangyayare." Sabi ko.

"Mas Nakakatakot pag nakita mong inaapakan mo na pala tong Paa ko." Sabi ni Aivy.

"Pano nangyare yon? Multo kana. May Pakiramdam ka?" Sabi ko.

"Hindi ko nararamdaman pero nakikita ko. Inaapakan mo ko Tanga." Sabi ni Aivy.

Humihiyaw nanaman si Hero.

"Putaragis. Lumabas nga kayo dito mag-usap usap tayo." Sabi ni Hero.

Nangangapa Ako sa Dilim.
Inaalalayan Ako ni Hero hanggang sa Maka-upo Ako dito sa Kama.

"Aivy? Hindi mo kayang magparamdam saken?" Sabi ni Hero.

"Hindi kase Matapang kang Tao. Tyaka pag nadikit ka sa Kagaya ni Nellie talagang Mararamdam at Maririnig mo ko." Sabi ni Aivy.

"Ang galing naman." Sabi ni Hero.

"Baby? Anong magaling dun. Nakakatakot kaya." Sabi ko.

"Ang galing kase nakaka-usap ko na sya ngayon. Dati hindi naman diba. Puro sa Panaginip mo lang. Saken ba Aivy sa Panaginip ko hindi mo kayang magpakita saken?" Sabi ni Hero.

"Baby. Mambababae ka pa yata." Sabi ko.

"Papayag ka ba Nellie?" Sabi ni Aivy.

"Mga Gago. Tigilan nyo yan. Nakakatakot." Sabi ko.

Tumatawa na si Aivy.

Ewan ko ba pero pakiramdam ko Masaya pala Kausap ang Multo na to.
Napapaisip lang Ako sa Parte na kung hindi pa ko katabi ni Hero hindi sila magkaka-usap.

See Me Suffer (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon