Enemy and friend
***
Nakahiga ako ngayon sa aking kama habang hawak ang phone. Patingin-tingin lamang ng mga kung anu-ano sa facebook at Instagram. Scroll dito, scroll doon. Minsan nakakawala na rin ng gana dahil wala nang masyadong bago sa social media.
Puro post ng magkapatid na Sabrina at Queencess ang nakikita ko sa aking newsfeed. Nagsimula na palang maki-uso ni Sab sa mga nagba-vlog.
"Smiley morning sa inyo mga beshiwaps! This is Sabrina Schumann and we're here in NEU Gymnasium to watch the practice game of our basketball team, the blue Falcons!" masiglaw sigaw niya sa video. Todo ang ngiti niya at kumakaway-kaway pa. Mayamaya ay naupo na ito sa bench at saka itinutok ang camera sa mga basketball player, especially kay kuya Apollo.
Sawa na akong makita ang pagmumukha niya dito sa bahay kaya nagpatuloy ako sa pag-scroll down. Habang iniisip ko ang pagka-umay ko sa aking kapatid, bigla namang pumasok sa aking isipan ang pinakamortal niyang kaaway. Naalala ko tuloy 'yung nangyari sa may rooftop last week. Sinipa ko siya sa likuran at dumugo ang ilong niya.
Napakunot ako ng aking noo at napasimangot dahil sa nangyaring iyon.
***
"S-sorry!" mabilis kong paghingi ng despensa sa kaniya.
Humakbang ako papalapit sa kaniya at agarang hinawakan ang kaniyang mukha upang punasan ang dugo gamit ang aking kamay. Sinagkil niya ito at marahas na umiwas sa akin.
"It's okay! Just leave me alone," malamig niyang tugon sa akin. Kunot ang kaniyang noo na tila ba galit ngunit bakit batid kong napakalungkot ng kaniyang mga mata?
He already said he's okay, pero bakit pakiramdam ko hindi siya okay?
Anong ginagawa niyang mag-isa dito sa rooftop?
Hindi ko alam sa aking sarili kung bakit ng mga oras na iyon ay ayoko siyang iwan. Pikit mata akong nagpakumbabang muli sakaniyang harapan. Alam ko naman kasing ako ang may kasalanan.
"Sorry talaga! Sorry! Akala ko ikaw ang kapatid ko," mabilis kong pagdadahilan.
"I already said it's okay, So please leave," sambit niyang muli.
"Pero..." mapilit ako. Hindi ko siya magawang iwanan.
"Tss!" aniya. Napaismid siya at pumait ang itsura. "Fine! You stay here, I'll leave," pinulot niya ang kaniyang bag sa may sahig at saka humakbang paalis.
***
'Yun lang naman ang nangyari ng hapong iyon ngunit mula noon ay hindi na siya mawala-wala pa sa aking isapan. Lalo na kapag naaalala ko ang mga mata niyang nagkukunwaring matapang ngunit may lungkot.
"Ah!" may ideyang pumasok sa aking isipan. Mabilis kong hinanap ang pangalan niya sa FB. Swerte at may ilan kaming mga mutual friends kaya't agad ko siyang nakita.
Lilinawin ko lang, hindi ko siya ini-stalk dahil gusto ko siya. Tinutupad ko lang ang kasabihang "The Enemy of my Enemy is my Friend." Tama! Tama 'yun!
Zayn Ackerman Montecillo. (Zack)
"Tss! May Ackerman pa pala ang pangalan niya, sosyal huh!" Bulong ko sa aking sarili habang ini-stalk siya.
Tinignan ko ang profile pic niya. He is simply wearing an org shirt, may nakasulat na 'Director' sa kaniyang dibdib. May hawak din siya noong DSLR camera habang nakangiti at nakakindat.
BINABASA MO ANG
I Love You, kuya
Teen FictionApollo and Artemis has a cat and dog siblings' relationship or more she says... "CAT and MOUSE." Being with her brother for almost 18 years of her life seems like an endless torture that sometimes she thougth of killing him or wished to have anothe...