Episode 23: November 10, 2020

28 2 0
                                    

ARTEMIS

Sinamahan ko si ate Elli hanggang sa department niya since bago pa lang siya dito sa NEU at baka maligaw siya. Medyo malaki-laki din kasi ang buong campus.

"Doon na lang tayo dumaan," turo ko sa kaniya sa may gilid ng secret garden papunta ng third floor. Sa totoo niyan ay mas madaling dumaan sa main hall kaya lang... natatakot akong dalhin siya roon at baka magkatagpo ang mga landas nila ni Apollo. Pilit ko silang ipinaglalayo hangga't maaari. Hindi naman iyon pansin ni ate Elli dahil busy siya pagkamangha sa aming school facilities.

"Secret garden ang tawag dito?" nakangiting tanong niya sa akin. Napaturo siya sa malawak ng parke na maraming puno at may gazebo pa, tambayan ng mga estudyante.

Napangiwi ako. "Secret garden na hindi na SECRET," sagot ko naman. Natawa siya. Sh*t! Ang ganda niyang tumawa. Kahit ako atang babae ay mai-inlove sa kaniya kung nagpatuloy siyang ganito sa akin.

"Sa tingin ko... ang nararamdaman ko para sa kuya mo ay mananatiling sikreto na lang habang buhay," saad niya habang mabagal na lumalakad sa hallway. Napatikom ako bigla ng bibig.

Oo nga pala! Sinabi ko kay Apollo ang sikreto niyang pag-ibig para sa kaniya. Ngayon pa lang... pinagsisisihan ko na 'yon. Kung sanang nanatili lang sikreto ang sikretong iyon... marahil... hindi maghihintay ng apat na taon si kuya sa pagbabalik niya.

Nagpatuloy kami sa paglalakad papunta sa classroom niya. Foreign service ang kinuha niyang kurso, it's not about being a flight attendant or any airline course. Karamihan sa mga estudyante rito ay nagiging mga diplomat at Ambassador ng isang bansa. Mga foreign affairs ang hinahawakan nila.

Nang malapit na kami sa room niya... isang pamilyar na boses ang narinig kong papaakyat ng hagdan.

"Bilisan mo kasi! Baka hindi natin siya maabutan!"

"Ano ba! Wag mo nga akong hilain!" sigaw ng mga ito. Boses iyon ni Dean at kuya Apollo. Keaga-aga ay nagtatakbuhan na sila sa school. "Sino ba kasi ang tinutukoy mo?" singhal ni Apollo sa kaniya.

"Sino pa ba, edi si bebe ghurl," saad nito. Mukhang ako ang tinutukoy niya. "Nakita ko siya kaninang umakyat pa-third floor." dugtong pa nito. Nak ng tupa naman oh! Inilalayo ko nga itong dalawa sa isa't-isa tapos... haish!

"Ate Elli, ililibot muna kita sa annex building!" natatarantang saad ko. Hinawakan ko ang kamay niya at kinaladkad siya papunta sa emergency exit.

"S-sandali..." pigil niya sa akin. Mukhang hindi siya sanay sa mga takbuhang ganito. "Emi..." hinihingal niyang tawag sa akin ngunit hindi ako nagpapigil. Kung kaya ko lang siyang buhatin palayo, gagawin ko. Basta wag lang silang magkitang dalawa.

Nasa huling palapag na kami. Kaunti na lang. Mayamaya pa... nakita ko si Apollo na mabilis na lumalakad palayo kay Dean.

Sh*t! Bakit nandito sila? Kanina lang paakyat sila ng third floor ah? Aish!

"Tigilan mo kong gag* ka! Malilintikan ka talaga sa akin!" saad ni Apollo habang nakabuntot ang isa sa kaniya. Wag kang lilingon! Wag kang lilingon dito sa hagdan. Unti-unti siyang napalingon sa akin at nagtama ang aming mga mata. Sa sobrang pagkabigla ko ay natapilok ako sa huling hakbang.

"Waaaaaah!" sigaw ko. Alam kong masusubsob ako sa sahig ngunit naroroon si Apollo na mabilis akong sinalo.

Mabilis akong napayakap sa kaniya at ganoon din siya sa akin. Kitang-kita ko ang gulat na gulat niyang itsura. Takot na takot siyang makitang mamuntikan ako. Ramdam ko ang kaba niya dahil malapit ako sa dibdib niya. Dinig na dinig ko ang mabilis na tibok ng kaniyang puso. His eyes wavered when he checked on me. Wala akong nakuhang kahit na anong salita buhat sa kaniya. He is still in state of shocked.

I Love You, kuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon