APOLLO
"Woah! Si Batman ba iyon pre?" Tanong ni Shin. Palabas sana kami ng barkada papunta ng St. Joseph para bumili ng ilang mga kailangan namin. Nakasalubong namin ang makintab na sports car. Natigilan kami sa sobrang ganda. Sa aming mga lalaki, wala kaming masyadong gusto sa buhay, wala kaming maraming kolorete sa katawan tulad ng mga babae, what we really want is really damn expensive. 3D video games, wrist watch and of course, a CAR.
"At sino namang mayabang na 'to?" saad naman ni Dean sa aking gilid. Hindi ko na kailangang magsalita sapagkat sinabi na niya ang nasa isip ko. He's using that car took all the people's attention.
Napangiwi ako at hinintay na lumabas ang sinomang poncho pilato ang nasa loob noon. Mayamaya pa ay lumabas roon ang pinaka-kinaiinisan kong tao, si Zayn.
"Tang-in*! Si Zayn Bro!" Nanlalaki ang matang singhal ni Dean sa akin. His reaction is really exaggerated. Nainis ako dahil mas lalong nagiging big deal ang isang bagay pag siya ansg nagreact.
"Pre! Nasaan na ang kotse natin?" saad naman ni Shin. Hinila niya ang uniporme ko at pakunwaring kinalkal ang bulsa nito sa dibdib. "Labas mo nga Ferrari natin!" dugtong pa niya. Isa pa 'tong lalaking 'to. Kapag pinagsama silang dalawa, mas nakakagag*!
"Gag*!" itinulak ko palayo sa akin si Shin. "Gusto mo bang ibenta ko kaluluwa ko?" sagot ko na pinanlakihan siya ng mata. Motor nga nanghihiram lang ako sa kanila, saan pa kaya ako kukuha ng lintik na Ferrari.
Inakbayan naman ako ni Dean. "No, baby boy," aniya at hinimas-himas naman ang aking katawan na parang 'yung mga bakla lang sa kanto. "Mas mahal ang katawan kesa sa kaluluwa," Tinitigan niya ako at kumagat sa kaniyang labi. Heto nanaman siya, umiiral ang pagiging manyak. Aaminin kong mahilig akong manood ng porn at gumawa ng mga green jokes, pero malala ang isang 'to. Maihahalintulad ko siya sa isang SHIVA.
Inakbayan din ako ni Shin at binulungan. "Ang kaluluwa, hindi nakikita..." bumuga siya ng mainit na hininga sa aking taenga, para bang inaakit ako. "Ang katawan... nahahawakan," ngumiti siya na parang isang demonyong nanunukso.
"Magkano ang bentahan?" tanong ni Dean kay Shin. Nagtitigan sila na wari bagang nagkakaintindihan sila at balak pa ata akong ibenta. "Kaunting laki pa," sagot nito.
"YAAAH!" sigaw ko at saka sila itinulak ng sabay palayo sa akin. Mga ilang minuto pa ay nagkasalubong na nga kami ni Zayn. Tahimik lang ako noong tinignan siya at ang katabi niyang si Emi. Nang mga oras na iyon, hindi ako nakakibo. Pakiramdam ko, dapat lang sa akin iyon dahil sa ginawa ko sa kaniya. I deserve to bow down in front of her.
"Excuse us," Zayn hold her hands at hinila siya paalis. Ako ang nagdesisyon na lumayo sa kaniya pero ako ang labis na nasasaktan. Wala akong ibang magawa kung hindi ang pagmasdan lamang siya palayo sa akin. Nakatuon lang sa kaniya ang aking mga mata at wala akong ibang nakikita kung hindi siya.
Yuna tried to hold my arms ngunit mabilis ko iyong sinagkil. Sa totoo lang... hinahayaan ko siyang dumikit ng dumikit sa akin para ipakita kay Emi na masaya ako kahit na wala siya, na kaya kong makipaglandian sa ibang babae at baliwalain ang nararamdaman niya ngunit pagkatalikod na pagkatalikod niya sa akin... hindi ko kinakaya ang paglapit ng ibang babae sa akin, agad akong dumidistansya palayo. Hindi ko gustong may humahawak sa akin, sapagkat sa isip-isip ko... si Emi lang ang may karapatang gumawa ng lahat nang iyon! I only want her to touch me, to caress my hair, drag me down the bed and I even want her to slap me... basta't maramdaman ko lang ang paghawak niya sa akin.
"Let's go back to the classroom," malamig kong tugon sa mga kasamahan ko.
"Akala ko ba bibili tayo sa St. Jo?" Nakasimangot na tanong ni Shin. Hindi na ako sumagot pa pagkat wala na ako sa mood. Sira na ang araw ko.
BINABASA MO ANG
I Love You, kuya
Teen FictionApollo and Artemis has a cat and dog siblings' relationship or more she says... "CAT and MOUSE." Being with her brother for almost 18 years of her life seems like an endless torture that sometimes she thougth of killing him or wished to have anothe...