First Real Kiss
***
I saw Apollo and Zayn sitting in the school bench. Magkatabi sila at mukhang magkasundo which is not very realistic.
Unti-unting lumapit si kuya Apollo sa may taenga ni Zayn at may binulong na kung ano. Nanlaki ang mga mata ko at kumabog ng mabilis ang aking dibdib habang sinusundan ko ang galaw ng kaniyang bibig.
"Huwag! Huwag mong sasabihin!" Napatakip ako ng aking dalawang taenga gamit ang aking mga kamay. Napailing-iling ako kasabay ng hindi maipaliwanag na takot. Hindi ito maaari!
Marahang lumingon sa akin ang dalawa. Gulat na gulat ang mukha ni Zayn, hindi siya lubos makapaniwala sa kung anoman ang binulong ni Apollo. Si kuya naman... binigyan lang ako ng isang matipid na ngiti. Ngiting may malasademonyo.
Mayamaya pa, hindi ko na namalayan ang mga sumunod na nangyari. Umiling-iling si Zayn na para bang diring-diri siya sa akin. Tumayo siya at agarang umalis. Naiwan kaming dalawa ni kuya at kinausap ko siya.
"Anong sinabi mo sa kaniya? Anong sinabi mo at iniwan niya ako?" Tinanong ko iyon ngunit sa totoo lang ay may ideya na ako kung ano ang bagay na iyon. Iyun naman kasi ang madalas niyang sabihin sa mga lalaking nagbabalak na ligawan ako o sa mga lalaking gusto ko.
"It's your dirty little secret, my little sister," ngumisi siya at tumalikod paalis kasabay ng isang malakas na pagtawa.
"WAAAAAAAH! HINDIIII!" napabalikwas ako ng tayo sa kama.
Geez! Panaginip lang pala.
Napahawak ako sa aking dibdib dahil napakabilis pa rin ng tibok ng aking puso. Pawis na pawis ako. Grabe! Para talagang totoo ang panaginip kong iyon. Mali! BANGUNGOT pala.
Huminga ako ng malalim at pagkatapos ay tinignan ang orasan sa may side table. Alascuatro pa lang pala.
Muli akong humiga at pinagmasdan ang kisame.
Kalunes-lunesan, ganito ang gigising sa akin. Napakasama!
Ipinatong ko ang aking braso sa ulo at inalala ang masasamang nakaraan kasama si kuya Apollo.
Back on highschool, sa tuwing malalaman niyang may lalaking balak manligaw sa akin, kinakaibigan niya iyon at pagkatapos ay ibubunyag ang aking sikreto.
"Balak mo daw ligawan ang kapatid ko? Alam mo bang..." bubulong siya malapit sa taenga.
"Do you want to know a secret about my sister? She..." Ngingiti siya pagkabulong.
"Kung mahal mo talaga siya, matatanggap mo ang relasyon naming dalawa," That's my brother. Walang ni isa mang lalaki ang natagalan ang sikreto kong iyon.
Magigising na lang ako kinabukasan na nilalayuan na ako ng mga tao sa eskwelahan. Wala akong kamalay-malay na mayroon na palang kumakalat na tsismis tungkol sa akin.
My dirty little secret? It happened when I was just a little kid. Grade one ata ako noon. The truth is... I KISSED MY BROTHER... in lips. But it's not because I like him romantically. I'm just a normal curious kid that time. Curious ako sa mga napapanood ko sa TV.
Diba nga, walang nagbabantay sa aming dalawang magkapatid dahil nasa trabaho si Dad? Hinahanap ko 'yung channel ni Dora the explorer hanggang sa makita ko 'yung naghahalikan sa drama. 'Yun ang unang beses kong makakita ng ganoon kaya naging curious ako kung bakit nila iyon ginagawa.
Dumating si kuya at naupo sa tabi ko. Tinanong ko naman siya kung anong ginagawa ng dalawa, sinagot naman niya ako.
"Kuya, bakit nagkakainan sila ng bibig?" inosenteng tanong ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/243923384-288-k569914.jpg)
BINABASA MO ANG
I Love You, kuya
Genç KurguApollo and Artemis has a cat and dog siblings' relationship or more she says... "CAT and MOUSE." Being with her brother for almost 18 years of her life seems like an endless torture that sometimes she thougth of killing him or wished to have anothe...