Hindi naman ako ipinanganak kahapon lang. Alam ko ang salitang common sense. Buhat nang nangyaring iyon sa amin ni kuya Apollo, napansin ko na ang mabilis niyang pagbabago ng pakikitungo sa akin. Though binabati niya ako at paminsan-minsan ay inaasar, naroroon pa rin ang kaniyang pagdistansya. Hindi ako tanga, alam ko rin naman ang dahilan kung bakit niya iyon ginagawa. Titig pa lang namin sa isa't-isa... alam na namin ang ibig sabihin kaya't doble and sakit na nararamdaman ko kapag ngumingiti siya sa akin.
"I'm just doing what I need to do, so please... don't make it hard for me," iyan ang nais niyang ipabatid sa akin na ginawa ko naman. Dumistansya ako sa kaniya. Ilang linggo na rin kaming hindi gaanong nagkakaroon ng interaksyon sa isa't-isa. Pinagmamasdan ko lamang siya mula sa malayo. Lalo na sa tuwing lalabas siya ng main building kung saan sasalubungin siya ng mga babaeng nagkakandarapa sa kaniya.
Sa tingin ko'y wala namang masyadong pinagbago ang mga tao sa paligid, ganoon pa rin... sikat siya at pinagkakaguluhan, ngunit... isang bagay lamang ang naiiba ngayon. Iyon ay ang pagtingin ko kay kuya Apollo.
"I LOVE YOU SO SO SO MUCH APOLLO MY LOVE!" sigaw ni Sab na nasa tabi ko. Nasa 4th floor kami noon at nakadungaw mula sa annex building. Mabuti na lang at wala siyang dalang panty ngayon.
Sa loob ng ilang linggong nakalipas, tulad ng ibang mga babae... wala akong magawa kung hindi ang pagmasdan lamang siya sa malayo. Tikom ang bibig ko noon at nakatuon ang aking paningin sa kaniya habang nginingitian niya at kinikindatan ang mga babae sa paligid.
Hindi naman ako nagseselos sakanilang lahat. Kaya lamang ay may isang babaeng nagpapainit talaga ng dugo ko sa tuwing nakikita ko siyang malapit kay kuya. I never hated any girl so much like this, before, ngayon lang talaga.
"Kuya Shin!" Nakangiting tawag ng babaeng nakaputi. Napatingin ang lahat sa kaniya. She gave herself a grand entrance. That's her! The girl I hated so much.
"Oh! Yuna," nagtatakang tawag ni Shin sa kaniyang kapatid. Nakalapit na ito sa kanila na hinihingal pa sa sobrang pagmamadali.
"Nagkulang kasi ang allowance na binigay sa akin ni Mommy. Ang dami kasi naming pinaxerox sa labas," paliwanag nito. "Can I barrow some money? Please? Gutom na kasi ako eh, " dugtong pa niya with matching pout pa. Nagpapacute ba siya? Kasi kung oo... nakakainit talaga siya ng ulo.
"Kakain na rin naman kami, sabay ka na sa amin," suhestiyon naman ni kuya Apollo. Ngiti siya ng ngiti sa kaniya kaya naman 'yung babae, kung maka-asa eh wagas.
"Tsk! Kainis!" napasipa si Sab sa may tabi ko. Halatang iritadong-iritado rin siya sa Yuna na iyon dahil pinapaboran siya ni Apollo. Well... Sabrina becomes my mirror.
"Did you already heard about the rumor?" tanong ni Queen nang mapasandal sa may corridor. Mabuti pa siya, wala siyang masyadong pino-problema sa Zayn's fans club.
"What rumor?" tanong ko.
"That your Apollo is already dating that girl," ngumuso siya kay Yuna. Nanlaki ang mga mata naming pareho ni Sab.
"WHAT?" sabay naming bulalas.
"Aish! Sigurado ka bang kapatid mo siya?" Duro niya sa akin. "Sure ka rin bang fans ka niya?" duro naman niya kay Sab. "Bakit wala kayong mga alam?" tanong niya.
"Sa lahat ng pwedeng i-date, bakit 'yung bruhildang iyon pa? Eh mukha pa lang niya, plastik na!" singhal ni Sab. Tumango-tango ako bilang pagsang-ayon.
"Tama! Tama!" saad ko. Kung ako ang tatanungin at papipiliin... kung hindi man kami ang para sa isa't-isa, Sa iisang babae ko lang siya ipapaubaya. And that's ate Elisa.
"Look at this," Ipinakita sa amin ni Queen and facebook timeline ni kuya Apollo. Active siya sa facebook kaya naman napakarami niyang post roon at karamihan sa mga ito ay kasama niya ang basketball team and... that girl again, Yuna. Magkatabi sila parati at nakangiti na animo'y wala ng bukas.
BINABASA MO ANG
I Love You, kuya
Teen FictionApollo and Artemis has a cat and dog siblings' relationship or more she says... "CAT and MOUSE." Being with her brother for almost 18 years of her life seems like an endless torture that sometimes she thougth of killing him or wished to have anothe...