Episode 06: October 16, 2020

37 3 0
                                    

Katawagan ko si Zayn isang gabi. Ang sabi niya sa akin, He never get a chance to have some kind of relationship with a girl. Syempre hindi ako naniwala. Ang dami kayang babae sa paligid niya, ang gagawin na lang niya ay ang pumili ng isa sa kanila.

"No one really knows me," aniya sa mababa at mabagal na pananalita. Bakas ang lungkot sa tono niya. The way he said it, I didn't understand why. He's a university celebrity, that's why everyone knew him. Marami siyang stalker and paparazzi which sometimes invaded his privacy. He knew for sure that he is already a public figure. So why?

"They know my name, my family background, my hobby, my style and my physiques. They love me only because of what they see and hear. They are exaggerating those things  about me in order to satisfy their own fantasy. For girls, I'm just a signature bag." Paliwanag niya. Naramdaman ko at nauunawaan ko na ang gusto niyang sabihin. Napasimangot din tuloy ako sapagkat aaminin kong... noong una ay ganoon din ang nasa isip ko.

Lahat ng babae, gusto ng magagandang bagay. They want the best for them self to look more fashionable than others. Girls are competitive and they just want to have Zayn as their trophy. At alam kong... ganoon din sila kay kuya Apollo.

Kung iisipin ko nga ring mabuti, hindi rin naman natutuwa si kuya na hagisan ng panty. Naaasiwa din naman siya but he's to open and casual naman kasi kaya gano'n ka-wild ang mga babae sa kaniya, not like Zayn. Girls around him is more disciplined because he is too intimidating.

"I want you to know me better," saad niya na natahimik ako. Bumibilis ang tibok ng puso ko. Ayokong tanungin kung ano ang ibig niyang sabihin roon dahil parang alam ko na ang ibig niyang sabihin but at the same time... natatakot akong umasa at baka maling akala lang pala. Hindi na lang ako sumagot.

"Are you not going to ask me why?" tanong niya. Sa tingin ko ay hinihintay niyang tanunin ko siya kung bakit. Pero sabi ko nga... natatakot akong umasa.

"I don't want you to be my sister, but I want to have you," oh sh*t! Napakagat ako sa aking ibabang labi at napapikit sa sobrang pagpipigil ng kilig. Mabilis kong itinabon sa unan ang phone nang sa ganoon ay makasigaw ako.

"Waaaaaah! OH MY GHAD!" sigaw ko at pagkatapos ay kinuhang muli ang phone. Kunwari'y hindi ako masyadong apektado sa sinabi niya.

Nagtaas ako ng kilay at sinagot siya. "What do you mean?" matapang kong tanong. Alam ko na! Alam ko naman na ang sagot sa tanong ko but I still want to hear his thoughts. Gusto ko pang makarinig ng mga nakakakilig na salita galing sa kaniya.

Bahagya kong narinig ang pagtawa niya sa kabilang linya. "Teka! Bakit ka tumatawa? Tinatawanan mo ba ako?" Tanong ko. Nabalot ako bigla ng takot na baka prank lang niya ito. Nakakahiya kung gano'n.

"No. I know what you are thinking and It's funny that I also want to clarify what I mean," aniya na siyang nagpawala ng ngiti ko. Anong ibig niyang sabihin? To clarify?

Amph... wait lang! Wait lang huh! Alam na niya ang iniisip ko pero gusto niya pa ring iclarify? Huwag mong sabihing... GHAD! Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Baka mali talaga ang iniisip ko?

"Can you be my girlf---"

"YES!" mabilis akong napatikom ng bibig pagkatapos ng pagsagot ko.

Gagad lang girl? Gagad? Ni hindi mo man lang pinatapos ang tanong niya. Kahiya ka!

I heard some little laughters from Zayn. We know that we are both enjoying this company. We're compatible and  we like each other. Something like... there's some string attached on us.

Nagkwentuhan pa kaming dalawa ni Zayn ng buong gabi. Kinalampag na nga ni kuya ang pintuan ko dahil naririnig pa niya akong tumatawa. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa pakikipag-usap.

I Love You, kuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon