Episode 07: October 17, 2020

37 3 0
                                    

Everyone is watching. Napaka-tense ng tagpong iyon, nasa gitna ako ng dalawang pinakasikat na lalaki sa buong university. It's like I was torn between two lover, ang pinagkaiba nga lang... one of them is my brother. There's no doubt that Zayn is my only lover.

Zayn is not weak, kahit kilala siya sa pagiging tahimik at kalmado ay alam pa rin naman niyang magpakalalaki. Hinampas niya ang kamay ni kuya kasabay ng nanlilisik niyang mga mata. Walang pasubali niyang hinawakan ang aking kamay at hinala ako palayo roon.

Nakita ko ang pagkabigla sa mga mata ni kuya at maging ng lahat ng mga taong nanonood. Ako naman itong feeling maganda, inipit ang labi sa labis na pagpipigil ng kilig. This is perfect if only there's a background music. Can someone play it for me?

Background Music: Runaway by Bruno Mars

Just take my hand,

Fall in love with me again.

Let's runaway to the place

Where love first found us

Habang tumatakbo ako kasama ni Zayn, nagawa ko pang lumingon upang tignan si kuya. I'm smiling like as if I already found my freedom. Holding Zayn's hands and looking back at my brother is happiness for me. Ito rin siguro ang naramdaman ng mga Pilipinong sundalo nang tuluyan na nilang makamit ang kanilang kalayaan sa mga mananakop na kano.

Let's runaway for the day,

don't need anyone around us.

Dinala ako ni Zayn sa Rooftop. Hinarap niya ako roon na pareho kaming habol hininga.

I think I should confess it right now. Ayoko ng maraming misunderstanding sa aming dalawa.

"Ang totoo niyan..." panimula ko. Napayuko ako at hinawakan ang sariling mga kamay. Ramdam kong kinakabahan din siya sa kung anoman ang ipagtatapat ko. Pero hindi na niya kailangang mainsecure pa ng dahil lang kay Apollo.

"I don't like him and I won't ever like him romantically," saad ko. Nagtaas ako ng aking paningin. We looked ourselves in the mirror of each others eyes.

"Because he's my BROTHER," binitawan ko na ang pinakatatago kong sikreto. Mabilis akong napapikit sapagkat natatakot ako sa kung anomang maaaring maging reaksyon niya. I am his enemy's younger sister, of course mas-shocked siya at iisipin niyang ginamit ko lang siya for my brother's dark plan.

I thought he will hate me but It didn't happened. Napamulat ako ng aking mga mata at nakita ko siyang nakangiti. Hindi ko alam kung bakit ngunit parang masaya pa siyang malaman na kapatid ko si Apollo.

"You're his sister?" tanong niya na hindi makapaniwala.

"Yeah! I'm... I am!" sagot ko.

"Then It's also you!" aniya na mas lalong napangiti at parang maluluha pa sa saya. Ano bang nangyayari sa kaniya?

"Me?" tanong ko out of curiosity. Napaturo pa ako sa aking sarili.

"You're that girl! My first crush!" aniya at saka humakbang papalapit sa akin. Niyakap niya ako ng mahigpit na mahigpit. Isinubsob niya ang kaniyang mukha sa aking leeg at hindi niya ako pinakawalan sa kaniyang pagkakahagkan.

First crush? The girl he was talking about... Don't tell me, it's ME? But... i don't remember anything.

Pagkabitaw niya sa akin ay tinitigan niya ako ng sobrang tagal. Para bang minememorize ang bawat parte ng aking mukha. Ngunit bahagya siyang napasimangot dahil sa naging reaksyon ko. Nahinuha niyang hindi ko maalala ang mga sinasabi niyang iniligtas ko siya kay kuya noon.

I Love You, kuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon