PROLOGUE

97 3 8
                                    

PROLOGUE

"Uy! Bilisan ninyo! Nagsusuntukan sa may Gym sina Apollo at Zayn!" Sigaw ng isang baklang halos pumiyok pa.

Nasa fourth floor ng Annex building ng unibersidad ang magkakaibigang Artemis, Sabrina at Quencess. Tahimik silang nakaupo sa may lobby nito nang magkagulo ang mga estudyante.

Paanong hindi magkakagulo kung gayo'ng dalawa sa pinaka-sikat na mga estudyante sa buong Campus ang nabalitaang nagsusuntukan?

Si Apollo Torealva, isang 3rd year electrical Engineering student, ang sikat na three point shooter ng baskeball team at si Zayn Montecillo na isang 3rd year mass com na siya namang sikat na member ng NEU dance troope.

"Si Apollo my love?" Agad na natigil sa pag-aaral ng kaniyang lektura si Sabrina, isa sa mga di magkaugagang member ng Apollo Fans club.

"OH MY GHIE!" Napatakip naman ng kaniyang bibig sa gulat si Quencess. Isa naman sa mga admin ng Zayn's Fans club.

Magkapatid ang dalawa at magkasundo sila sa lahat ng bagay maliban lamang sa isa. Ang kanilang nararamdaman para sa dalawang binatang ang turingan ay mortal na magkalaban.

Sa tuwing magkakaroon ng away ang dalawang fans club ay nag-aaway rin ang magkapatid. Mabuti na lamang at  naroroon ang kanilang kaibigan na si Artemis upang pumagitna sa kanila.

Muling nagtitigan nang nanlilisik na mga mata sina Sabrina at Quencess. Tila ba pasan-pasan nila sa kanilang balikat ang galit  ng buong fans club.

"Bilisan ninyo! Dali!" Sigaw  ng bakla sa may pintuan ng isang classroom. Agad namang nagsitakbuhan palabas ang mga babae nitong kaklase upang sumugod sa Gym.

Ramdam ni Artemis ang kabog ng mga paa ng mga nagsisimadaling estudyante pababa at papunta sa kabilang building upang makiusisa sa kung anomang nangyayari roon ngunit sa loob-loob niya ay sawang-sawa na siya sa mga ganitong pangyayari. Lagi na lamang kasing bukang bibig ng lahat ang dalawang binata na walang ginawa kung hindi ang mag-away.

"Kapag may nangyaring masama kay Apollo, ikaw ang mananagot sa akin!" Sigaw ni Sabrina na nakaupo sa kanan ni Artemis.

"Ano bang sinasabi mo? Mahina sa suntukan si Zayn, kaya kapag may nangyaring masama sa kaniya... kakalbuhin kitang pangit ka!" Sigaw naman ni Quencess na nakaupo sa may kaliwa ni Artemis.

Nagpalitan ang dalawa ng mga kung anu-anong masasakit na salita at pang-iinsulto sa kanilang mga iniidolo hanggang sa hindi na mapigilan pa ni Artemis ang mga naririnig. Rinding-rindi na siya sa dalawang kaibigan at maging sa lahat ng mga estudyanteng nakikisawsaw sa gulo.

"Kyaaaaaaaah!" Sigaw ni Artemis. Napatayo na siya sa kaniyang kinauupuan habang tikom ang kamao at gigil na gigil ang panga. Natahamik tuloy ang dalawang magkapatid.

"Hindi ko na kaya ito, lagot talaga sa akin ang dalawang 'yon!" Bulong ni Artemis sa kaniyang sarili at saka siya matapang na humakbang papunta sa kinaroroonan ng rambulan.

Napakaraming estudyanteng nagkukumpulan sa Gym. Isinisigaw ng mga ito ang pangalan ng kanilang sinusuportahang binata. Hindi tuloy alam ni Artemis kung ano nga bang mali sa mga taong ito at bakit tuwang-tuwa pa silang nakikita na nagbabasagan ng ulo ang mga tao.

"Excuse me po, excuse me," sumingit-singit siya sa mga ito hanggang sa makita niya sa gitna ng basketball court ang dalawang binata. Nakahiga si Zayn at nakapatong naman sa kaniya si Apollo. Kapwa may sugat ang mga mukha at labi dahil sa natamong suntok sa isa't-isa.

"Buwisit!" Mahinang bulong ni Artemis sa sarili. Mabuti na lamang at mabilis siyang mag-isip, agad niyang hinila ang blueprint case ng isang estudyante roon at patakbong tinungo si Apollo. Buong lakas niyang hinampas ang ulo nito dahilan ng pagbagsak nito at pagkawalan ng malay.

Sa pagpasok na iyon ni Artemis sa eksena ay natahimik ang lahat. Nanlaki ang mga mata nila maging si Zayn.

"Ayos ka lang?" Kunot noo at alalang-alalang tanong ni Artemis kay Zayn. Hinawakan pa niya ito sa braso at tinulungang makaupo.

"At sino kang babae ka para hampasin si Apollo? Gusto mong mamatay!?" Sigawan ng mga babae sa paligid nila. Galit na galit ang mga ito na kulang na lang ay lumabas na ang mga mata at bumuga ng apoy.

"Walang hiya ka! Bitawan mo si Zayn! Sino ka para pumagitna sa kanilang dalawa!?" Sigaw naman ng kabilang panig.

"Wala kang karapatang saktan si Apollo!"

"Wala kang karapatang ipagtanggol si Zayn!"

May karapatan nga ba siya na pumagitna sa dalawang binata? Hindi nagpatinag sa mga ito si Artemis. Tumayo siya nang matikas at puno ng tapang na sinagot ang lahat.

"Huwag," mahinang pakiusap ni Zayn sa kaniya. Hinawakan niya ang kamay ni Artemis upang pigilan ito ngunit buo na ang desisyon niya.

"May karapatan ako!" Sigaw ni Artemis.

"May karapatan akong pumagitna sa kanila dahil KAPATID KO SILANG DALAWA!" Patuloy niya na siyang muling nagpatahimik sa lahat.

Napakagat sa labi si Zayn at napayuko na lamang. Naisiwalat na nito ang pinakatatago nilang sikreto sa lahat.

"Ano bang sinasabi mo?" Pagtatakang tanong ng nakararami. Nagbulung-bulungan pa ang mga ito sa kanilang harapan.

Paano nga naman iyong mangyayari kung malinaw na magkaiba ang pamilya Torealva at pamilya Montecillo?

Kahit ano pa man ang sabihin ng lahat... hindi maitatago ang katotohanang si Apollo, Artemis at Zayn ay tunay na MAGKAKAPATID.

I Love You, kuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon