Episode 10: October 22, 2020

30 2 0
                                    

Naiilang akong sumubo ng pagkain sa hapag-kainan. Nagdesisyon na akong umuwi sa tahanan ng tunay kong pamilya, sa mga Montecillo. Napakalaki ng kanilang tahanan, napakamoderno at mapaghahalataang may kaya sila sa buhay. Pero hindi ako sanay sa ganitong uri ng pamumuhay na parang fiesta ang dami ng pagkain sa lamesa.

"Kumain ka lang ng kumain," nakangiting saad ng matanda. Nahiya naman akong tumanggi kaya sumubo ako ng kaunti. Limitado ang kilos ko kahit na gusto kong kumain ng kumain ng steak dahil bawat subo ko ay titig na titig ang matanda. Parang buong maghapon ay gusto niya akong panuorin. Marahil ay gusto lang niyang bawiin ang ilang taon na pagkakawalay ko sa kaniya, pero kahit na... hindi pa rin siya iba sa isang estranghero para sa akin, hindi ko pa rin ramdam na kapamilya ko siya.

Pinilit kong ngumiti at humigop ng sabaw.

"Ito, tikman mo ito. Masarap ang isang ito, ako ang nagluto," saad ni Mr. Montecillo ng iabot niya sa aking plato ang ilang pirasong hipon. Napasimangot ako dahil roon. Pinatunayan lang nito na kahit na magkadugo kami ay hindi niya ako lubos na kilala. Mabilis kong tinanggal sa aking plato ang hipon, inilagay ko ito sa isang maliit na platito. Napatingin sa akin na puno ng lungkot at pagtataka si Mr. Montecillo at Zayn. Hindi naman sa ayokong tanggapin ang mga ibinibigay nila, sadyang hindi lang talaga ako kumakain nito.

"May allergy ako sa hipon," saad ko at matipid na ngumiti.

"Ah... g-gano'n ba?" Napayuko na lamang si Mr. Montecillo. Batid ko ang nararamdaman niya. He's trying to know me better but here I am... I still don't know how to cope up yet.

"Let's just eat," saad ni Zayn at tahimik kaming kumain na paminsan-minsan ay may kaunting pag-uusap nang masinsinan.

"Uuwi daw sina uncle Erick dito sa Pinas?" tanong ni Zayn sa kaniyang ama. Hindi ko kilala ang tinutukoy nilang uncle Erick kaya naman nanahimik lang ako.

"Yeah! But this time, they will stay here for good," sagot naman ni Mr. Montecillo. Masyado silang pormal sa pakikipag-usap sa isa't-isa, Hindi katulad sa bahay kasama si kuya Apollo... nakakapanibago.

Pagkatapos kumain ay sabay-sabay na kaming tumayo na tatlo. Balak ko nang akuin ang paghuhugas ng plato kaya naman akma ko nang liligpitin ang mga pinagkainan namin ng biglang hawakan ni Zayn ang aking braso. Napatingin sa aming dalawa si Mr. Montecillo. Kinabahan ako.

"Ako na," Ani Zayn.

"Huh?"

"I won't let my younger sister wash the dishes. Let me do it," aniya at agad akong binitiwan. Imbis na matuwa ako... nasaktan ako. I saw Mr. Montecillo feel relieved. Masaya siyang makitang nagkakasundo kaming dalawa ni Zayn. But for me... this is far more like a torture. Mas gugustuhin ko pang lagi akong dinadaya ni kuya Apollo sa paghuhugas ng plato kesa ang akuin ni Zayn ang gawaing iyon.

"You go to your room, ang kuya Zayn mo na ang bahala diyan," saad ni Mr. Montecillo. Napaismid ako sa narinig ko mula sa kaniya. Bahagya kasi akong natawa sa pagkakasabi niya ng 'kuya Zayn.'

Hindi na ako sumagot pa, umakyat na ako sa 2nd floor at doon ko hinintay si Zayn. Magkatabi lang ang aming kwarto, kaya mabilis ko siyang mahaharangan. Makalipas ang ilang minuto, pagkatapos niyang maghugas ay umakyat na rin siya.

"Zayn!" tawag ko ng magkasalubong kami sa may corridor. Gusto ko siyang makausap noon tungkol sa aming dalawa. Sa tingin ko kasi ay hindi ko talaga kaya. Mamamatay ako sa sobrang sakit.

Hindi niya ako pinansin. Malamig niya akong nilagpasan at dumaretso sa kaniyang kwarto. Hindi naman ako nagpatinag, pinigilan ko siya sa pamamagitan ng paghawak nang mahigpit sa kaniyang kamay. Nakita ko noon ang itsura niyang nagpipigil din ng pagmamahal. Pareho kaming nahihirapan.

I Love You, kuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon