Episode 25: March 31, 2021

64 5 3
                                    

A/N: Pasensya na kung ngayon lang ako nakapag-update. Konting pasensya po dahil marami po akong ginagawang paper works. ;) So by the way... here it is. I wander.... may nagbabasa ba nito or ako lang ang paulit-ulit na nagbabasa nito? Well it doesn't matter, I'll just keep doing what I want. And that's writing with my heart's content. ;)

***

ARTEMIS

Naiwan kaming dalawa ni Ezra sa may daan. Sabay-sabay na umuwi ang bagong magkakaibigan na sina Meng at 'yung magkapatid. Si Zayn naman, nagpaalam na ihatid si Scarlet. Medyo madilim na nang mga oras na iyon at naglalakad kaming dalawa papunta sa may pinakamalapit na bus station.

"You can know talk to me personally," nakangiti akong nilingon ni Ezra nang sabihin iyon. He wanted me to open up to him. Sa tingin ko ay natunugan at napansin niyang wala ako sa aking sarili nitong buong araw. Natuwa naman ako sa iniciative niya. Kaso lang... hindi ko alam kung saan sisimulan.

"You can start to how it happened?" Nagkibit balikat siya. "Tell me how YOU and APOLLO became strangers," aniya. Nanlaki ang mga mata ko sa naturan niya.

"P-paano mong..." Paano niyang nalaman? Psychic ba talaga siya?

Natawa si Ezra sa naging reaksyon ko. "Hindi mo lang napapansin, I'm always staring at you. Maging nung nasa cafeteria tayo. I always caught you glancing at him," mahinahong paliwanag niya. Minsan... napapatanong na lang ako sa aking sarili, anong uring tao ba talaga siya? He's not my brother, not my cousin or some close relatives but he knew more than I knew myself. It is as if... he is some piece of my mind.

"With this kind of facial reaction," aniya pa na ginaya ang mukha ko sa tuwing nakatingin kay Apollo. Natawa ako sa kaniya at nahampas ko siya.

"So... tell me, malamay mo... matulungan kita na gumaan ang pakiramdam," aniya.

Habang nakatangin sa kaniyang mga mata, I felt like a bad girl. "I don't think so." maigting kong sagot. But Ezra still manage to soften my heart, just like before... He's so hypnotizing.

"Why?"

"K-kapag sinabi ko ang lahat sayo, pakiramdam ko... I'm taking you for granted," I said because atleast he deserve my honest answer.

"What's wrong with that? I'm free and just take me for granted." He's smiling like an angel... or maybe some idiot who doesn't know how he affects a girls heart.

Hindi na ako nakapag-isip ng maayos, I just grab that oppurtunity. Habang naglalakad kaming dalawa ay ikinuwento ko sa kaniya ang buong detalye tungkol sa aming family affair.

"Nakakahiya man pero... 'yun ang totoo. Nung bata ako... I stole a kiss from Apollo whom I  thought MY REAL BROTHER. Then... In college, It's normal to kissed my boyfriend Zayn, right? but SUDDENLY my boyfriend became my REAL BROTHER. Nakakaloka hindi ba?" Kunot noong reklamo ko sa kaniya. Naging madaldal ako ng mga oras na iyon. Nailabas ko ang lahat ng sama ng loob ko at maging ang totoong nararamdaman ko. Masyado akong komportable kay Ezra dahil alam kong kaibigan ko siya.

"Then you fell in love with Apollo," seryoso akong tinitigan ni Ezra sa aking mga mata. Natahimik ako dahil mukhang alam na niya ang susunod na kwento. Siguro naman... alam din niya ang tungkol kay Apollo at sa kapatid niyang si ate Elli 'di ba?

"Hmmm..." Napahawak siya sa kaniyang baba. "Kumplikado nga," tumango-tango siya while picturing the whole situation. Wala naman siyang naibigay na solusyon ngunit ang pagsasabi sa kaniya ng mga bagay na pinoproblema ko ay nakakagaan sa pakiramdam. Tulad ng dati. He doesn't need to do anything, he just there to listen.

"Andiyan na ang bus," aniya. Hinawakan niya ang aking kamay at hinila paakyat ng bus. Magkatabi kami sa may dulo.

"Sa mata ng mga tao, magkapatid kayo ni Apollo. Hindi mo rin naman maitatangging kapatid mo rin si Zayn dahil sa dugong nananalaytay sa inyo. They are both your BROTHERS, so it's really complicated. May isang solusyon lang akong nalalaman," nakangiting saad niya.

I Love You, kuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon