"Ano bang nangyayari sa'yo? Para kang bulateng sinabuyan ng asin diyan!" kunot noong singhal ni Sab sa akin. Nasa cafeteria kami ngayon ng main building. Dito kami kumain ngayon.
"Ehem! Ehem!" pakunwaring ubo ko at saka umayos ng upo. 'Yung sinabi niya kaninang para akong bulateng sinabuyan ng asin, iyon ay dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan ang halik ni Zayn. Every time na maaalala ko iyon, kinikilig ako.
"Ano bang problema mo? Dati-rati ayaw mong kumakain dito sa main building kasi sabi mo malayo, tapos ngayon... ikaw na itong nagyayaya," saad ni Queen.
"Oo nga no? Bakit hindi ko 'yun napansin?" tanong naman ni Sab. Wala ka namang ibang napapansin kung hindi si Apollo.
"Huwag mong sabihing may gusto kang makita dito sa main?" Nakangiting pang-aasar ni Queen. What the! Alam na kaya niya? Hindi! Imposible! Imposible 'yun. Kapag nalaman niyang hinalikan ako ni Zayn, for sure masisira ang aming friendship. Napakagat ako sa aking labi at nag-isip ng maidadahilan.
"Tama ka!" Nakangiti kong sagot. Tumawa ako at tinapik ang kaniyang kamay. Nagulat naman ang dalawa.
"Weh? Di nga?" Sabay pa silang nanlaki ang mga mata.
"Hindi ko nasabi sa inyo pero may boyfriend na ako," pagsisinungaling ko.
"Anong department siya? Pakilala mo naman kami oh!" Masayang saad ni Sab.
Anong department? Napakagat akong muli sa aking labi. Bakit ba ang dami nilang tanong? Anong sasabihin ko? Dapat ilayo ko ang pag-iisip nilang si Zayn iyon. Hindi ko pwedeng sabihin ang Mass communication.
"Ah... Engineering," mabilis kong sagot. Hindi na ako nakapag-isip pa ng ibang department. Mas lalo tuloy nagulat ang dalawa.
"Engineering?" ani Queen.
"Wow! Ibig sabihin, magka-department sila ni Apollo my Love!" Abot tengang ngiti ni Sab.
Hindi ko alam kung hanggang saan aabot ang kasinungalingan kong ito pero bahala na. Magtatanong pa sana si Queen nang biglang pumasok ng cafeteria ang starting players ng basketball team. Nagsigawan tuloy ang ilan sa mga kababaihang naroroon.
Napatingin kaming tatlong magkakaibigan. Their entrance is always grand and exaggerated. Pagbukas ng pinto ay bumungad sa amin ang nakapamulsang si Apollo. He's wearing a Fila white hoodie, blue jagger pants and a Fila white rubber shoes. Ganoon din ang pormahan ng mga kasamahan niya, ang pinagkaiba nga lang... Apollo is an official NEU model. Kasama sa kontrata niya sa eskwelahan ang pagiging model ng Fila sports' wear. Isa siya sa mga estudyanteng ayos lang kahit na hindi mag-suot ng school uniform.
"Kyaaaaah! Ang gwapo talaga ng Apollo ko!" Kinalampag ni Sab ng ilang beses ang table namin sa sobrang kilig.
Nginitian naman ni Apollo ang lahat ng girls at may pawave-wave pa itong nalalaman. Nang makapila na siya sa may Food station, kasunod na dumating si Zayn.
Nagtilian muli ang mga babae ngunit kung ihahambing sa entrada ni kuya... mas simple lang ang kaniya. Para lang siyang isang normal na estudyante na nagpunta roon upang kumain at hindi para magpasikat.
Tulad ng ibang mga babae, hindi ko rin maiwasang hindi kiligin. Lalo na noong pagpasok niya'y agad nagtama ang aming mga paningin. Tinitigan niya ako na para bang nagsasabing, sa dami ng mga babaeng nakapaligid sa kaniya'y ako lang ang nakikita niya.
Syempre! Pasimple lang ang kilig ko kapag nakatingin siya. Ibinalik ko ang tingin sa may pagkain at nagkunwaring walang paki-alam.
"Is that Scarlet Rowayve?" Ani Queen na nakatingin pa rin kay Zayn.
![](https://img.wattpad.com/cover/243923384-288-k569914.jpg)
BINABASA MO ANG
I Love You, kuya
JugendliteraturApollo and Artemis has a cat and dog siblings' relationship or more she says... "CAT and MOUSE." Being with her brother for almost 18 years of her life seems like an endless torture that sometimes she thougth of killing him or wished to have anothe...