"Nasaan si Dad?" tanong ko kay Zayn habang nakatayo kami rito sa may sala at hinihintay ang mga bisita. Hindi ba't mas maganda kung kumpleto kaming sasalubungin sila?
"Dad has a work. Tinutulungan niya sina uncle sa lupang nabili nila rito sa Pilipinas. Medyo matrabaho ang real estate," sagot niya. Hindi na ako nagtanong pa ng kung ano baka kasii mas lalong hindi ko maunawaan. Basta mahirap ang trabaho niya, 'yun na 'yun.
Ilang saglit pa ay narinig na namin ang tunog ng sasakyan mula sa labas ng bahay. "Nandidiyan na sila," saad ni Zayn at saka agad na tumayo upang salubungin ang mga ito sa may pinto. Sumunod naman ako sa kaniya. Mayamaya pa ay bumukas na ang pinto at sumalubong sa akin ang isang pamilyar na mukha.
Isang babaeng nakasuot ng simpleng puting bistida, daladala ang kaniyang maaliwalas at mala-anghel na mukha. Natulala ako sa kaniyang at ganoon rin naman siya sa akin. Pareho kaming hindi nakapagsalita sapagkat gulat na gulat pa rin kami sa isa't-isa. Ilang taon na ba ang nakakalipas noong huli ko siyang makita? The last time we met... she told me she liked my brother.
Well... She's like an older sister to me, sa lahat ng babaeng nagkagusto kay Apollo... siya lang ang pumasa sa taste ko. But seeing her right now in front of me... mabilis na gumapang sa aking katawan ang takot at kaba. Natatakot akong makalaban din siya sa puso ni Apollo sapagkat alam kong... kung ikukumpara kaming dalawa, walang-wala ako.
Apollo liked her. Siya ang mga tipo niyang babae at malayong-malayo ako sa kaniya.
"Emi?" Malambing ang tinig niyang sinambit ang aking pangalan. Mukhang nagulat si Zayn nang mapagtanto niyang magkakilala kaming dalawa.
"Do you know each other?" tanong ni Zayn na napatingin sa akin at kay ate Elli. Yes! That's right! Ate Elli is back. Hindi ko akalaing... magiging ganoon kabigat sa dibdib ko ang pag-iisip tungkol sa kanilang dalawa ni Apollo. Paano kapag nagkita sislang muli? Paano kung... magkamabutihan sila ng loob at matuloy ang pag-iibigan nilang naudlot noon? Ngayon pa lang ay nasasaktan na ako ng husto, paano pa kaya kung makita ito ng sarili kong mga mata? mamamatay siguro ako.
"Yeah! I know her..." Saad ni ate Elli na hindi pa rin mawala-wala ang tingin sa akin. Iniisip niya siguro kung bakit naririto ako sa tahanan ng mga Montecillo. Bago pa ako muling makasagot sa katanungang iyon ni Zayn, isang lalaki naman ang sumunod mula sa likuran ni ate Elli. Isang lalaking nakasuot ng simpleng puting T-shirt at maong pants. Nakangiti itong pumasok daladala naman ang isang malaking paperbag.
"Zayn! May pasalubong akong chocolates sayo! Oo nga pala! May regalo din ako sa little sister m---" Natigilan ito ng magtama ang mga mata naming dalawa. Ang kaninang ngiti ay napalitan ng pagkagulat. Nabitawan din niya ang supot ng chocolate.
"Emi?" tawag niya sa aking pangalan. Nanlaki ang mga mata ko ng muli siyang makita. Ang lalaking kani-kanina lang ay inaalala ko lang sa nakaraan. And now... he's here!
"E-ezra?" hindi ako makapaniwala. Oo nga naman! Kung naririto si ate Elli, for sure kasama niya ang kapatid na si Ezra. Pero bakit naririto sila sa bahay ni Zayn? Napakunot ang noo ko sa sobrang pag-iisip. Huwag mong sabihing ang family friend na tinutukoy ni Zayn ay ang pamilya Barron? Ang pamilya nina ate Elli at Ezra?
Napaturo ako kay Ezra at ganoon din siya sa akin. Sabay kaming nagturuan at humarap kay Zayn.
"She's your long lost sister?"-Ezra.
"He's your Santa Claus friend?" tanong ko naman.
Nagtinginan si ate Elli at Zayn na puno ng pagtataka.
"Yes! Her name is Arte---" naputol ang pagpapakilala sa akin ni Zayn ng magsalita bigla si Ezra.
"Artemis," nakangiting saad niya. Tinitigan ako ni Ezra, isang napakatagal na titig na para bang gusto niya atang bawiin ang ilang taong pagkakawalay namin.
BINABASA MO ANG
I Love You, kuya
Genç KurguApollo and Artemis has a cat and dog siblings' relationship or more she says... "CAT and MOUSE." Being with her brother for almost 18 years of her life seems like an endless torture that sometimes she thougth of killing him or wished to have anothe...