Akala ko ay magiging madali na ang buhay para sa akin pagkatapos ng araw na iyon ngunit mas lalo lang atang lumala dahil sa dalawang magkapatid na ito.
"Sister-in-law!" sigaw ni Sabrina nang salubungin ako sa may snake road.
"Sister-in-law!" sigaw din ni Queen nang bigla niyang itulak palayo si Sab. Nag-unahan silang salubungin ako at yumakap sa aking braso.
"Sino ka para lumapit sa kaniya? Hindi ba't galit ka sa kaniya dahil sa kumalat ni picture nila ni Apollo sa FB?" ani Queen, tinaasan niya ng kilay ang kapatid.
Sab pouted. "Eh hindi ko naman alam na magkapatid sila! Malay ko ba!" Sumimangot siya na parang iiyak na. "Ganyan ka! Ang tagal na nating magkakaibigfan pero hindi mo man lang sinabi na kapatid mo pala si Apollo my loves," pangongonsensya niya pa sa akin.
"Alam n'yo naman 'di ba? Hindi kami magkasundong dalawa," sagot ko naman. Yumakap sa kabilang braso ko si Sab, ngayon ay pinagigitnaan na nila ako at tila ba gusto pa nila akong pag-agawan.
"Napakaswerte talaga namin," ani Sab.
"Hindi mo ba alam na sikat ka na ngayon sa buong University dahil sa nangyari kahapon? You become a star in just one night," saad naman ni Queen.
"Yeah! Everyone wants to be your friend because you're the sister of the two hottest guy in our school," dugtong pa ni Sab.
"Really?" Bulalas ko.
Pagdating sa loob ng classroom ay nakita ko ang isang napakalaking pagbabago sa buhay ko.
"Goodmorning Artemis!"
"Goodmorning Artemis!" Nakangiti ang lahat sa akin. Binabati nila akong lahat na animo'y napakaganda talaga ng araw na ito. Pilit din silang nakikipag-unahan sa pwesto malapit sa akin at saka sila makikipag-kwentuhan ng kung anu-ano hanggang sa umabot ito sa usapan tungkol kay Apollo at Zayn.
"Sinong mas close mo? Si Apollo o si Zayn?"
"Anong favourite food ni Zayn?"
"Do you have a lot of Apollo's picture? Patingin naman,"
"Pakilala mo naman kami sa kuya mo," Nakangiting pangungulit nila sa akin. Unti-unti ay nararamdaman ko na ang pressure sa pagiging kapatid ni Apollo at Zayn. Hindi ko nasagot ang lahat ng mga katanungan nila dahil pilit din akong umiiwas.
"Guys! Get ready for the long Quiz. Sinabi ko na ito sa inyo last week, siguro naman nakapaghanda na kayo," sambit kaagad nang kakapasok pa lang naming prof. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Nak ng! Hindi ako prepared. May kumalabit sa akin mula sa likuran. Isa sa mga pinakamatatalino kong kaklase.
"Akong bahala sa'yo!" nakangiti niyang sabi ngunit batid kong may lihim siyang adyenda. Mabilis ko siyang tinanggihan.
Pagdating naman sa may Cafeteria, pilit akong hinahabol ng mga babaeng gustong mapalapit kay Apollo at Zayn kaya hindi na ako nakakain, gutom na gutom pa naman na ako. Ginagawa nila akong tulay para sa kanilang dalawa, naiirita na ako! Lalo na ngayon, kanina pa ako sinusundan ng baklang ito paglabas ng classroom hanggang CR.
"Ms. Artemis! Ms. Artemis! We're from journalism club, pwede ka ba naming mainterview?" tanong niya. Tinakpan ko noon ang aking taenga at umiling-iling mag-isa sa loob ng CR.
"I'm sorry Miss, but we need this for our project. Hindi kami aalis dito hangga't hindi ka lumalabas riyan," aniya pa. I was jawdrop. Tignan mo 'tong baklang 'to! Ang lakas pang manakot. Anong gagawin ko?
Kinuha ko ang aking phone at tinignan kung sino ang maaari kong tawagan. Out of my circles of friends, well... dalawa lang pala sila, si Sab lang at Queen. Hindi ko sila maaasahan sa ngayon dahil isa din sila sa mga tinatakasan ko. Anong gagawin ko?
![](https://img.wattpad.com/cover/243923384-288-k569914.jpg)
BINABASA MO ANG
I Love You, kuya
Teen FictionApollo and Artemis has a cat and dog siblings' relationship or more she says... "CAT and MOUSE." Being with her brother for almost 18 years of her life seems like an endless torture that sometimes she thougth of killing him or wished to have anothe...