Episode 24: November 17, 2020

42 2 0
                                    

APOLLO

Parang huminto ang tibok ng puso ko nang makita si Emi na mahulog sa hagdan. Nab-blangko ang ang aking isipan sa tuwing siya ang pinag-uusapan. Para bang... hindi ako makapag-isip ng tama at maayos. Ayoko siyang masugatan kahit na kaunti, pinag-aalala niya ako ora-oras. Sobra-sobra ang takot ko na masaktan siya ng pisikal. 'Yung tipong hindi na makatarungan.

Alam kong hindi ito narmal. Iba na talaga ang nararamdaman ko para sa kaniya. The way I touched her... I know to myself that I was too gentle. The way I look at her... It's how a man would looked at his lover.

Nang mga oras na iyon, ayoko ng lumayo sa kaniya. I just want to give up to myself and let my inner greed grab her. Not until a sweet voice of an angel whispered and pulled me again to her.

Nang makita ko ang babaeng nasa likuran niya, para bang binawi nito ang lahat ng nararamdaman ko para kay Emi. Bumalik sa akin ang pag-ibig na naramdaman ko noong una ko siyang nakita.

Her hair is straight and black, with her pale and no make up look with just a simple innocent eyes and smile... she looks very perfect in my eyes. She's the first girl I fell in love and I think I'm still into her.

Natulala ako sa kaniya sapagkat hindi ko inaasahang makikita ko siya ngayon. Hindi ko magawang maialis ang paningin sa kaniya sapagkat ilang taon ko na siyang hindi nakikita. Para bang gusto kung sulitin ang pagkakataon na masilayan siya ng ganito.

Nasa taas siya ng hagdan, napakataas niya. Ganito rin ang pakiramdam ko sa pagitan naming dalawa noon. Noong nireject at binusted niya ako... ang tingin ko sa kaniya ang isang langit na kailanman ay hindi ko maaabot. Na kahit gaano man kadami noon ang mga babaeng nakapaligid sa akin, para akong kaawa-awang bata na sa kaniya lang namamalimos ng pagtingin. OA ba? But that's just because I did like her that much.

That time, I thought my love for Emi is getting stronger not until I saw Elli again. Sa isang titig pa lamang niyang niya... minamahal ko siyang ulit at mas matindi pa iyon sa kung anomang nararamdaman ko kay Emi.

Because from the very beginning, I spend my whole life believing I am Emi's brother and at the same time, I also spend my whole life waiting for this girl to come back.

Marahan akong lumapit sa kaniya at tinitigan siya.

"Kamusta ka na?" nakangiting tanong niya sa akin.

Ghad! Look at her smile. I could die now.

"You're here?" hindi pa rin ako makapaniwala.

"Yeah! My brother insist," aniya. His brother? Oh yeah! Ezra, that little boy who always hang out with Emi.

"Hey! Bro!" Biglang umakbay sa akin si Dean. Geez! Nakalimutan kong nandito rin pala siya. "Who's this pretty girl huh?" Nakangiting saad niya. Heto nanaman po tayo.

"Kaibigan mo?" Tanong niya sa akin.

"Hi!" Nakangiting bati ni Elli sa kaniya. Galante at pormal itong nagpakilala sa kaibigan ko. Inilahad niya ang kaniyang kamay. "I'm Ellisa Leonor Barron but you can call me Elli. 2nd year Irregular student of Foreign Service. I'm Apollo's high shool friend. Nice to meet you!"

Sa sobrang elegante at pormal niya, napansin ko ang pag-aalinlangan ni Dean sa pagtanggap ng kamay nito. Well... Dean is just a playboy who really doesn't like formalities because he's always casual with everybody. Nakakatawang makitang bumahag ang kaniyang buntot pagdating kay Elli. Hindi ko naman siya masisisi beause I know as well that Elli is too intimidating, siya 'yung tipo ng mga babaeng mahihiya ang mga lalaking manloko at gag*hin siya sapagkat itsura pa lamang niya... alam mo nang sa isang matinong lalaki siya nararapat. 'Yung kulang na lang... dapat maging santo ka para magkalakas ng loob na ligawan siya. Ako kasi, makapal lang ang mukha ko noon. Kaya ayun... White flag na agad si Dean.

I Love You, kuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon