ARTEMIS
Hindi talaga ako nanonood ng basketball. Hindi ko alam kung anong enjoyment ang nakukuha roon ng mga babae hanggang sa... ako na lang mismo sa sarili ko ang nakasagot ng sarili kong katanungan.
First Quarter, hindi pa pumapasok noon si kuya Apollo. First five na naglaro ay ang mga barkada niyang sina Shin.
Dean Castro for number 4
Shin Ortega for number 6
Luke Cervantes for number 8
Owen Lee for number 10 and the other one;
Peter Erickson for number 15.
Pagpasok pa lamang nila ng Court with their serious faces, matutulala na lang panigurado ang maraming kababaihan. Masasabi kong hindi lang si kuya Apollo ang may taglay na kagwapuhan kung hindi maging ang mga ito. They look like a group of models who's gonna have a ramp on the stage. Parang gusto pa ata nilang gawing runway ang court dahil sa mga itsura nila. Required ba talaga ang itsura pag player ka? Tsk! Tsk! Tsk! Napailing-iling ako.
"Oh My GHIE! Did you see the number 4? Gosh! Ang Gwapo niya!" Napahawak sa mukha niya ang isang babae sa CEU.
"Papicture tayo sa kaniya mamaya, after the game," saad pa ng katabi nito.
Napangiwi ako. Ito rin siguro ang isa sa mga pinaka-ayaw ko pagdating sa basketball. Maraming mga babae ang nanonood lang not because of the game itself but because of the players. Naghahanap lang sila ng pwedeng landiing basketbolista.
"CEU, Fortunato got the ball!" sigaw ng announcer na siyang muling nagpabalik ng aming atensyon sa laro.
The 1st quarter is being heated by the opponents team. Mabilis ang naging pagpuntos nila.
"Fortunato for three!" sigaw ng announcer. Nagsitalunan at nagsigawan tuloy ang cheering squad nito sa aming tabi. The CEU Roosters are playing rough and acting as the offensive team right now. Mukhang gusto nilang tambakan kaagad ang team namin sa 1st quarte pa lang. They tried to score and score as much as possible nang sa ganoon ay mahihirapan na kaming bumawi sa 2nd quarter.
"Fortunato, again!" sigaw ng announcer nang ma-steal ni Gian ang bola kay Luke. Napakabilis niyang kumilos, and the way he dunk the ball on the ring para siyang naghahamon ng away. Pagbagsak niya sa court, sakto namang nagkatitigan silang dalawa ni kuya Apollo na nasa gilid lang at naka-upo sa bench. I saw Kuya Apollo smirked, mukhang nagegets nito ang gusto niyang mangyari. Gusto ni Gian na makaharap siya sa 1st Quarter pa lang. Nakikita kong gusto na rin namang maglaro ni kuya ngunit desisyon pa rin ng coach nila ang masusunod.
Nakukuha naman din ng Falcons ang bola ngunit sa tuwing si Gian na ang nagbabantay sa kanila ay hindi na nila nagagawang makalusot pa. That guy is really good, kaya pala ganoon na lang din kalaki ang cheering squad niya.
"Eeeeeeeeeeeng!"
"CEU is on the lead of 15 points from our NEU Falcons at the score of 25 and 10. Keep Watching for the 2nd Half of our NAASCU Basketball Semi Finals!"
"We'll start again after ten minutes!"
The First Quarter ended just like that. Tahimik lamang kaming nanonood ni Queen, pareho kaming walang kiber, maliban rito kay Sab na pinaglalaban pa rin ang NEU. Support na lang kami sa kaniya sa likuran.
"Tss! Puro mukha lang ba ang pinipili ninyo sa mga players ninyo?" saad ng isang babaeng tagaCEU. Nagawa pa niyang lumapit sa amin at nagcross arms with taas kilay pa.
"Aaminin naming gwapo ang mga players ninyo, pero mukhang puro gwapo lang kayo at walang galing! Kung gusto ninyo, sa modelifng industry na lang kayo sumali hindi rito!" Aniya na inikutan pa kami ng mata.
BINABASA MO ANG
I Love You, kuya
JugendliteraturApollo and Artemis has a cat and dog siblings' relationship or more she says... "CAT and MOUSE." Being with her brother for almost 18 years of her life seems like an endless torture that sometimes she thougth of killing him or wished to have anothe...