Episode 01: October 11, 2020

72 4 4
                                    

My Secret Brother

***

One month ago...

ARTEMIS

Nakatambay kami sa fourth floor lobby ng Annex building ng mga kaibigan kong sina Sabrina at Quencess. Nagbabasa kami ng Economics para sa recitation namin mamayang hapon.

Habang tahimik kaming nagbabasa, isang gwapong Law student ang napadaan sa gilid namin. Napasunod kami ng tingin sapagkat bukod sa itsura niya'y nakaka-hypnotize ang amoy ng kaniyang pabango. Mapapasamyu ka talaga ng hindi sinasadya. Parang ginigisang sibuyas at bawang lang.

Nagtungo ang lalaki sa isang classroom. May tinawag siyang pangalan at pagkatapos ay lumabas naman ang isang babae. Medyo nakakaintriga kaya naman napasingkit kaming tatlo ng mga mata.

"Mag jowa kaya sila?" pang-iintriga ni Sabrina.

"Ang sweet naman kung gano'n!" sagot naman ni Queen.

"Shsss! Tumahimik nga kayong dalawa at baka marinig nila tayo!" pagbabawal ko.

"Nakalimutan mo nanaman daw ang baon mo sabi ni Mommy. Heto, wag kang magpalipas ng gutom," saad ng lalaki at saka iniabot ang limang daang piso. 

"Salamat, kuya!" Nakangiting sagot naman ng kapatid nito. Pagkatapos noon ay agaran na ring umalis ang lalaki.

"Nakita n'yo na? Magkapatid sila! Masyado kasi kayong nag-iisip ng mga kung anu-ano eh!" Ngumising saad ko sa dalawa at saka bumalik sa maayos na pagkakaupo.

"Ang saya sigurong magkaroon ng nakatatandang kapatid na lalaki no?" napatalumbabang sabi ni Sabrina.

"Oo nga! Gusto ko rin ng matatawag na 'Kuya.," litanya naman ni  Quencess. Nagtinginan ang magkapatid habang nasa gitna nila ako. Hindi naman ako sumagot sapagkat may kung anong bagay ang nagpipigil sa aking sumang-ayon sa kanilang mga pangarap.

Sabi nga nila... hindi tayo pare-pareho ng mga pangarap. Marahil ang pangarap at gusto ng iba ay 'yun namang mga bagay na pinaka-kinaaayawan at kinamumuhian mo.

At tingin ko... Ako 'yon sa sitwasyong ito.

"Uy! Emi, diba may kuya ka?" Nakangiting tanong sa akin ni Sabrina.

Medyo may alam na rin naman sila sa buhay ko dahil sa tuwing nagkakaroon ako ng problema sa kapatid ko, sakanilang dalawa ako umiiyak at nagsusumbong. Sa pagkaka-alala ko, wala pa akong nasabing maganda sakanila tungkol kay kuya. Sabagay! Wala naman talagang magandang bagay tungkol sakaniya.

"Oo nga! Madalas kang magkwento tungkol sa kaniya kapag nangungupit siya ng pera sa piggy bank mo," saad naman ni Quencess. Tama siya! Iyon ang pinakakinabu-bwisitan ko sa lahat.

Ang Walang kwenta kong kapatid ay Hari ng lahat ng mga gastador. Daig pa ang mga babae kung umorder ng kung anu-ano sa Lazada at Shopee, ang resulta... pang isang araw lang ang isang linggong allowance niya kaya naman maging ang perang inipon ko ay pinagiinteresan niya.

"Naalala ko, Diba sabi mo... sinuot n'ya panty mo kasi hindi pa niya nalalabhan lahat ng brief niya?" Natatawang pagbabalik kwento ni Sabrina. Imbis na matawa ako, naiinis lang ako lalo sa tuwing naaalala 'yon.

"Gano'n na ba talaga ako ka-open sa inyo?" napangiwi na lang ako. Ewan ko kung hanggang saan na ba ang naikukwento ko tungkol sa kapatid ko. Pero isa lang ang sigurado ko, lahat ng iyon ay masasamang mga ala-ala.

"Minsan nga, sa isang linggo... tatlong beses kang nagrereklamo tungkol sa kaniya no!" saad naman ni Queen.

"HUH? T-tatlong beses sa isang linggo?" Gulat na gulat kong singhal sa kaniya. Hindi ko rin akalaing gano'n na pala kasama ang takbo ng buhay ko. Siguro marahil kahit si Picasso ay hindi maipipinta ang mukha ko sa sobrang sama ng realisasyong iyon.

I Love You, kuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon