Episode 17: October 31, 2020

34 2 0
                                    

APOLLO

Napasandal sa aking dibdib si Emi. Nakakapit lamang ang aking kamay sa kaniyang baywang ngunit tulala pa rin nang dahil sa halik. Nagising na lang ako ng makita ko sa may di kalayuan si Zayn. Seryoso ang tingin niya sa akin kaya't nakakasigurado akong nakita niya ang buong pangyayari.

Hindi ko alam kung bakit gabing-gabi na ay nasa labas pa rin siya. Marahil ay lumabas talaga siya ng bahay upang hintayin ang pag-uwi ni Emi.

Kita ko ang nanggagalaiti niyang panga sa akin. That is the first time na natakot ako sa kaniya, marahil ay dahil sa pagkakataong iyon alam kong guilty ako. Bahagya akong napaatras nang bigla siyang humakbang palapit sa akin. Agad niyang hinila palayo sa akin si Emi.

"What are you doing?" kunot noo niyang singhal sa akin. Agad akong napataas ng kamay at umiling-iling.

"Wala akong ginagawa sa kaniya, SIYA! Siya ang may ginawa sa akin!" pabirong saad ko ngunit hindi iyon tumalab sa kaniya. Zayn is really serious kind of man. Sa totoo lang... kung hindi lang kami magkaaway na dalawa, Zayn will be the perfect boyfriend for Emi.

"Are you not ashamed?" patuloy niya. The way he looked and asked me that... hindi ko maiwasang masaktan. Bumaba ang aking balikat at tumikom ang aking bibig sapagkat alam ko kung saan nanggaling ang katanungan niyang iyon.

Kapag nalaman ng mga tao kung anoman ang nararamdaman ko, everyone will either laughed at me or will be disgusted by it. Aminin ko man o hindi, iyon ang katotohanan sa mundong ginagalawan namin. Sa mata ng nakararami, anoman ang sirkumstansya... MAGKAPATID kami ni Emi at walang puwang ang nararamdaman ko.

"Ganito ka ba talaga kabastos? You can kiss your sister?" He smirked at me. Hindi ako kumibo ngunit tumatanim sa puso ko ang mga sinasabi niya. Nagpipigil lamang ako habang nakatingin sa mahigpit niyang pagkakahawak kay Emi. Iniisip ko na ako dapat ang nasa pusisyon niya.

"Maybe you can even f*ck her if I didn't come on time," aniya. Napataas na ako ng kilay dahil sa kaniyang sinabi. That one is really below the belt, kumulo talaga nang sobra ang dugo ko. Kumuyom ang aking kamao but again, for the first time... I tried to calm myself, lalo na at hawak niya si Emi.

I composed myself, nagpamulsa ako and smiled back at him. "Alam mong walang hiya ako, Zayn. Kaya sasabihin ko 'to sa'yo, I CAN kiss her, I CAN make love with her and I CAN make her a TOREALVA AGAIN!" Pinagdiinan ko sa kaniya kung ano ang kaya kong gawin na HINDI niya maaaring gawin sapagkat sila ang tunay na magkadugo.

Zayn smirked at me as well. Alam kong pareho kaming nag-iinit ngunit pinigilan namin ang sarili na magpang-abot kamay. "You know... If I can't marry her, I also won't let you," iyon ang huling binitawan niyang salita na may pagbabanta. Binuhat niya si Emi nang pang-bridal style palayo sa akin. Naiwan ako roong nakatanaw sa kanila hanggang sa makapasok ng gate.

Hindi ko alam kung saan ipupugkol ang magkahalong galit at inis kaya naman napakagat na lamang ako sa aking labi. Nagdugo ito sapagkat gigil na gigil ako. Napasipa pa ako sa poste na nasa gilid, hindi ko ininda ang sakit sapagkat mas umiibabaw ang init ng aking ulo.

Yeah! I said that! Ganoon ako katapang sa harapan ni Zayn but I know for myself na hinding hindi ko talaga iyon kayang gawin, lalong lalo na kay Emi. Hindi ko lang talaga mapigilan kanina ang makapagsalita ng ganoon sa harapan ni Zayn. When it comes to Emi and Zayn, I can't take it.

"F*ck!" napasigaw ako habang hawak ang ulo.

Wala akong gagawin kay Emi. I don't want this bud of feelings inside me grew and bloom even more. I know, I need to do something to save our relationship as siblings. We need some distance.



ARTEMIS

"Oh... sh*t!" Napahawak ako sa aking ulo. Napakasakit kasi nito, parang may pumipitik pitik.

I Love You, kuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon