Episode 12: October 25, 2020

23 2 0
                                    

"Tang*na ka talagang gag* ka!"

"Let's finish it, YOU F*CKING PIG!"

Suntukan dito, suntukan doon. Away dito, away doon. Basta't nagkakaabutan ang dalawa ay hindi mawawala ang away. Mas malala pa ang kalagayan nilang dalawa kung ikukumpara sa aming dalawa ni kuya Apollo noon.

Kapag ganito ay hindi na lang ako nakikialam sa kanilang dalawa. Lumalayo na lamang ako at pinapanood sila, pagkuwan ay mapapabuga na lamang ng hangin. Ayoko talagang mapagod ngunit sa tuwing naririnig ko ang pagpapalitan nila ng mga salita at nakikita silang nagbubugbugan sa walang kakwenta-kwentang bagay ay talaga namang umiinit din ang ulo ko.

Ako ang bunso pero parang ako pa ata ang tumatayong ATE nila.

Paulit-ulit na ganoon at araw-araw na nangyayari sa bahay, pagdating naman sa school... magkaaway pa rin naman sila ngunit umaarte silang akala mo napakadesente. Sa bawat paglipas ng panahon sa amin, isang bagay ang itinatak ko sa aking puso. Isang bagay ang gusto kong ibaon sa limot. Iyon ay ang tungkol sa aming dalawa ni Zayn.

Habang tumatagal ang pakikisama ko sa pamilya Montecillo, unti-unti ring napapalapit ang loob ko sa kanila. Nakita ko ang sinseridad ni Mr. Montecillo na gusto niya talagang makuha ang loob ko nang sa ganoon ay maramdaman namin ang lukso ng aming mga dugo. Mabait at galante si Mr. Montecillo, kahit na malayo ang agwat ng mga buhay namin sa kanila ay hindi iyon naging hadlang upang maging magkaibigan ang dalawang pamilya.

Parati kong tinititigan si Zayn sa bahay at school, pero ngayon... hindi na tulad ng dati. Oo! Nung umpisa ay hindi ko pa rin siya makita bilang kuya ko  but time comes na... nabawas-bawasan na ang nararamdaman ko gawa nang lagi kong sinasabi sa sarili na 'Our Love is illegal and forbidden.'

Sa aming dalawa naman ni kuya Apollo, well... wala namang masyadong nagbago, ganoon pa rin siya. Bukod sa pagluluto at paglilinis nang bahay, napakababuy pa rin niya sa mga gamit, gastarol pa rin siya, mayabang, malande at bastos.

Magulo man ang relasyon ng dalawang lalaking iyon ay hindi naman ako masyadong apektado. Mas payapa ako ngayon kesa noon, at least... si Zayn ang sumasalo sa lahat ng walang kwentang init nang ulo ni Apollo. Para ngang... sila ang tunay na magkapatid eh.

By the way, highway! Kakalimutan ko muna ang dalawa at may long quiz pa kami nina Sab at Queen sa Pol scie. Tambay kami sa may 4th floor lobby, hawak ang aming reviewers and lectures nang bigla kaming bulabugin ng isang bakla.

"Uy! Bilisan ninyo! Nagsusuntukan sa may Gym sina Apollo at Zayn!" sigaw nito na biglang lumaki ang aking tenga at mga mata. Mabilis na nagreact ang dalawa kong katabi.

"Si Apollo my love?" ani Sab.

"OH MY GHIE!" saad naman ni Queen.

Geez! Pumait ang aking mukha at pilit pinapababa ang aking dugo. So ngayon... hindi na nila napigilan pa ang sarili at maging dito sa school ay magbubug-bugan sila? Hindi ko na talaga kaya ang walang kwentang pag-aaway nilang ito. Mabilis akong tumayo sa aking kinauupuan at sumama sa mga nakikiusyosong estudyante. Doon ko na nga naabutan ang dalawa na nagsusuntukan. Syempre talo si Zayn dahil alam ko kung gaano kagaling sa pakikipagbasag ulo si kuya Apollo, laking basketball court ata siya. Madami na siyang nakaaway dahil sa agawan ng pwesto.

Since alam ko kung gaano naman din katigas ang kaniyang ulo, inihampas ko sa ulo niya ang blueprint case na hinila ko sa isang estudyante. Mabilis siyang nawalan ng malay at tinulungan kong makatayo si Zayn.  Of course! Alam kong magiging malaking issue ito sa dalawag fans club. Maaari nila akong sugurin at patayin sa mga oras na ito kaya naman nagdesisyon na akong sabihin ang totoong namamagitan sa aming tatlo, to protect myself of course.

I Love You, kuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon