"Lumayas ka at wag na wag ka nang babalik pa!"
Napayumuko ako at tinignan ang damo sa paahan ko..
"Wala ka nang ginawang maganda para sa pamilyang ito Hannah! Kaya mas mabuting lumayas ka nalang!"
Nagtutubig ang mga mata ko pero pinipigilan ko ito..
"Napaka walang kwenta mong anak!"
Kinagat ko ang labi ko..
"Sana... Sana talaga, sana hindi nalang kita naging anak!"
Biglang tumulo ang luha ko sa huling sinabing iyon ng mga magulang ko bago sila pumasok sa mansyon.
Napahawak ako sa dibdib ko dahil sobrang sakit nito.. Parang dinudurog ang puso ko at pinupunit..
Tumayo ako at pinunasan ang luha ko.
Tumingala ako upang makita ang pagkalaki laking mansyon sa harap ko na pag mamay ari ng mga magulang ko.
Ito na siguro ang huling beses na makikita ko to.
Tumalikod ako at naglakad palayo..
Mas mabuti na rin siguro na umalis ako sa mansyon kaysa araw-araw kong naririnig ang masasakit na salita ng aking mga magulang.
*RINGGGGG*
Kinapa ko kama at naramdaman ko ang cellphone ko. Agad kong pinatay ang alarm ko at dumilat. Humikab ako habang nag uunat tsaka tumayo upang mag ayos ng sarili.
Pumunta ako sa cr para maligo. Nang humarap ako sa salamin ay napatigil ako.. Kinapa ko ang pisngi ko at naramdaman ang tubig dito..
Pinunasan ko ang pisngi ko tsaka ako nagsimulang maligo. Araw-araw naman ganito ang nangyayari pag gigising ako. Lagi akong may luha sa pisngi..
Ako ng pala si Hannah Mariza Alonte.. Im 20 years old and I'm 3rd year college.
Matapos kong maligo ay sinuot ko na ang uniform ko tsaka nag-ayos.
7:34 am
Isinara ko ang pinto ng apartment ko tsaka ako nagsimulang maglakad papuntang school dahil walking distance lang naman ang school ko mula dito sa tinutuluyan kong bahay.
Pagdating ko sa school ay sumalubong sakin ang mga susyal na students.. merong mga nag memake up sa gilid, may nagpapakitangilasan ng actings at nagpapayabangan ng yaman.
Ito ang Moon State University, dito mo matatagpuan ang mga anak ng mga successful business man and women, dito mo din matatagpuan ang mga sikat na models, singers and actresses/actors na nag-aaral pa.
Nagtataka siguro kayo kung bakit dito din ako nag-aaral kung para lang isa sa mayayamang tao.. well scholar naman ako kaya di ko masyadong pinoproblema ang mga bayarin dito.
Masigla akong nagpatuloy sa paglakad at nang makarating ako sa building namin ay agad kong nakita ang aming classroom kaya pumasok na din ako agad loob.
"Hannah!" Sigaw ni Chloe na bestfriend ko.
Napangiti ako nang makita siyang kumakaway sakin kaya naman nilapitan ko siya at tinabihan sa upuan. Actually this is my chair at siya lang yung laging lumilipat dito sa bandang gitna para tabihan ako."Himala di ka late ngayong araw? Hahaha" natatawang sabi niya sakin habang sinusuklay niya ang pagkaganda ganda niyang buhok.
"Maaga kasi kaming nagsara kagabi kaya naman maaga din akong nakauwi at nakapagpahinga" nakangiting sagot ko sakanya.
BINABASA MO ANG
Right Time At The Right Moment
RomanceThis story is about the girl named Mariza who has nothing, she's so cheerful outside but gloomy inside. Can Hope save her from the pain of her past and stay with her forever? (Completed)