HANNAH MARIZA's P.O.V
Kinuha ko ang phone ko tsaka hinanap ang number ni Mike at tinawagan siya, kasamahan ko siya sa bar.
Habang nagriring ang phone ko ay naalala ko ang sinabi ni Hope kanina.
"Thank you..... Chloe"
Chloe? Magkakilala ba sila ng personal?
"Hello Hannah?" Rinig ko na sabi sa kabilang linya.
"Mike!" Bati ko sakanya.
"Oh bat ka napatawag?" Tanong niya
"Pasabi naman kay boss na hindi ako makakapasok today. May kailangan lang akong asikasuhin" sabi ko
"Osige walang problema. Ikaw pa" sabi niya at rinig ko ang pagtawa niya.
"Salamat Mike" sabi ko at pinatay na ang tawag.
Tumayo ako at lumabas ng kwarto ni Hope. Iniligpit ko ang basag na baso sa sala tsaka ko tinungo ang kusina para magluto ng ulam na may sabaw para makahigop si Hope.
JAY HOPE's P.O.V
Nagising ako dahil sa bango ng aking na aamoy. Tumayo ako at naramdaman ko ang sakit ng ulo ko.
Psh lagi akong nilalagnat pagkatapos kong mag-inom ng alcohol. Hindi kasi kinakaya na katawan ko ang alcohol.
Lumabas ako ng kwarto at tinungo ko ang kusina. Natagpuan ko roon ang isang babae na nagluluto.
"C-chloe?" mahinang sambit ko
Saktong napatingin ito sakin..
"Mariza..?" takang tanong ko.
"Bakit ka tumayo? Dapat nagpapahinga ka lang" sabi ni Mariza sakin.
Bakit siya nandito?
Lumapit ito sakin at inalalayan ako papasok ulit sa kwarto ko tsaka ako inihiga sa kama ng marahan.
"Magpahinga ka lang" sabi niya. "Nagluto ako ng mahihigop mong sabaw para gumaan ang pakiramdam mo" sabi niya ulit
"Salamat" sabi ko.
Ngumiti ito at akmang aalis pero nilakasan ko ang loob ko at hinawakan ko ang braso niya para pigilan siya. Bigla akong nakaramdam ng kaba nang mahawakan ko siya pero hindi ko alam kung bakit.
"Pangalawang beses mo na dito sa condo ko pero hindi pa tayo nagkakakilala ng maayos" nakangiting sabi ko at agad na bumitaw sa pagkakahawak ko sakanya.
"A-ah hehe oo nga no" nauutal na sabi ni Mariza at napakamot ito sa ulo niya.
Bigla niyang inilahad ang kamay niya sa harap ko.
"Ako pala si Hannah" nakangiting pagpapakilala nito sakin. Agad ko din namang tinanggap ang kamay niya.
Yeah.. You're Hannah Mariza Alonte.
"I'm Jay Hope, hindi ba Mariza ang pangalan mo?" Kunwaring hindi ko alam na tanong sakanya.
"Ah?" Takang tanong niya.
"W-wala" sabi ko nalang sabay bitaw sa kamay niya.
"So okay na? Magkakilala na tayo, pwede na ba kong bumalik sa kusina?" Sabi nito nang nakataas pa ang dalawang kilay.
Natatawang tumango nalang ako tsaka siya umalis.
She likes to smile but why her eyes is telling something.
BINABASA MO ANG
Right Time At The Right Moment
RomanceThis story is about the girl named Mariza who has nothing, she's so cheerful outside but gloomy inside. Can Hope save her from the pain of her past and stay with her forever? (Completed)