Chapter 11

1 0 0
                                    

HANNAH MARIZA's P.O.V

"Ayusin mo kasi" inis na sabi ko kay Hope.

Nagtakip ito ng bibig at pinigilan ang pagtawa niya.

Sirulo tong pag asa na to ah kanina pa ko nito pinagtatawanan eh -,-

Binatukan ko kaya tumingin siya sakin ng nakanguso.

-////- ang cute niya bwiset!

"Wag kang ngumuso dyn, mukha kang patay na tinapa" sabi ko na ipinagtaka niya.
"Anong tinapa?" Tanong niya.

"Ay ewan ko sayo" sabi ko tsaka nireview nalang yung lyrics ko.

Nandito kami ngayon sa bahay ko at nasa sala kami. Kanina pa kami nagpapractice ni Hope mula nung matapos ang practice niya.

"Nagugutom ako" bulong ko.

Tumayo bigla si Hope at dumiretso sa kusina.

May luluto siya? Marunong kaya siya? =.=

Sinundan ko siya sa kusinan at tinabihan.

"Ako na magluluto" sabi ko at akmang kukuhanin ang kawali pero pinigilan ako ni Hope sa pamamagitan ng paghawak niya sa wrist ko.

"Ako na. Pano ka magluluto nang isa ang kamay?" Sabi ni Hope.

Di na ko nagpumilit pa kasi di ko nga naman talaga kaya.

Isang araw palang akong ganito ay hirap na hirap na ko. Hirap akong maligo, hirap akong magbihis, hirap akong kumain, hirap ako sa lahat ng ginagawa ko.

Sana kasi yung kaliwa nalang yung nabali eh bat kanan pa?

Aba self demanding ka pa nabalian ka na nga -,-

Naupo ako sa upuan sa may dinner at pinanood si Hope kumilos.

"Marunong ka ba magluto?" Tanong ko lay Hope.

"Of course. Mag isa lang akong nakatira sa condo ko kaya naman ako lang nagluluto para sa sarili ko" sabi niya.

Marunong palang magluto pero niminsan hindi manlang siya nagluto nung nandon pa ko sa Condo niya. Duhhh.

Habang nagluluto si Hope ay naalala kong bigla yung work ko sakanya.

Hindi ko na pala nagagawa yung duty ko sakanya.

"Anong oras tayo aalis sa lunes?" Tanong ko kay Hope.

Humarap ito sakin at nagtataka. Medyo napangiti pa ko dahil may hawak siyang spatula.

Ang gwapo talaga.. Ah eh ano? Walaaa!

"Anong pinagsasabi mo?" Nagtatakang tanong ni Hope.

"Diba may show kang pupungahan sa monday? Yung 2 days" sabi ko

Kumunot ang noo niya tsaka ako tinalikuran at nagluto ulit.

"Sino ba nagsabing kasama ka don?" Sabi niya.

Bakit hindi ba? Tanga neto P.A mo ko baka nakakalimutan mo Hope -,-

"Syempre kasama ko kasi P.A mo ko"

"Hindi ka sasama"

"And why?"

"Tignan mo nga yang kamay mo. Di ka na nga makakilos ng maayos dito palang sa bahay mo eh tas aasikasuhin mo pa ko" kunot noong sabi niya at tinuro pa ang kamay ko.

Right Time At The Right MomentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon