HANNAH MARIZA's P.O.V
Nandito na kami beach kung saan mag shoshoot si Hope.
Bumaba na ko ng van bitbit ang gamit ko gamit ang kaliwang kamay ko. Tinanggal ko nga pala yung plaster cast na gamit ko sa kanang kamay ko para makagalaw ako ng maayos. Di na naman ito sumasakit kaya medyo ginagalaw galaw ko na pero di ko nalang masyadong ginagamit ang kanan ko.
Biglang kinuha ni Hope ang bag ko at naglakad siya kaagad. Bitbit na nga niya gamit niya na dapat ako ang gumagawa eh..
Naglakad nalang ako at sinundan siya. Pagdating namin sa part ng resort kung saan mabuhangin ay nandon ang maraming tao which is yung staffs and guests.
"Hannah?"
Agad kaming napalingon ni Hope sa pamilyar na tumawag sakin. Nanlaki ang mata ko sa gulat.
"Janette?" Nagtatakang bangit ko.
Ngumiti siya at niyakap ako. Tsaka ko nakita sina Zack at Bryan na kasama niya pala.
"What are you doing here?" Nagtatakang tanong ni Zack sakin na ikinataranta ng utak ko.
Anong isasagot ko?!
Napatingin ako kay Hope at siya din ay nakatingin sakin.
"Actually I brought her here" nakangiting sabi ni Janette habang nakatingin sakin.
Gulat ko siyang tinignan at kinindatan naman niya ko.
"Is that so?" Bryan.
"JAYYYY!"
Lahat kami ay napatigil dahil sa sumigaw. There's a girl na napaka sexy at makinis.
Tumatakbo ito palapit sa pwesto namin at agad na niyakap si Jay na ikina kunot ng noo ko.
Ang sakit ah sa harap ko talaga nagyakapan? Teka anong masakit? Di naman eh.
"C-chloe" gulat na sambit ni Hope nang yakapin siya ni Chloe.
Naramdaman ko ang paghawak sakin ni Janette kaya napatingin ako sakanya.
Nakatitig si Janette kay Chloe at ang sama ng tingin niya.
"What the heck are you doing here?" Malamig na sabi ni Janette kay Chloe.
Nilingon kami ni Chloe at tumingin siya kay Janette.
"For your information I'm one of the guests here and.." Lumipat ang tingin ni Chloe mula kay Janette papunta sakin tsaka ako tinignan mula ulo hanggang paa. "...I'm also here to support my boyfriend" nakangising sabi niya habang nakatitig sakin.
Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Hindi lang pala kurot dahil sobrang bigat ng dibdib ko.
Agad akong umiwas ng tingin.. Hindi ko manlang magawang tignan si Hope.
"Guests! Let's start" sigaw nung staff.
Tinapik ni Janette ang balikat ko.
"Wait for me ah? Dun ka sa room ko magstay with me" nakangiting sabi ni Janette sakin tsaka sila pumunta sa set.
Nakakapit naman si Chloe sa braso ni Hope at hinila siya papunta sa set. Hinablot ko muna ang bag ko mula sa kamay ni Hope bago sila makalayo.
Mula rito ay pinanood ko ang introduction nila.
"Welcome to Running Show! We have a famous guests here today" sabi nung lalaking di ko kilala "right here are the famous models" sabi ulit niya.
BINABASA MO ANG
Right Time At The Right Moment
DragosteThis story is about the girl named Mariza who has nothing, she's so cheerful outside but gloomy inside. Can Hope save her from the pain of her past and stay with her forever? (Completed)