Chapter 15

7 0 0
                                    

HANNAH MARIZA's P.O.V

The game ended and LYUN wins, that means MSU basketball team lost.

Sabay sabay kaming pumunta nila Janette at ng boys sa cafeteria para kumain ng lunch.

"Sayang kala ko mananalo na kayo eh" sabi ni Janette na galit na galit kanina dahil panay balya nung kateam ni Ace kay Zack kanina sa game.

Kulang nalang nga pumasok siya sa court at pag sasabunutan yung lalaki na yun sa sobrang inis ni Janette eh hahaha.

"That's fine. May laro naman kayo bukas diba?" Tanong ni Bryan kay Janette.

Haayyss! Kasali sana ako don bukas kung di lang ako napilayan ay di ako matatanggal.

"Yup! Manood kayo ah?" Sabi ni Janette.

"Of course" sagot nila.

Dumating na ang order namin at kasabay noon ang pag dating ni Chloe.

"Bakit nandito ka?"

Gulat akong napatingin kay Janette dahil sa tono ng pananalita niya kay Chloe ay mahahalata mong inis o galit siya rito. Hindi lang ako kundi pati na din si Hope ay halatang nagulat sa inasta ni Janette.


Malamag maiinis o magugulat siya dahil girlfriend niya ang tinarayan ni Janette.

"Why? Am I not allowed to eat with my boyfriend?" Taas kilay na sagot ni Chloe kay Janette.

"It's not like that. Yes, you're allowed to eat with your boyfie but don't you know what you're not allowed to do?" Nakapoker face na sabi ni Janette tsaka ito ngumisi "You're not allowed to use others identity and kindness to get what you want"

Napatigil si Chloe sa sinabi ni Janette at kumunot ang noo siyang napayuko.

"Hi guys!" Nakangiting bati ni Ace na kararating lang at nakatayo sa gilid ni Chloe habang nakataas pa ng bahagya ang kamay ma parang kumakaway.

Umirap si Janette habang si Zack naman ay nagpipigil ng tawa sa gilid niya, si Bryan naman ay napabuntong hininga while Hope and I are confused.

What did happened between Chloe and Janette?

Naupo si Chloe ng tahimik sa tabi ni Hope at si Ace naman ay gumaya kay Chloe at naupo din. Paikot ang table kaya magkakaharap kaming lahat.

Nagsimula kaming kumain at wala niisa samin ang nagsasalita dahil siguro sa nangyare kanina.

"Nabalitaan ko pala ang nangyare kanina sa BK ah" basag ni Chloe sa katahimikan. Di ako tumingin sakanya at tiniloy lang ang pagkain.

Wala kong panahon sa mga taong iniwan ako.

Wala samin ang sumagot sa sinabi ni Chloe at nagpatuloy lang sa pagkain.

"Ace, do you like Hannah?"

Napatigil ako sa narinig ko, napatingin kami kay Chloe na nagtanong at sabay sabay kaming napalingon kay Ace.

Nakatingin din si Ace kay Chloe tsaka niya ko nilingon at sumilay ang kanyang ngiti nung magtama ang mata namin.

"I won't deny it so... yes I like her" sagot ni Ace na ikinakunot ng noo ko.

Luh


Nagcoconfess ba siya?

Napatingin kami kay Hope na tumayo at nagpunas ng bibig gamit ang tissue.

Right Time At The Right MomentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon