HANNAH MARIZA's P.O.V
Sabado ngayon at nandito ako sa tapat ng unit ni Hope. Unang araw ko ngayon bilang P.A niya. 4am palang ng umaaga at kaya ako nandito ng maaga ay para gisingin siya.
Nakausap ko na kasi si Mr. Alfred which is yung Manager ni Hope at ang sabi niya ay mahirap daw gisingin si Hope kaya dapat ko pa siyang sunduin at asikasuhin para hindi malate sa appointment niya.
Pinindot ko ang passcode ng unit ni Hope tsaka ako pumasok. Ibinaba ko ang gamit ko sa sala tsaka dumiretso sa kwarto niya.
Binuksan ko ang ilaw at nakita siya na mahimbing pa din na natutulog. Nilapitan ko siya at tinapik para gisingin.
"Hope?" Sambit ko habang tinatapik ko ang pisngi niya.
"Hmm" ingit niya at humarap sakin.
Dumilat ito ng kaunti at pumikit ulit. -,-
Sabi ko gising na di matulog ulit =,= Tinapik ko siya ulit sa pisngi niya. Natigil ako sa pagtapik sakanya nang hilahin niya ko patabi sakanya.
"H-hope!" Sabi ko dahil naramdaman ko ang pag yakap niya sa bewang ko.
Ang ulo naman niya ay nakasandal sa dibdib ko habang tulog pa din siya. Ilang beses na to ah -,- Hobby niya bang mang yakap kapag tulog siya? Kinaltukan ko siya para magising siya.
*BOINK
"Aray!" Ika niya at napahawak siya sa ulo niya. "Ang aga aga ang sadista mo" sabi niya nang nakanguso pa.
"Ahem! Ang aga aga mo ding manghila no?" Sabi ko.
>.> siya
<\\\< ako*BOINK
"Aray naman!" Sigaw ko sakanya nang itulak NANAMAN niya ko kaya nahulog ako sa lapag.
"Bakit ka ba nakatabi sakin?!" Sigaw niya sakin.
"Itanong mo sa sarili mo! Ikaw tong nanghihila bigla" pairap na sabi ko
Nag-iwas siya ng tingin at kita ang panumula ng tenga niya. Ngayon nahihiya ka ginawa mo no?
"Bumangon ka na dyan 6am yung appointment mo sa NC Entertainment" sabi ko tsaka ako tumayo.
"Di mo ko paliliguan?"
Nakanganga kong napatingin sakanya. Yung mukha niya parang inosenteng bata na seryosong nagtatanong. Wtf?!
Hinubad ko ang tsinelas na suot ko tsaka ko hinagis sa kanya.
*BOINK
Sapul siya sa mukha XD
"Joke lang eh" nakangusong sabi niya.
"Bumangon ka na" sabi ko tsaka ako lumabas ng kwarto niya at dumiretso sa kusina para maghanda ng makakain.
Nagluto ako ng fried rice tsaka hotdog at bacon. After kong magluto ay inilagay ko sa lalagyan para baunin namin kung sakaling magutom si Hope mamaya.
After kong maghanda ng pagkain ay pumasok ako ulit sa kwarto niya at rinig ko ang tubig sa banyo. Dumiretso ako sa walk in closet niya. And wtf!
Mas malaki pa to kaisa sa bahay na tinutuluyan ko ngayon. Kumuha ako ng mga damit niya para pamalit kung saka sakali.
Ano pa ba? Wala kasi akong alam sa ganito.
"Ahem" napalingon ako sa likuran ko at nakita ko na nakatayo si Hope doon.
BINABASA MO ANG
Right Time At The Right Moment
RomanceThis story is about the girl named Mariza who has nothing, she's so cheerful outside but gloomy inside. Can Hope save her from the pain of her past and stay with her forever? (Completed)