HANNAH MARIZA's P.O.V
"Nasan ka na ba sis?" Natatarantang boses na rinig kong tanong ni Janette sakin mula sa kabilang linya.
"Eto na ko, eto na jusko" sabi ko at lumabas na ng bahay.
"Osiya. Kita nalang tayo dito sa school ah. Nasa BK kami" sabi niya.
Itatanong ko pa sana kung bakit sa BK pero binaba na niya agad ang tawag. Naghahadali naman akong lumabas ng bahay at naabutan ko si Bryan na nakatayo sa gate.
"Good morning" bati ko sakanya sabay ngiti ng kaunti.
"Morning" nakangiti ding bati niya tsaka ako pinagbuksan ng pinto.
Naupo ako sa passenger seat at siya naman ay sa driver seat. Nang makaupo siya ay pinaandar niya kaagad ang sasakyan patungo sa school.
Sa pagkakatanda ko ay siya ang nag uwi sakin sa bahay mula sa concert ni Hope. Naghihinala kaya siya? Bakit hindi manlang siya nagtatanong sakin about sa nangyare kagabi?
"Umm Bryan about nga pala kagabi..." Panimula ko.
"Nasaan daw sila Zack?" Tanong sakin ni Bryan kaya napalingon ako sakanya.
"Ah? Ano nasa BK daw sila" medyo kabado na sagot ko.
"Ah sige. Doon nalang tayo dumiretso. Baka may announcement about sa school" nakangiting sabi ni Bryan sakin.
Iniiba niya ba yung topic namin or curious lang talaga siya kung nasan sila Zack?
Nang makarating kami sa school ay sabay kaming naglakad papunga sa BK at walang nagsasalita samin.
Nang malapit na kami sa BK ay huminto si Bryan kaya naman napahinto na din ako.
"Bakit ka huminto?" Tanong ko.
Humarap siya sakin at ngumiti.
"Mauna ka na. Mag cr lang ako" nakangiting sabi ni Bryan tsaka dumiretso ng lakad papuntang cr ng boys.
Nagkibit balikat nalang ako at dumiretso sa BK. Pagpasok ko naman ng BK ay natanaw ko kaagad sila Janette kaya naman tumabi ako sakanya. Sa kabilang side naman niya si Zack.
"Ano daw meron?" Tanong kay Janette nang makaupo ako.
"Hindi ko din alam eh" nakangiting tanong ni Janette sakin.
"Good morning MSU students!" Bati nung Emcee kaya nagsigawan ang mga students at binati siya pabalik.
"Before we start our event today, let's all watch and appreciate his performance... Omg concert niya kahapon so pahabol nalang daw yung ngayon" natatawang sabi nung Emcee.
Concert kahapon? Is it... Hope?
"Let's give an applause to Mr. Jay Hope Perez!" Sigaw nung Emcee bago bumaba ng stage at nang makababa siya ay lumabas naman si Hope mula sa backstage na may bitbit na gitara.
Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko.
"Wooooo!!!!" Sigawan ng lahat pati na rin si Zack at Janette.
Naupo si Hope sa isang upuan na nasa gitna ng stage tsaka nilibon ng tingin ang manonood. Nahinto ang tingin niya sa bandang entrance ng BK tsaka ito ngumiti sabay tango.
Agad akong napalingon kung saan siya nakatingin at doon ay nakita ko si Bryan na saktong tumingin sakin at naglakad papalapit sakin.
"I made this song recently and haven't released yet. I actually made this song for the girl that I love" nakangiting sabi ni Hope sabay tingin sakin.
BINABASA MO ANG
Right Time At The Right Moment
RomanceThis story is about the girl named Mariza who has nothing, she's so cheerful outside but gloomy inside. Can Hope save her from the pain of her past and stay with her forever? (Completed)