HANNAH MARIZA's P.O.V
Ibinaba ko ang suklay sa side table ko nang matapos akong magsuklay ng buhok ko.
"Sweetyyy nandyan na si Bryan sa baba" rinig kong sigaw ni Mom mula sa labas ng kwarto ko.
Bumuntong hininga ako at kinuha na ang bag ko at phone ko. Binuksan ko iyon at nakita kong may 20+ akong miscalls at unread messages nanaman ako. Hinayaan ko nalang iyon at nilagay sa bulsa ko ang phone tsaka ako bumama sa salas at doon ay naabutan ko si Bryan na nakangiti sakin.
Nilapitan ko siya at hinalikan niya ako sa pisngi like what we always do after naming malaman na Fiançee namin ang isa't isa
"Mom aalis na po ako" paalam ko kay Mommy at hinalikan ko siya sa pisngi
"Ingat sweety. Ako na magsabi sa daddy mo na pumasok ka na" nakangiting sabi ni Mommy sakin
"Thanks" sabi ko tsaka hinila si Bryan palabas mg bahay.
Pinagbuksan ako ng pinto ni Bryan tsaka siya sumakay sa driver seat at nagmaneho papuntang school.
"Good morning" pagbati sakin ni Bryan.
Nginitian ko siya at tumingin sa labas ng bintana.
It's been 2 weeks mula nung birthday ni Bryan... Mula nung announcement na dahilan para maging ganito ang set up namin ni Bryan araw araw.
Sinusundo niya ko sa bahay at sabay na papasok and then sabay din kaming uuwi.
At since that day... I've never seen Hope again. Actually he's always calling and texting me, as in everyday.. He's asking me na magkita kami but I'm hesitating. I don't know why... Is it because I'm guilty that I might have hurt him by knowing that I'm the fiançee of his best friend?
But that's impossible.. He doesn't even have a feelings for me. Umiling ako at napabuntong hininga.
"Hannah?"
Napalingon ako kay Bryan na nakatayo sa harap ko hawak ang bukas na pinto ng passenger seat.
Doon ko lang narealized na nandito na pala kami sa school. Agad akong bumaba at inihatid ako ni Bryan sa classroom ko.
Ang alam ng mga students ay nililigawan ako ni Bryan. Kapag tinatanong nila ko ay nginingitian ko lang sila. Hindi ko naman kasi kailangan pang magpaliwanag sakanila about sa relasyon na meron kami ni Bryan.
"Sis, are you okay?" Tanong sakin ni Janette nang makaupo ako sa tabi niya, nasa kabila naman niya si Zack.
"Yeah I'm fine" sabi ko.
"Amm. Sis, pumasok na ulit si Hope"
Bigla akong kinabahan sa sinabi ni Janette.
He's here?
Para kong tanga nag iisip na tumakbo papunta sa classroom ni Hope para kamustahin siya pero NO... Hindi ko yon kayang gawin.
Magtatanong sana ko kung kamusta si Hope nang maramdaman ko ang pag vibrate ng phone ko.
Kinuha ko iyon mula sa bulsa ko at may natanggap akong message from Mr. Pag asa. Nanginig ang mga kamay ko nang makita ko ang name na iyon mula sa nag message sakin.
Binuksan ko ang message na sinend sakin ni Hope at sobrang kabado ako.
"Can we talk? I'm at the front gate... Please"
Ito lang ang laman ng message niya. Ibinalik ko ang phone ko sa bulsa ko at sakto naman ang pagdating ng prof ko.
**
BINABASA MO ANG
Right Time At The Right Moment
RomanceThis story is about the girl named Mariza who has nothing, she's so cheerful outside but gloomy inside. Can Hope save her from the pain of her past and stay with her forever? (Completed)