HANNAH MARIZA's P.O.V
Humikab ako at sinubukan uling matulog. Hinigpitan ko ang paghawak sa yakap ko.
Napakakomportable ng higa ko habang yakap ito. Naamoy ko ito at ang bango... Sobrang fresh ng amoy.
Pero parang pamilyar sakin ang amoy na ito..
Mabango... Sobrang bango..
Parang si...
Si...
Napamulat ako bigla ng mata nang maisip ko ang pangalan niya. Tumingala ako para makita ang mukha ng taong yakap ko.
Nakita ko ang namumulang mukha ni Hope at hindi lang mukha, pati ang tenga niya ay pulang pula. Para siyang nagpipigil ng hininga.
Agad ako napaupo. Kaya pala pamilyar ang amoy eh =/////=
Nilingon ko siya at sakto namang lumingon din siya sakin. Sabay kaming biglang tumayo at pumasok siya sa cr, ako naman ay palabas ng kwarto ng makita kong nakatayo sa pinto si Heath at naka cross arm.
Nginisihan ako nito at umiling iling. Nilampasan ko siya at dumiretso sa kusina para uminom ng tubig.
Thursday ngayon kaya may pasok kami. Naghanda na ko ng sarili at pagkatapos non ay inintay ko si Hope sa sala.
"Heath, mom and dad came home last night. Pinapahatid ka nila sakin today" sabi ni Hope.
Mom and Dad?
"Sure thing, I wanna go out of here so you two can enjoy each other" nakangising sabi Heath.
Narinig ko na nasamid si Hope sa iniinom niyang tubig habang ako naman ay nasamid sa sarili kong laway.
"Shut up" sabi ni Hope tsaka ito pumasok sa kwarto niya.
Nang lumabas si Hope ay dala na niya ang gamit ni Heath kaya umalis na kami. Saglit lang ang byahe namin nang makarating kami sa bahay nila Hope.
Malaki ang bahay nila. Sobrang laki. Pumasok kami at binati kami ng mga maids nila. Inasikaso agad nila ang gamit ni Heath na bitbit namin.
Dumiretso kami sa likod ng bahay nila at hindi ko alam kung bakit dahil sinusundan ko lang naman silang dalawa na nauuna sa paglalakad.
Sa di kalayuan ay may garden doon at may nakaupo na dalawang tao sa loob. Pumasok kami doon at sinalubong kami ng dalawang iyon.. Isang magandang dalaga at gwapong binata.
"Mom! Dad!" sigaw ni Heath tsaka ito tumakbo papalapit sa binata at dalaga.
MOM?! DAD?! Yung dalawang iyon?
"Heath! Hope!" Bati ng babae sakanila. Bineso ni Hope ang babae tsaka ito niyakap. Ang lalaki naman ay inapiran lang ni Hope.
"I've missed you" wika ng lalaki kay Hope at Heath
Para lang silang magkakapatid sa itsura nila.
"Oh who is she?" Gulat na tanong nang babae habang nakatingin sakin.
Ako? Sino nga ba ko? Amp haha
"She's..." Hope
"...kuya's girlfriend" sabat ni Heath
Napataas ang kilay kong tinignan si Heath
Girlfriend? -,-
"Oh my gosh!" Nakangiting sabi ng mama nila tsaka ako nilapitan at hinawakan ang magkabilang balikat ko.
BINABASA MO ANG
Right Time At The Right Moment
RomanceThis story is about the girl named Mariza who has nothing, she's so cheerful outside but gloomy inside. Can Hope save her from the pain of her past and stay with her forever? (Completed)