HANNAH MARIZA's P.O.V
Nagising ako ng maaga at lumabas ng hotel para tumambay sa tabing dagat.
Susulitin ko lang ang araw dahil mamaya ay uuwi na din kami.
Naupo ako sa buhangin habang ang paa ko ay inaabot ng anod ng dagat. Napakaaliwalas ng paligid. Nakakaginhawa at nakakawala ng problema. Huminga ako ng malalim.
"Ang lalim naman non"
Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Bryan na nakangiti sakin habang tabihan ko kaya naman nginitian ko din siya.
"Good morning" bati ko sakanya.
"Ang aga mo yatang nagising?" Tanong niya sakin.
Nagshrug lang ako kasi di ko naman alam kung bakit maaga ako nagising.
"Have you eaten?" Tanong niya ulit.
"Not yet" sabi ko.
Bahagya kaming natahimik pareho at nakatitig lang sa magandang dagat sa harapan namin.
Hindi ko mapigilang mapabuntong hininga muli dahil sa mga problema ko.
"I know you're not okay" sabi ni Bryan.
Hindi ko siya nilingon at nakatitig pa din kami pareho sa dagat.
"Let the problem enter your life, but don't let that problem to stay forever"
Agad akong napatingin sakanya at tumingin din siya sakin.
"When the world seems so unfair. You can count on me to stay"
Nginitian ko siya sa sinabi niya at niyakap siya.
"Salamat" maikling sabi ko at naramdaman ko rin ang pagyakap niya sakin.
"Ehem"
Napabitaw kami ni Bryan sa isa't isa at napatingin kina Janette na kararating lang.
"2 points" nakangising sabi ni Zack habang nakatingin kay Janette.
Sumimangot naman si Janette at tumingin kay Hope na kasama si Chloe.
"Galaw galaw naman kasi!" Sabi ni Janette na ipinagtaka ng mukha ni Hope.
"Ang daldal mo maligo ka nalang" sabi ni Zack at binasa si Janette ng tubig mula sa dagat.
Nagbasaan sila habang pinapanood lang namin sila at tinatawanan.
Ang suot naming lahat ay yung suot namin kagabi pwera kay Chloe dahil bago na ang suot niyang bikini.
Napataas ang kilay namin nang huminto si Zack at Janette sa pag babasaan at humarap samin nang may nakakalokong ngiti.
Patayo na sana kami pero agad nila kaming binasa.
"Amp! Ang lamiggg!" Sigaw ko kaya natawa sila.
"Hannah" Tawag sakin ni Bryan kaya tinignan ko siya.
Nakangisi ito at nakaamba nang mambabasa kaya wala na kong nagawa at nakipag basaan nalang sakanila.
Napatigil kaming lahat nang may maghagis ng polo sa mukha ko kaya ito natakpan. Tinanggal ko iyon at nagtatakang tinignan sila.
Nakatingin silang lahat kay Hope na nakaiwas ang tingin mula sakin. Si Bryan din ay nakaiwas ng tingin sakin at si Chloe naman ay nakasimangot.
BINABASA MO ANG
Right Time At The Right Moment
RomanceThis story is about the girl named Mariza who has nothing, she's so cheerful outside but gloomy inside. Can Hope save her from the pain of her past and stay with her forever? (Completed)